Abril 17, 2026 7 Minutong Pagbabasa

World ID para sa mga AI agent: Browserbase, Exa, Okta at Vercel

Agentic Web: Paggamit ng World ID sa Okta at Vercel | World
Mga World AI Agent

Mas bumibilis na ang transition mula human-driven patungong agent-driven na interaksyon. Ngayon, ang mga AI agent na mismo ang nagba-browse sa web, nag-a-access ng mga API, bumibili online, at gumagawa ng mga komplikadong trabaho para sa mga taong kumokontrol sa kanila. Nabago na ang internet, at mas nagiging progresibo na ang imprastraktura ng mga kumpanya ngayon.

Hindi na makasabay ang pinakapundasyon natin. Ang mga binuong sistema ay dapat tao ang nakikinabang at hindi ang AI. Para magamit ang serbisyo, kailangan munang mag-sign up ng account dahil hindi nito ma-a-access ang API kung walang mga credential. Sa pagbili naman, kailangan pa ng tulong ng ibang taong may koneksyon dito para makapagbayad. Kaya sa oras na magkaproblema na, wala nang matibay na pruweba para patunayang isang tao talaga ang nag-apruba sa ginawa ng agent. Dito papasok ang kahalagahan ng patunay ng pagkatao para maberipika ang anumang serbisyo o transaksyon gamit ang cryptographic nang walang kinukuhang personal na datos, at mapatunayang totoong, bukod-tanging tao ang kausap ng isang agent.

Ipinakikilala ng World ang tatlong bagong kakayahang magpapalawak sa patunay ng pagkatao sa agentic workflow gamit ang AgentKit. Ito ang agent delegation, human in the loop, at agentic commerce. Sa tulong ng mga ito, magkakaroon ng pundasyon ang mga developer na makabuo ng mga agent na may dalang patunay ng pagiging totoong tao, kakayahang magpaalam sa tao para sa mga sensitibong usapin, at kakayahang makipagtransaksyon para sa mga beripikadong tao habang bumubuo ng isa pang bagong uri ng trust layer.

Human in the loop ng World, pag-feature ng verifiable intent sa tulong ng Vercel

World ID para sa mga AI agent: Browserbase, Exa, Okta, Shopify at Vercel

Habang ipinagkakatiwala sa mga AI agent ang mas mahahalagang gawain, kinakailangan na ng verifiable human intent para sa mga komplikadong daloy ng trabaho. Sa usaping bayaran, bumubuo na ng mga cryptographic proof ang mga card network at protokol sa pagbabayad para patunayang inaprubahan ng account holder ang isang transaksyon. Pero hindi lahat ng mahahalagang galaw ng agent ay maituturing na pagbili. Puwedeng kabilang dito ang pag-access sa sensitibong data, pagpirma ng kontrata, pagbabago sa imprastraktura, at pag-apruba sa mga deployment. Hindi sa lahat ng sitwasyon ay may mapagkakatiwalaang payment network. Matagal nang hinahanapan ng solusyon ang problema ng lahat na siyang magpapatunay na isang tunay na tao ang nag-apruba sa isang partikular na aksyon. Ito ang inaasahang isang sistemang magpapagana sa lahat ng uri ng workflow at platform.

Pamilyar na ang ganitong senaryo: bibili nang maraming item ang isang agent at magtataka ngayon ang user, samantalang ang merchant naman ang sasalo sa lahat ng lugi ng chargeback. Magbabago bigla ang isang agent ng production infrastructure alas-3 ng madaling-araw at ititigil muna ang pagbebenta. Dito, makikitang walang makapagsasabi kung inaprubahan ba ng engineer ang pagbabagong 'yon. Kumikilos ang agent sa bawat kasong natatanggap, nagkakaroon ng aberya, at walang rekord na nagpapatunay na may tao talagang nag-apruba sa desisyon na 'yon.

Ang human in the loop ng World, na pinatatakbo ng World ID, ang naghahanap ng solusyon sa problemang ito. Binibigyang-daan nito ang anumang agent workflow na humiling ng isang zero-knowledge cryptographic proof bilang patunay na puwedeng maberipika anumang oras ng isang tunay na tao ang nag-apruba sa isang partikular na aksyon. Dahil zero-knowledge ang patunay na 'to, makakakuha ang mga serbisyo ng high-integrity verification nang walang kapalit, walang personal na datos na kailangang itago, walang pananagutan sa PII (Personally Identifiable Information), at walang panganib ng data leakage.

