World IDPagpigil sa bot

Protektahan ang negosyo mo laban sa mga bot at pang-aabuso gamit ang mga automated system. Itinatakda ng World ID ang walang kapantay na pamantayan ng pagtitiwala sa tao sa panahon ng AI.

Mag-book ng demo

Kapag hindi sigurado kung bot o tao ang gumagamit, beripikahin ang pagkatao.

Nagbibigay ang World ID ng dagdag na beripikasyon kung tunay na tao ang user, kasabay ng mga solusyon mo sa pamamahala ng mga bot at pagpigil sa pandaraya. Tinutulungan nito ang team mo na magpasya kung aling mga aktibidad ang maaaring magpatuloy.

Palakasin ang pagpigil sa bot gamit ang katibayan na tao mismo ang gumagamit bago magbigay ng access, mga reward, limitadong produkto o iba pang transaksyong maaaring abusuhin.

Pangalagaan ang karanasan ng customer mo at siguruhing tunay na tao ang nabibigyan ng access sa mga produkto at serbisyo mo, hindi mga bot o scalper.

Palakasin ang proteksyon laban sa bot nang hindi isinasakripisyo ang pribasiya ng user. Ang negosyo mo at ang World ID app ay makatatanggap lang ng anonymous, desentralisadong cryptographic na Mga Patunay at signal. Walang personal na impormasyong ibinabahagi o itinatago.

Taong sumasailalim sa beripikasyon gamit ang World ID

40% na ng kabuuang aktibidad sa internet ay mula sa mga mapaminsalang bot [1].

Ang mga tradisyonal na pagpigil sa bot tulad ng CAPTCHA, mga puzzle, at SMS-OTP ay hindi na sapat. Kailangan na ngayon ng mga negosyo ng mas maaasahang paraan para matiyak na tunay na tao ang gumagamit ng mga serbisyo nila at maprotektahan ang mga ito laban sa mas matitinding banta mula sa mga bot at AI.

Tiyaking tunay na tao ang gumagawa ng account, kumukuha ng mga reward at referral bonus, at bumibili ng mga produkto. Nagbibigay ang World ID ng dagdag proteksyon kasabay ng mga ginagamit mong paraan para ma-detect at mapigilan ang mga bot. Tinutulungan ka nitong masigurong tunay na tao ang gumagamit ng mga serbisyo mo habang pinoprotektahan ang pribasiya nila. Sa ganitong paraan, napoprotektahan ng negosyo mo ang mga produkto at serbisyong iniaalok nito habang napananatili ang magandang karanasan ng mga user.

Taong gumagamit ng World ID sa telepono

Protektahan ang negosyo mo laban sa mga bot na nakikipag-unahan sa mga tunay na tao.

Sa anumang sitwasyon kung saan maaaring makapinsala ang mga bot sa platform mo, makasira sa karanasan ng mga customer, at magdulot ng pagkalugi sa negosyo mo.


Mga serbisyong pinansyal

Protektahan ang mahahalagang transaksyon para sa mga kliyente at merkado.

Social media

Magkaroon ng mas ligtas na online community kung saan may tunay na content at koneksyon sa pagitan ng mga tao.

Entertainment

Mas patas na access sa limitadong produkto at mas magandang karanasan para sa mga tunay na fans.

E-commerce

Mga reward, referral, at limitadong mga drop na umaabot sa tunay na customer.

Online dating

Mga tunay na profile at mas mapagkakatiwalaang mga koneksyon.

Digital advertising

Magbayad para sa tunay na partisipasyon, hindi sa mga pekeng pag-click at pagtingin sa mga ad.

Legal at mga propesyonal na serbisyo

Siguruhing mananatiling pribado ang mga kumpidensyal na impormasyon.

Pag-hire

Tunay na mga aplikante at hiring decision na pinangungunahan ng tao.

Pamahalaan at pampublikong sektor

Protektahan ang sensitibong impormasyon at palakasin ang pundasyon ng mga identity system.

Akademya at pananaliksik

Panatilihin ang akademikong integridad at pigilan ang pandaraya sa pananaliksik.

Pangkalusugan at Agham-Buhay

Protektahan ang mahahalagang intellectual property (IP) at pribadong impormasyon ng mga pasyente.

Makipagtulungan sa'min para bumuo ng solusyong angkop sa pangangailangan ng negosyo mo

  1. 1

    Tingnan ang mahahalagang gawaing gusto mong unahin

    Titingnan natin kung saang bahagi ng negosyo mo puwedeng magkaroon ng panganib dahil sa mga impostor, at kung paano makatutulong ang Mga Patunay ng World ID.

  2. 2

    Demo ng Produkto

    Tingnan natin kung paano maisasama ang World ID sa mga ginagamit mong produkto o magpakita ng halimbawa ng prosesong angkop sa pangangailangan mo, kabilang ang impormasyong matatanggap ng negosyo mo.

  3. 3

    Planuhin ang mga hakbang para sa pilot project

    Suriin ang mga opsyon sa integration, mga kinakailangan para sa authentication, availability at fallback policies para sa napiling mahahalagang hakbang.

Mag-book ng demo

Piliin ang Plugin na kailangan ng negosyo mo

World ID Video Check

Mga transaksyong malaki ang nakataya sa online meetingPatunay ng Pagkatao

Sa World ID Video Check, makukumpirma mo kung ang taong nasa likod ng screen ay siya ring nakikita sa screen, at na tunay nga silang tao.

