Mga Tuntunin at Kundisyon para sa Pag-Pre-Order ng Orb
Salamat sa pag-pre-order ng isang Orb! May prayoridad ka na para sa Orb mo.
Ang mga Tuntunin at Kundisyon para sa Pag-Pre-Order ng Orb ("Mga Tuntunin") na ito ay isinagawa sa pagitan ng Tools For Humanity Corporation, isang Delaware corporation ("Tools For Humanity," "kami," "amin," o "aming"), at ikaw, ang indibidwal o entidad na nagpapareserba ("ikaw" o "iyo"). Sa pamamagitan ng pag-pre-order at pagbabayad ng deposito, tinatanggap at sinasang-ayunan mo ang mga Tuntunin at Kundisyong ito.
1. Petsa ng Pagkabisa at Deposito. Magkakaroon nang bisa ang iyong pre-order kapag ikaw ay nagbayad na ng pre-order deposit (“Deposito”) na $100. Ang Deposito ay dapat bayaran sa U.S. Dollars sa pamamagitan ng Stripe sa oras ng pre-order. Ang bawat tao o entidad ay maaari lamang mag-pre-order ng iisang Orb.
2. Proseso ng Pag-Order. Bagama't tinitiyak ng pre-order na ito ang iyong prayoridad para sa isang Orb, hindi ito bumubuo ng isang kasunduan upang bumili o umupa ng isa. Kapag nalalapit na ang produksyon, ikaw ay iimbitahang pumili kung ipagpapatuloy mo ang pagbili o ang pagrenta ng Orb sa pamamagitan ng pagpasok sa isang Kasunduan para sa Community Operator, o, depende sa paggamit, iba pang mga tuntunin at kundisyon (“Mga Karagdagang Tuntunin”). Bago ipadala ang Orb, kakailanganin mong basahin at sang-ayunan ang Kasunduan para sa Community Operator o ang Mga Karagdagang Tuntunin. Ang iyong Deposito ay ilalaan bilang bahagi ng kabuuang Presyo ng Pagbili o Pag-upa ng Orb, kung magpapasya kang tapusin ang order.
3. Paghahatid. Nauunawaan at sinasang-ayunan mong ang Orb ay kasalukuyang ginagawa pa at maaaring magbago ang disenyo, espesipikasyon at mga tampok nito. Kapag nalalapit na ang produksyon, ipapaalam namin sa iyo ang mga detalye tungkol sa presyo ng pagbili at pagrenta. Tinatanggap ninyong ang tinatayang petsa ng paghahatid para sa Orb ay hindi tiyak at maaaring magbago. Walang maiibigay na garantiya ang Tools For Humanity tungkol sa eksaktong petsa ng paghahatid ng Orb at maaaring magkaroon ito ng pagkaantala dahil sa produksyon o iba pang salik na nasa amin o wala sa aming kontrol. Hindi mananagot ang Tools For Humanity sa anumang danyos na dulot ng pagkaantala ng paghahatid. Ang inaasahang petsa ng paghahatid ay hindi tiyak ngunit maaaring maging kasing-aga ng Q2 2025.
Tinatanggap mong ang paghahatid ng Orb ay maaaring maantala dahil sa customs clearance o mga kinakailangang regulasyon sa iyong bansa. Hindi responsable ang Tools For Humanity sa anumang pagkaantala dulot ng oras na kinakailangan para sa inspeksyon ng customs, buwis sa pag-aangkat, mga taripa o pagsunod sa mga lokal na awtoridad. Ang mga salik na ito ay maaaring hindi namin kontrolado, at hindi kami mananagot sa anumang danyos o pagkaluging bunga ng mga naturang pagkaantala.
4. Kanselasyon
- Bago ang Buong Pagbabayad (para sa Pagbili o Pag-upa): Maaari mo o naming kanselahin ang iyong pre-order anumang oras sa pamamagitan ng iyong account, para sa anumang kadahilanan, hanggang sa mabayaran nang buo ang pagbili o pag-upa ng Orb. Kapag nakansela ang pre-order mo, makatatanggap ka ng buong refund ng iyong Deposito.
- Pagkatapos ng Buong Pagbabayad (para sa Pagbili o Pag-upa): Kapag nabayaran na nang buo ang pagbili o pag-upa ng Orb, ang iyong Deposito ay hindi na maire-refund. Sa panahong iyon, ang iyong Deposito ay magiging ganap na kabayaran para sa presyo ng pagbili o pag-upa, at wala nang ibabalik pang refund.