Nakikipagtulungan ang World sa Vercel para mapatunayan kung tao ang nasa likod ng isang hakbang para sa mga developer na nagbi-build sa bagong open source Workflow SDK ng Vercel. Puwede nang maglagay ng dagdag-hakbang ang mga developer para sa anumang workflow o AI agent para humingi ng beripikasyon kung may tao sa likod nito, at makikita ang bawat beripikasyon sa history ng workflow para sa mas malinaw na monitoring. Dahil dito, magkakaroon ng matibay na ebidensyang may tao sa pinakamahalagang bahagi ng prosesong ito. Magagamit na ang feature na ito, at puwede na itong i-install mula sa npm.

Vercel

Pagsisiguro ng patunay ng pagkatao gamit ang Human Principal ng Okta

Madali nang abusuhin ang mga social media platform, lalo na ang mga developer product na may mga libreng serbisyo. Dahil sa AI, mas naging madali ang pang-aabuso at pandaraya. Habang mas dumarami ang gumagamit ng mga AI agent, inaasahang lalo pang lalala ang mga problemang 'to. Kung walang paraan para malaman kung sinong tao ang nasa likod ng mga agent na 'to, ang natitirang mga opsyon ay ang agresibong 'rate-limiting' o ang mabibigat na 'KYC process' para sa bawat produkto na parehong nagdudulot ng friction, puwedeng magdala ng panganib sa data privacy, at sumisira sa halaga ng mga automated agentic workflow.

Pinapayagan ng World ID ang isang beripikadong tao na ipagkatiwala ang kanyang patunay ng pagkatao sa isang agent na kumilos para sa kanya. Ang mga serbisyong makatatanggap ng request mula sa agent na 'yon ay makapagkukumpirma na isang tunay at natatanging tao talaga ang nasa likod nito, nang hindi kinakailangang mangolekta ng anumang personal na datos.

Plano ng Okta na bumuo ng bagong produkto: ang Human Principal. Sa tulong nito, masisiguro ng mga API builder kung may tao ba sa likod ng isang AI agent at sa mga ginagawa nito, para makapagpatupad ito ng kaukulang hakbang. May iba't ibang paraan para makapagpaberipika ang mga tao at makakukuha sila ng cryptographic proof na nakalagay lang sa device nila at magagamit nila ito sa iba't ibang platform para hindi na nila kailangan pang magpaberipika nang paulit-ulit. Isa ang World ID sa mga unang magiging partner para sa Human Principal integration, kung saan magbibigay ito ng paraan para mapatunayan kung tao ang isang user sa paraang madali, available kahit saan at siguradong protektado ang pribasiya.*

Okta

'Pag pinagsama na ang World ID at Human Principal, magbibigay-daan na 'to sa mga feature tulad ng rate limits per human para sa agent traffic, mga free tier na protektado laban sa pang-aabuso, at mas mabilis na onboarding flow para sa mga agent na kailangang i-access ang mga serbisyo para sa kanilang human principal. Bukas na ngayon ang waitlist para sa paparating na Human Principal beta sa humanprincipal.ai

Browserbase at Exa pinagsama ang patunay ng pagkatao para sa agent delegation

Habang lumilipat ang enterprise discovery at adoption patungo sa agent-led growth, kung saan ang mga AI agent na ang sumusuri, nagkukumpara, at bumibili para sa mga buyer, nahaharap naman ang mga kumpanya sa isang bagong pagsubok. Kailangan nilang mag-alok sa mga agent ng malalakas na free tier at mabilis na access para mapili, pero nagbibigay din ng mas malawak na oportunidad para sa pang-aabuso ang pagiging bukas na 'to. Tinutulungan ng World ID na malutas 'to sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga verified human-backed agent mula sa hindi beripikadong traffic, na nagbibigay-daan sa malawak na access nang walang anumang panganib. Excited na kaming harapin 'to kasama ang dalawa pang nangungunang AI enterprise ngayon.

