World ID: Pagprotekta sa mga konsumer laban sa pag-hoard ng AI bot ng mga ticket at serbisyong pampubliko

Marso 19, 2025 4 Minutong Pagbabasa

Ang problema

Umaasa na tayo sa mga online system para sa mga bagay na gusto at kailangan natin. Gayunpamann, sinasakop na ang mga system na ito ng mga bad actor o masasamang-loob na gumagamit ng mga bot para alisin ang mga tao mula rito na siyang bumabaluktot sa mga merkado at lumilikha ng artipisyal na kakulangan.

Nagiging ulo ng mga balita ang mga bot na ito kapag hindi makabili ang mga fan ng mga Taylor Swift ticket o hindi makapagreserba sa restaurant  ang mga tao. Gayundin, nakakainis ito para sa mga taong gustong gumamit ng mga serbisyo ng gobyerno; sa ilang lugar, halos imposible nang makakuha ng pasaporte o makapag-driving test  nang dahil sa mga bot. Mas malala pa riyan, ang advanced na mga AI agent ay supercharged nang mga bot. Ibig sabihin, mas magiging mahirap ang pag-access sa mga produkto at serbisyo para sa mga taong limitado ang pinansyal o teknolohikal na kakayahan.

Sa patuloy na pag-angat ng inobasyon sa teknolohiya nang walang kaakibat na proteksyon para sa mga konsumer, nasisira ang tiwala ng publiko sa mga merkado at mga system ng gobyerno. At kapag hindi na gumagana ang mga system, maiiwan ang mga konsumer sa ere at hindi na makakuha ng pangunahing mga serbisyo. Oras na para umangat sa mga bot. Pero paano?

"Noong 2024, umakyat sa 86.5% ng lahat ng trapiko ang automation sa mga ticketing site, at ang masasamang bot ay bumuo ng isang-katlo ng kabuuang iyon." - Imperva

Ang kakulangan ng kasalukuyang mga solusyon  

Sakit sa ulo para sa mga negosyo at gobyerno ang mga bot sa ticketing at appointment, hindi lang dahil kailangan nilang tumugon sa galit na mga konsumer, kundi dahil kailangan pa nilang bumuo ng parang whack-a-mole na mga patakaran para mapalayas ang mga AI na sumisingit. 

Ang hamon ay mas nagiging mahirap gumawa ng mga system na kayang matukoy ng kaibahan ng lehitimong mga tao mula sa mga bot. Sa ngayon, napipilitan ang mga inhinyerong gumamit ng mga solusyong tulad ng CAPTCHA at beripikasyon gamit ang government ID. Maaari itong makadagdag-abala at/o gastos para sa mga mamamayan at konsumer, na lalo nang nadidismaya. Nagdadala rin ito ng mga pananagutan para sa mga gobyerno at negosyo na kailangang panatilihing protektado ang datos na iyon. Ang mas malala pa riyan, mabilis nang nawawalan ng bisa ang mga paraang ito habang nagiging mas bihasa na ang AI sa paggamit ng mga site, paglusot sa mga CAPTCHA at paglikha ng napakasopistikadong mga pekeng ID.

Sa madaling salita, ang mga hadlang na ito ay nauuwi lang sa lalong pagkadismaya ng tunay na mga tao habang kaunti lang ang nagagawa laban sa mga abuso sa pamamagitan ng AI. May mas magandang solusyon para rito, isa kung saan pinoprotektahan rin ang pribasiya ng bawat indibidwal at pwedeng ma-access saanman sa mundo.

Ang solusyon: Mga tunay na tao lang

Ang World ID ay nagmula sa simpleng ideya ng patunay ng pagkatao: Binibigyang-daan nito ang mga taong pribado at ligtas na mapatunayang tunay at bukod-tangi silang tao online.

Maaaring i-intergrate ng mga ticketing website at government portal ang World ID sa mga booking app ng mga ito sa check-in o checkout para mapigilan ang mga bot na makabili ng ticket o makapag-book ng appointment. Hindi mo na kailangan pang punan ang kumplikadong mga form o magpadala ng government ID mo. 

Ang World ID ay hindi katulad ng ibang system ng beripikasyong nakakaabala lang. Ang gated check-in ay kasing simple ng Sign in with Google o Sign in with Apple, pero nalalaban nito panloloko. Hindi tulad ng mga email account na madaling gawin o gayahin, isang beses lang nabibigyan ang mga tao ng beripikadong World ID. Ibig sabihin, hindi makabibili nang maramihan ng mga ticket o makapagpapareserba nang maramihan ang iisang tao.

Kapag i-nintegrate ang World ID sa checkout, maitataboy nito ang mga at maipanunumbalik ang patas na sistema sa pamamagitan ng pagpigil sa mga taong humakot ng mga slot sa iba’t ibang lokasyon nang sabay-sabay (na malinaw na may intensyong ibenta muli) o gumawa ng maraming booking para sa parehong serbisyo.

Sa pamamagitan ng World ID, posible pa rin para sa mga taong makapagbenta o makapag-transfer ng mga ticket, pero dahil mahirap i-transfer ang isang beripikadong World ID—magagawa lang nilang bumili ng kasingdaming ticket tulad ng ibang tao. Sa ganitong paraan, makabibili muna ng mga ticket ang tunay na mga fan. 

Tinitiyak ng pagpapatupad ng World ID sa mga system na ito ang:

  • Mas patas na access sa mga serbisyong pampubliko: Makakapag-book ng appointment ang mga mamamayan nang walang tagapamagitang umaabuso sa system.
  • Maiiwasan ang pananamantala sa mga konsumer: Mananatiling abot-kamay ang mga ticket para sa konsiyerto, isports at kultural na mga kaganapan sa orihinal na presyo ng mga ito.
  • Maipanunumbalik ang tiwala sa mga institusyon: Magkakaroong muli ng kredibilidad ang mga gobyerno at negosyo sa pamamagitan ng pagtiyak sa pantay na access para sa lahat.
  • Binabawasan ang panganib sa personal na datos: Dahil hindi na kailangan pang mangolekta ng personal ng datos sa bawat transaksyon ang mga gobyerno at mga negosyo, mas mababa ang tsansang maabuso ang personal na datos. 
  • Isang solusyong madaling maipalago at hindi basta-basta napapasok ng AI: Hindi tulad ng tradisyonal na CAPTCHA o beripikasyong gumagamit ng dokumentong pwedeng malusutan, ang World ID ay nagbibigay ng mas protektadong paraan ng authentication na inuuna ang mga tao.

Sa World ID, magkakaroon ang mga mamamayan ng patas na access sa mga serbisyo, nababawasan ang abala para sa mga konsumer, at tunay na tao ang makukuha ng mga service provider.

Oras na para sa appointment mo.

Paunawa

Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Bukod pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatanggi sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit at ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.