5. Kwalipikasyon. Ipinahahayag at pinatutunayan mong:
- Ikaw ay 18 taong gulang na o mas matanda pa.
- Ikaw ay hindi matatagpuan, karaniwang naninirahan, o mamamayan ng Cuba, Iran, North Korea, Russia, Sudan, Syria, o ng mga rehiyon ng Crimea, Luhansk, Donetsk, Kherson o Zaporizhzhia ng Ukraine.
- Ikaw ay hindi kabilang sa alinman sa mga taong pinaghihigpitan o pinagbabawalan ayon sa batas ng Estados Unidos. Ang listahan ng mga taong pinaghihigpitan o pinagbabawalan ay mahahanap dito: https://sanctionssearch.ofac.treas.gov/.
- Ikaw ay hindi pa kailanman nang-abuso o nagtangkang manloko sa World o sa Tools For Humanity.
Kinikilala at sinasang-ayunan mo na ang lokasyon kung saan ka nakabase o ang mga aktibidad na pinaplano mong isagawa gamit ang Orb matapos lumagda ng Kasunduan para sa Community Operator o anumang Karagdagang Tuntunin ay maaaring mangailangan sa iyo ng partikular na mga lisensya, permit, o pahintulot sa iyong hurisdiksyon. Ikaw lamang ang may responsibilidad para sa pagkuha ng anumang kinakailangang pahintulot para sa operasyon o paggamit ng Orb. Kapag ikaw ay napahintulutan na, ipinahahayag at tinitiyak mong susunod ka sa lahat ng naaangkop na batas sa iyong hurisdiksyon, kabilang ang U.S. Foreign Corrupt Practices Act at anumang katumbas na lokal na batas laban sa panunuhol o korapsyon. Sumasang-ayon kang huwag mag-alok, mangako, mag-awtorisa, o magbigay ng anumang hindi nararapat na kalamangan o anumang mahalagang bagay sa sinumang opisyal ng gobyerno o ibang partido upang maimpluwensiyahan nang hindi nararapat ang anumang gawain o desisyon kaugnay ng pagkuha o pagpapananatili ng mga lisensya o permit na ito. Ang Tools For Humanity ay hindi mananagot sa anumang kabiguan sa iyong panig na makuha ang kinakailangang mga pahintulot o sa anumang pagkaantala o legal na kahihinatnan dahil sa hindi pagsunod sa mga naturang batas.
6. Mga Pagbabago. Mayroong karapatan ang Tools For Humanity na baguhin ang mga tuntunin at kundisyon ng mga Tuntuning ito anumang oras, ngunit kailangang ikaw ay maabisuhan namin tungkol sa anumang mahalagang pagbabago. Ang anumang pagbabago sa mga tuntunin ng mga Tuntuning ito ay hindi makaaapekto sa karapatan ng alinmang Panig na kanselahin ang pre-order na may buong refund ng iyong Deposito. Ang iyong pre-order ay hindi maaaring ilipat o italaga sa iba nang wala ang aming sulat ng pahintulot.
7. Pagtatakda ng Pananagutan. Hangga't pinahihintulutan ng batas, ang pananagutan ng Tools For Humanity sa iyo na nagmula o may kaugnayan sa Kasunduang ito, sa pre-order ng Orb, o sa mismong Orb ay limitado lamang sa halagang maibabalik na Deposito sa iyo, at ito lamang ang iyong magiging remedyo. Sa anumang pagkakataon, ang Tools For Humanity ay hindi mananagot para sa anumang hindi tuwiran, hindi inaasahan, kaukulan o natatanging pinsala, o parusang danyos, kabilang na ang, ngunit hindi limitado sa, pagkawala ng paggamit, pagkawala ng kita, o pagkawala ng datos, kahit pa nabigyan kami ng abiso tungkol sa posibilidad ng mga nasabing danyos.
8. Mga Pagtatatwa. Hangga't pinahihintulutan ng naaangkop na batas, itinatawa ng Tools For Humanity ang lahat ng garantiya, hayagan man o ipinahihiwatig, kabilang na ang, ngunit hindi limitado sa, anumang ipinahihiwatig na garantiya ng kakayahang maikalakal, kaangkupan para sa partikular na layunin, at hindi paglabag sa mga karapatan ng iba. Ang Orb ay ipagkakaloob "ayon sa kung ano ito" at "ayon sa pagkakaroon nito," at hindi kami nagbibigay ng anumang garantiya o pagpapahayag tungkol sa kalidad, functionality, availability, o petsa ng paghahatid ng Orb.