Ginamit na device:
Ang Orb
Tagal ng pag-setup:
~3-4 minuto
Tagal para magamit muli:
~20 segundo
Verify

World ID Verify

Mga transaksyong malaki ang nakatayaPatunay ng Pagkatao

Sa World ID Verify, kailangan mong personal na magpaberipika para makumpirma kung isa kang bukod-tanging tao at ikaw pa rin ang gumagamit ng account na iyon.

Ginamit na device:
Ang Orb
Tagal ng pag-setup:
~3-4 minuto
Tagal para magamit muli:
~20 segundo
Live Check

World ID Live Check

Araw-araw na mga transaksyonPatunay ng Presensya

Gumagamit ang World ID Live Check ng selfie para makumpirma kung may tunay ngang taong nasa harap ng camera at na siya pa rin ang user na iyon.

Ginamit na device:
Mobile device
Tagal ng pag-setup:
~1 minuto
Tagal para magamit muli:
~20 segundo

Mag-book ng demo

*mga kailangang sagutan

Kapag isinumite ko ang form na ito, pinahihintulutan ko ang Tools for Humanity Corp. (TFH) na kolektahin at iproseso ang personal kong datos sa loob ng 2 taon, para makipag-ugnayan sa akin tungkol sa kahilingang ito at makipag-ugnayang muli tungkol sa interes kong makipag-partner sa kanila. Nauunawaan kong may karapatan akong bawiin ang pahintulot ko at kinikilala ko ang Paunawa sa Pribasiya ng TFH.

Mga Madalas Itanong

Pinalalakas ng World ID ang kakayahan ng mga system mo na makakita ng mga kahina-hinalang aktibidad at mapanatiling ligtas ang platform sa pamamagitan ng pagkumpirma na tunay na tao ang gumagamit nito. Ang negosyo mo ang magpapasya kung kailan hihingi ng beripikasyon at kung aling mga user ang papayagang magpatuloy, lilimitahan ang access, susuriin pa, o tatanggihan.

Nagbibigay ang World ID ng karagdagang katiyakan na tunay na tao ang user, kasabay ng dati mong sistema ng pagberipika at pagpigil sa pandaraya. Ikaw pa rin ang may kontrol sa pagbibigay ng access at pagsusuri sa mga account.

Tinutulungan ng Patunay ng Pagkatao na matiyak na iisang tao lang ang gagamit ng isang account o magsasagawa ng isang partikular na aksyon, ayon sa mga patakaran ng negosyo mo. Ang negosyo mo ang magkokonekta nito sa mga account o aksyon at magpapatupad ng mga pagsusuri para maiwasan ang paulit-ulit o dobleng paggamit.

Depende ito sa uri ng Patunay ng World ID na gagamitin ng negosyo mo. Kailangan ng Patunay ng Pagkatao ang beripikasyon sa Orb. Ito ang pinakamataas na antas ng katiyakan dahil gumagamit ito ng naka-encrypt at anonymous na pagberipika gamit ang hardware sa Orb. Hindi naman kailangang magpaberipika sa Orb para sa iba pang uri ng Mga Patunay. Puwede na itong makuha gamit ang mobile device at gamitin sa mga pang-araw-araw na transaksyon na hindi nangangailangan ng mahigpit na seguridad.

Nakasalalay sa Plugin na pipiliin mong gamitin. Sa demo, pag-uusapan muli natin ang proseso ng pagpaparehistro, muling pagbeberipika ng pagkakakilanlan, at kung paano ito magagamit sa proseso ng negosyo mo.

Mag-book ng demo sa team namin para malaman ang tungkol sa enterprise pricing para sa pag-integrate ng World ID.

Hindi. Libre lang ang lahat ng Mga Patunay ng World ID, kabilang na ang Patunay ng Pagkatao, at ginawa ito para sa sangkatauhan.

Kayo ang magtatakda ng mga patakaran kung kailan puwedeng subukang muli ang beripikasyon, kung ano ang gagawin kapag hindi ito nagtagumpay, at kung kailan kailangang suriin ang resulta. Ang hindi matagumpay na beripikasyon ay hindi agad nangangahulugang may nagpapanggap na ibang tao.

Ang negosyo mo ang nagtatakda kung ilang beses puwedeng subukan muli ang pag-check, kung ano ang dapat gawin kapag hindi ito nagtagumpay, kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng iba't ibang user, at kung kailan ito dapat suriin nang mas mabuti. May hiwalay ding mga patakaran para sa mga pinapayagang bot at service account. Ang hindi matagumpay na pag-check ay hindi agad nangangahulugang may maling paggamit ng automated system. Gayundin, ang matagumpay na pag-check ay hindi ibig sabihin na walang masamang layunin ang isang user o system.

Hindi. Hindi nalalaman ng World ID kung sino ang user. Makatatanggap lang ng anonymous, desentralisadong cryptographic na Mga Patunay at signal ang World ID app at ang negosyo mo. Walang personal na impormasyong ibinabahagi o itinatabi.

Ang World ID app at ang negosyo mo ay makatatanggap lang ng anonymous, desentralisadong cryptographic na Mga Patunay at signal. Walang personal na impormasyong ibinabahagi o itinatabi.

Tingnan ang masusing pagtalakay tungkol sa pribasiya dito. Basahin ang whitepaper dito.

Ginawa ang World ID para magamit ito sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan may World ID app, depende sa mga lokal na batas.