Hakbang 1
Tingnan ang mahahalagang gawaing gusto mong unahin
Titingnan natin kung saang bahagi ng negosyo mo puwedeng magkaroon ng panganib dahil sa mga impostor, at kung paano makatutulong ang Mga Patunay ng World ID.
Magdagdag ng beripikasyong may pangangalaga sa pribasiya sa pagbubukas ng account, pag-access sa digital banking, pag-recover ng account at mga aktibidad sa account na may mataas na panganib. Tinutulungan ng World ID na protektahan ang mga account ng kliyente mula sa awtomatikong pang-aabuso at pamemeke.
Ang World ID ay isang sistema ng Mga Patunay ng Pagkatao na magagamit sa internet. Nagdaragdag ito ng paraan para matiyak na totoong tao ang nasa likod ng isang online na aktibidad habang pinoprotektahan ang personal niyang impormasyon. Sa ganitong paraan, ang mga sensitibo at mahahalagang transaksyon ay nakabatay sa patunay na totoong tao ang kausap o gumagamit, hindi sa hula lamang.
Siguruhing totoong tao ang nasa likod ng bawat aktibidad gamit ang Mga Patunay ng World ID. Ang Patunay ng Pagkatao ang pinakamataas na pamantayan ng beripikasyon na posible lang sa pamamagitan ng naka-encrypt at anonymous na beripikasyon gamit ang hardware sa Orb.
Nagsisimula ang integridad ng account kapag alam na may iisang bukod-tanging tao lang sa bawat account. Ginagamit ng Mga Patunay ng World ID ang beripikasyon ng pagkatao at pagiging bukod-tangi, pati na ang mga risk signal, para patibayin ang pag-access sa account at pag-recover, habang nililimitahan ang mga Sybil attack at pandaraya.
Panatilihin ang pinakamataas na pamantayan ng pribasya ng user gamit ang Mga Patunay ng World ID. Makatatanggap lang ang inyong institusyon ng mga anonymous, decentralized na cryptographic na Mga Patunay at mga signal.

ng mga pag-atake para makuha ang kontrol sa mga account ay tumarget sa mga serbisyong pinansyal noong 2025
ang nawalang pera sa U.S. dahil sa pagkuha ng kontrol sa mga account noong 2025

Mga bangko at credit union
Fintech at digital banking
Mga bayad at padala mula sa ibang bansa (remittance)
Pautang at espesyal na pinansya
Pamahala ng yaman at pribadong pagbabangko
Investment banking at mga pamilihan ng kapital
Pribadong equity at venture capital
Mga hedge fund
Mas protektahan ang pag-recover ng account gamit ang Patunay ng Pagkatao at suportadong pag-authenticate. Nagbibigay ito sa mga team ng karagdagang ebidensiya na totoong tao ang humihiling ng access, bukod pa sa mga pagsusuring ginagawa para masigurong siya ang tunay na may-ari ng account.
Palakasin ang tiwala sa mga pakikipag-ugnayan sa mga kliyente gamit ang World ID for Zoom, na tumutulong tiyaking ang mga kalahok sa video ay tunay na tao at hindi deepfake, mula sa pang-araw-araw na meeting hanggang sa mahahalaga at malalaking transaksyon.
Bawasan ang panganib ng pamemeke gamit ang suportadong paraan ng pag-authenticate na tumutulong tiyakin na ang taong muling nag-a-access ay siya ring taong naberipika na dati, at maiugnay ito sa account ng kliyente at sa mga kasalukuyang pagsusuri kung sino ang tunay na may-ari nito.
Tumulong na protektahan ang mga account laban sa pang-aabuso gamit ang mga automated system sa pamamagitan ng paghiling ng angkop na Patunay ng World ID sa ilang partikular na aktibidad. Nagbibigay ito ng karagdagang paraan para masigurong totoong tao ang gumagamit ng account, kasabay ng mga kasalukuyang hakbang para maiwasan ang mga bot at pandaraya.
Idagdag ang mga Patunay ng World ID bilang karagdagang hakbang sa pagpapatunay kapag kailangan ng mas mahigpit na seguridad sa pag-access sa online banking, kasama ng mga password, passkey, at iba pang paraan ng pagprotekta sa account.
Beripikahin na totoong tao ang kausap mo at hindi isang deepfake.


Hakbang 1
Titingnan natin kung saang bahagi ng negosyo mo puwedeng magkaroon ng panganib dahil sa mga impostor, at kung paano makatutulong ang Mga Patunay ng World ID.
Hakbang 2
Tingnan kung paano maisasama ang produkto sa proseso ng negosyo mo o kung paano gagana ang isang halimbawang custom na daloy. Kasama rito ang magiging karanasan ng user at ang impormasyong matatanggap ng negosyo mo.
Hakbang 3
Suriin ang mga opsyon sa integration, mga kinakailangan para sa authentication, availability at fallback policies para sa napiling mahahalagang hakbang.
Ikwento sa'min ang mga prayoridad ng negosyo mo at gagabayan namin kayong mahanap ang mga angkop na solusyon.
Makipag-ugnayan para maiskedyul ang demo.
Tanging cryptographic na Mga Patunay at mga signal lamang ang natatanggap ng inyong institusyon. Walang personal na impormasyong ibinabahagi o iniimbak. Depende sa uri ng patunay at sa pagkakakabit ng system, susuriin natin kung anong impormasyon ang natatanggap, iniingatan, at iniuugnay sa mga rekord ng mga kliyente mo.
Oo. Mas pinoprotektahan ng World ID ang seguridad sa pag-access sa account, pag-recover ng account, at mga proseso ng transfer. Sa isang demo, tatalakayin natin ang mga patunay na magagamit, kung paano ito ikakabit sa system mo, at kung available ito para sa mga pangangailangan ng negosyo mo, kabilang ang paglilipat ng pera. Ang institusyon mo ang magpapasya kung papayagan ang isang transaksyon, kung kailangang subukan itong muli, kung anong alternatibong proseso ang gagamitin, at kung kailangan itong suriin.
Gamit ng mga kliyente ang World ID app para pamahalaan at gamitin ang Mga Patunay nila. Ang Patunay ng Pagkatao ay nangangailangan ng beripikasyon sa isang Orb. Isang personal na proseso ito na tumatagal ng 3 hanggang 4 na minuto. Ang Patunay ng Presensya ay gumagamit ng selfie sa mobile device ng kliyente. Depende sa pagkakakabit ng system at kung available ito sa kanilang lugar ang proseso ng pagpaparehistro at muling pag-authenticate. Alamin pa ang tungkol sa mga Patunay ng World ID dito.
Hindi. Ang institusyon mo pa rin ang nananatiling responsable sa legal na pagkakakilanlan ng mga kliyente, pagtukoy kung kwalipikado silang gumamit ng serbisyo, pagsunod sa mga batas at regulasyon, at pagtiyak kung sino ang tunay na may-ari ng account.
Maaaring suportahan ng Mga Patunay ng World ID ang limitasyon ng isang tao kada account sa pamamagitan ng uniqueness risk scores. Ang ibig sabihin ng “bukod-tangi” ay ang isang tao ay nag-iisa. Mahalagang basehan ito para payagang magtalaga ng X na bilang ng kilos sa isang tao ang mga platform. Ang pagkakaalam na natatangi ang isang tao ay batayan ng maraming sistemang gumagana (hal., isang tao kada isang account) at magbaba ng pandaraya (hal., mga sybil attack). Ang platform mo pa rin ang bahala sa pag-uugnay ng mga account, pagtukoy sa mga dobleng account, at pagpapatupad ng mga patakaran.