9. Namamahalang Batas; Pagsasama-sama. Ang mga tuntunin ng Kasunduang ito ay ipaiiral at bibigyang-kahulugan ayon sa mga batas ng Estado ng California.
10. Susog sa Paghihiwalay. Kung ang anumang probisyon ng Kasunduang ito ay napatunayang walang bisa o hindi maipatutupad ng kahit anong tagapamagitan o hukumang may sapat na hurisdiksyon, ang natitirang mga probisyon ay mananatiling ganap na may bisa at epektibo, at ang walang bisa o hindi maipatutupad na probisyon ay papalitan ng isang may bisa at maipatutupad na probisyon na pinakamalapit sa orihinal na intensyon ng mga partido.
11. Mga Katapat na Sipi at Elektronikong Lagda. Ang Kasunduang ito ay maaaring lagdaan sa isa o higit pang magkakahiwalay na sipi, kung saan ang bawat isa ay ituturing na orihinal, ngunit ang bisa ng lahat ng ito ay pare-pareho at iisa lamang. Ang mga lagdang ipinadala sa elektronikong paraan (kabilang na ang email o digital signature services) ay may parehong bisa sa orihinal na lagda.
12. Kasunduan para sa Arbitrasyon. Mangyaring basahin ito nang mabuti. Sumasang-ayon ka na ang anumang hindi pagkakasundo sa pagitan mo at ng Tools For Humanity o ng mga kaanib nito (sama-samang tinutukoy bilang "Tools For Humanity") na nagmumula sa o kaugnay ng Kasunduang ito, ang pre-order ng Orb, o anumang aspeto ng iyong ugnayan sa Tools For Humanity ay lulutasin sa pamamagitan ng may bisang arbitrasyon, sa halip na sa hukuman, maliban na lamang kung maaari kang maghain ng mga paghahabol sa small claims court kung kwalipikado ang iyong mga paghahabol.
- Proseso ng Resolusyon ng Hindi Pagkakasundo. Kung mayroon kang isyu o hindi pagsang-ayon, mangyaring magpadala sa amin ng email sa [email protected] na naglalarawan ng iyong isyu o hindi pagsang-ayon at kung paano mo ito nais mairesolba. Pakilagay ang iyong pangalan, email, numero ng telepono, at numero ng pre-order. Kung hindi maireresolba ang hindi mo pagsang-ayon sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng iyong email, ang hindi mo pagsang-ayon ay pagpapasyahan ng isang tagapamagitan sa pamamagitan ng arbitrasyong pinamamahalaan ng JAMS sa ilalim ng kanilang Streamlined Arbitration Rules and Procedures.
- Proseso ng Arbitrasyon. Ang arbitrasyon ay isasagawa sa San Francisco, California.
- Walang Pangkatang Paghahabol. Hindi maaaring pagsamahin ng tagapamagitan ang mga paghahabol ng iba nang walang pahintulot mula sa iyo, sa Tools For Humanity, at sa iba pa. Hindi maaaring duminig ang tagapamagitan ng pangkatang paghahabol o paghahabol para sa iba o kahilingan para sa kabayaran sa ngalan ng iba pang bumibili o umuupa ng mga Orb. Sa madaling salita, maaari kang maghain ng mga paghahabol laban sa Tools For Humanity sa iyong personal na kapasidad lamang at hindi bilang nagsasakdal o kasapi ng anumang pangkatang paghahabol o paghahabol sa ngalan ng iba (gayundin para sa Tools For Humanity).
- Paghihiwalay. Kung napagpasyahan ng hukuman o tagapamagitan na ang anumang bahagi ng kasunduang ito hinggil sa arbitrasyon ay hindi maipatutupad sa isang partikular na paghahabol o kahilingan para sa remedyo (gaya ng remedyong naghihigpit sa isang panig), kung gayon ang paghahabol o remedyong iyon lamang (at iyon lamang) ay ihihiwalay mula sa arbitrasyon at maaaring ihain sa korte; ang lahat ng iba pang paghahabol ay kailangang idaan sa arbitrasyon.
- Proseso ng Pag-opt Out. Kung ayaw mong sumang-ayon sa arbitrasyon, maaari kang "mag-opt out" sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng liham sa loob ng 30 araw pagkatapos ng pre-order at unang pagsang-ayon sa mga tuntunin at kundisyong ito. Mangyaring ipadala ang liham sa: Tools For Humanity Arbitration Opt-Out, 548 Market Street, PMB 49951, San Francisco, CA 94104-5401, at isama ang iyong pangalan, ang katunayang ikaw ay nag-pre-order ng Orb, at pahayag na nais mong mag-opt out sa arbitrasyon.