Mga payo at pinakamaiinam na kagawian sa pagpapaberipika ng World ID mo sa isang Orb

Mayo 23, 2025 3 Minutong Pagbabasa

Update: Binago ang post na ito nang may karagdagang mga payo noong ika-23 ng Setyembre, 2025.

Update: Binago post na ito at ang mga kaugnay na larawan nito para maipakita ang mga pagpapabuti sa proseso ng beripikasyon ng World ID sa kasalukuyan ng ika-23 ng Mayo 23, 2025.

Paano mabeberipika ang World ID mo

Kung interesado kang ipaberipika ang World IDmo  gamit ang isang device na tinatawag na Orb, mapapabilang ka na sa mahigit 16,735,198 tao sa buong mundo na beripikado nang mga tao at tumutulong sa pagbuo ng mas ligtas at mas patas na internet.

Kapag may beripikado ka nang World ID, mapapatunayan mong tunay kang tao (hindi bot!) sa mga sikat na app tulad ng Discord, Telegram at Shopify. Ang lahat nang 'yan nang hindi isinasakripisyo ang pribasiya mo

Paano gumagana ang proseso ng beripikasyon?

Maraming mga lokasyon para sa beripikasyon ng World ID  sa buong mundo at pinangangasiwaan ang mga ito ng opisyal na mga World Operator. Makikita mo ang pinakamalalapit na mga lokasyon sa'yo sa opisyal na World website o sa World App. Maaaring kailanganin mong mag-book ng appointment sa ilang lokasyon nang maaga, kaya't siguruhing darating ka sa tamang oras.

Narito ang paisa-isang gabay:

  1. Unawain ang Pribasya ng Datos at Impormasyon sa Pahintulot ng programa
    • Bago ka magsimula, bibigyan ka ng impormasyon tungkol sa kung papaano pinangangasiwaan ang datos mo at hihingan ka ng pahintulot para rito (tingnan ang ikatlong screen sa carousel sa ibaba).
    • Awtomatikong buburahin ang lahat ng larawan at datos mula sa Orb kapag natapos na ang proseso.
    • Salamat sa isang system na tinatawag na Personal Custody, ang datos ng beripikasyon mo ay nakatago lang sa telepono mo, at hindi saanman pa, kahit pa sa mga server ng World.
  2. Simulan ang Beripikasyon
    • Ipakita sa Orb ang QR code mula sa telepono mo para makapagsimula.
    • Iwasang magsuot ng may kulay na mga contact lens at tiyaking nakahawi ang buhok mula sa mukha mo.
    • Pagkatapos, tumingin ka lang sa Orb nang ilang segundo. Beberipikahin nito nang ligtas kung isa kang bukod-tangi at tunay na tao nang hinding-hindi nalalaman ang pagkakakilanlan mo.
    • At panghuli, mag-sign up para sa Face Auth sa pamamagitan ng pagkuha ng isang selfie sa World App.
  3. Tapos ka na! Sa loob ng wala pang isang minuto, ganap nang mabeberipika ang World ID mo, ligtas itong itatago sa telepono mo at buburahin ang lahat ng datos mula sa Orb.

Mga payong pang-kaligtasan para sa beripikasyon

  • Pumunta lang sa opisyal na mga lokasyon para sa beripikasyon na nakalista sa website ng World o sa World App.
  • Libre lang ang beripikasyon. 'Wag na 'wag magbabayad kahit kanino para sa prosesong ito.
  • Ang awtorisadong mga partner o field staff namin ay hinding-hindi hihingin ang pangalan, email o numero ng telepono mo. 
  • 'Wag na 'wag ipahahawak ang telepono mo kahit kanino habang isinasagawa ang proseso. Dapat ikaw lang ang may hawak nito.
  • Ang World o ang mga awtorisadong partner nito ay hinding-hindi mag-aalok ng pera para ma-access ang World account mo, para magpaberipika ka sa isang Orb o para makipagpalit para sa mga crypto asset. Kapag may lumapit sa'yo para sa alinman sa mga ito, i-report kaagad ito gamit ang reporting feature sa World App. Para sa partikular na impormasyon kung paano maiiwasan ang mga scam na may kinalaman sa beripikasyon ng patunay ng pagkatao, bisitahin ang Help Center namin dito.
  • 'Wag kailanman magpadala ng local currency o cryptocurrency sa isang indibidwal na nag-aalok ng serbisyo ng pagdedeposito o pag-wiwithdraw maliban kung nakalista sila bilang isang service provider sa World App. Sa halip, palagi lang magdeposito at mag-withdraw gamit ang mga opsyon na ibinigay sa World App.

Mas marami ka pang matututunan sa World Help Center kung may mga katanungan ka o kailangan mo pa ng impormasyon.

Alamin pa

Sa mahigit 26 milyong user nito sa 160+ bansa, patuloy na bumubuo ang World ng imprastraktura para sa beripikasyon ng pagkatao sa isang panahon kung saan patuloy nang nangingibabaw ang artificial intelligence. Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang World website o mag-subscribe sa blog sa ibaba. Maaari ka ring sumali sa pang-araw-araw na usapan sa lahat ng World social media channel, o makakuha ng karagdagang mahahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.

Paunawa

Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Bukod pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatanggi sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit at ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.