Ang Browserbase, na bumubuo ng platform para sa mga agent na nag-o-automate ng web, ay gumagamit na rin ng agent delegation. 'Pag may dalang World ID ang isang agent na gumagamit ng Browserbase, makukuha nito ang mga benepisyo ng 'verified traffic' na siya namang nagbabawas sa mga block at friction habang nagna-navigate 'to sa web. Kung wala ito, dadaan ang agent sa mga standard na anti-bot protection. Live na rin ang integrasyong 'to para magamit ng mga developer.

Bumubuo ang Exa ng AI-native search. Nag-aalok 'to ng 100 libreng API request buwan-buwan para sa mga agent na mabeberipika sa pamamagitan ng AgentKit. Sa tulong ng mga beripikadong agent na suportado ng World ID, puwedeng subukan ng mga developer ang search at content endpoints ng Exa nang wala munang paunang bayad, habang pinoprotektahan laban sa pang-aabuso. 'Pag naubos na ang quota, babalik ang agent sa standard na x402 payments. Sa ngayon, live na 'to at puwede nang gamitin ng mga developer.

Agentic commerce gamit ang patunay ng pagkatao: iisang tao, iisang AI agent, iisang bahagi

Sa usaping commerce, pinaka-kritikal ang epekto ng mga hindi beripikadong agent. Madalas pagsamantalahan ng mga bot ang mga flash sale na may limitadong stock ng produkto, eksklusibong produkto mga bagong release, at promo pricing. Gustuhin man ng mga shop na tanggaping ang mga AI agent na kumikilos para matulungan ang mga tao, nagdudulot pa rin 'to ng panibagong hamon sa pagtukoy kung alin ba talaga ang lehitimong agent traffic at alin ang kahina-hinalang kilos.

Sa tulong ng AgentKit, puwede nang ipagkatiwala ng buyer ang World ID niya sa isang AI agent (agent delegation) para maghanap ng mga produkto online, kumuha ng mga coupon, at mapadali ang proseso ng pagbili habang sinisiguro naman ng human in the loop na hindi makabibili ang agent nang higit pa sa itinakdang limitasyon ng buyer at kapag walang pahintulot mula rito. Dahil dito, magagamit ng mga merchant ang World ID para kumpirmahin na isang tao lang bumibili ng produkto. Nililimitahan nito kung ilang unit ang puwedeng bilhin ng bawat buyer, kaya kampante nang mabubuksan ang mga storefront para sa agent traffic dahil alam nilang tunay na tao ang nasa likod nito. Nilikha ang agent delegation at human in the loop para unahin ang mga lehitimong buyer, palaguin ang kita, at maiwasan ang pandaraya.

Ipinakita sa isang demo ng World kung paano nakatutulong ang World ID para mapaganda ang 'agentic shopping experience' sa oras na gamitin kasama ang Universal Commerce Protocol (UCP). Isang open standard para sa agentic commerce na binuo sa pakikipagtulungan ng Shopify at Google. Ipinakita sa demo kung paano mabeberipika ng mga Shopify merchant na mula sa isang natatangi at beripikadong tao ang nangyaring transakyong pagbili. Iisang tao, iisang agent, iisang bahagi.

Para sa mga developer na interesadong subukan ang agentic commerce skill, mangyaring bisitahin ito sa: https://github.com/worldcoin/agentkit-shopify-demo.

Nilikha para sa mga agent gamit ang World ID

Available at magagamit ng mga developer ang agent delegation, human in the loop, at agentic commerce sa pamamagitan ng AgentKit: https://docs.world.org/agents/agent-kit/integrate

Mas bumibilis ang pagbabago sa pagitan ng human-driven patungong agent-driven na interaksyon. Isang malaking tanong ngayon kung makasasabay ba ang trust infrastructure sa bilis ng pagbabagong 'to. Kaya naman narito ang World ID para magbigay ng kasiguruhan na totoong tao ang kausap ng bawat agent, bawat aksyon, at bawat transaksyong magaganap.

*Ang anumang pagbanggit ng mga produkto, feature, functionality o sertipikasyong ilalabas pa lang sa blog na ito ay para lang sa impormasyon mo. Hindi garantiyana ilalabas ang mga ito, kaya't hindi dapat ito gawing basehan para sa pagdedesisyong bumili.

Sumali sa network ng tunay na mga tao.

I-download ang World App