World ID: Pagpigil sa pandaraya sa mga online marketplace at platform sa panahon ng AI

Marso 26, 2025 5 Minutong Pagbabasa

Ang problema

Kailangan ni Joel ng bagong kompyuter. Habang nagbabasa siya sa isang online forum para sa mga expat, may nakita siyang secondhand nito na sakto sa badyet niya, kung kaya't kinontak niya ang seller. Pero si Joel ay nagduda na nang hindi nagtugma ang pangalan ng taong ka-text niya sa nasa marketplace account nito. Umatras siya dahil malamang ay isa itong scam.

Maraming ang hindi kasing-swerte ni Joel. Ang online fraud ay isang industriyang kumikita ng bilyon-bilyong dolyar. Sa Estados lang noong nakaraang taon, iniulat ng mga konsumer na nawalan sila ng $12.5 bilyon dahil sa digital scam na kinasasangkutan ng mga produktong hindi naman totoo, mga pekeng alok sa trabaho at mga investment scam. Sa Thailand, kung saan inilunsad ang World kamakailan, tinataya ng pamahalaan na ang mga mamamayan nito ay nalulugi ng hanggang $2 milyon kada araw dahil sa online fraud.

Ang pangunahing problema rito ay madaling nakakapag-set up ang mga manloloko ng daan-daang, kahit libu-libo pa, pekeng account sa mga online platform. Kailangan lang nila lumikha ng maraming email. Kapag nagawa na nila ’yon, pwede na nilang lokohin ang mga konsumer sa malalaki at maliliit na mga paraan. Halimbawa, sa mga online marketplace, pwedeng manipulahin ng mga scammer ang product ratings sa pamamagitan ng pagtambak ng mga pekeng review nila sa site, kung kaya't natatabunan na nila ang mga tapat na seller at naloloko ang mga buyer. 

May tsansa ring mas lumala pa ito, gaya ng kapag pekeng account ng gobyerno ang nang-aakit sa mga tao sa pangakong matutulungan sila o mabibigyan ng benepisyo, pero nanakawan lang pala sila. Pero sa sandaling maipasara na ang mga account na ito, bigla na lang lilitaw ang mga ito sa ibang lugar.

Saan nagkulang ang kasalukuyang mga hakbang sa pagpigil sa mga ito

Para maiwasan ang online scam, pinilit ng ilang gobyerno ang mga kilalang platform na tugunan ang ito. Sa UK, nilagdaan ng malalaking mga kumpanya ng social media ang Online Fraud Charter na nangangakong gagawa ng dagdag na hakbang laban sa mga online scam. Pero makalipas ang isang taon, 4.9 milyong residente ng UK ang nag-ulat na nawalan sila ng pera dahil sa scam sa isa sa mga platform na ito sa nakaraang 12 buwan.

Ang lahat ng ito ay nagdudulot ng mga isyu sa seguridad ng datos para sa mga indibidwal. Ang mga data breach ay lumobo nang husto, isang senyales na panahon na para gumamit ng mga solusyon na nangangailangan ng minimal na personal na datos na kailangang ibahagi. Kahit ipagpalagay pang mapoprotektahan ng naturang datos, ang magkakaroon ng malalaking gastos kapag nagkaroon ng beripikasyon sa mga platform, at sa huli ay ipinapasa rin sa mga konsumer.

Higit pa rito, habang lalong nagiging sopistikado ang AI, walang katiyakang gagana pa rin ang beripikasyon gamit ang government ID para malabanan ang panloloko. Nagagawa na ng AI na bumuo ng sobrang makatotohanang mga pekeng pagkakakilanlan nang maramihan na siyang nagpapahina sa tradisyonal na mga paraan ng beripikasyon ng pagkakakilanlan.

Ang online na panloloko ay hindi lang problema ng mga konsumer—isa itong hamong pang-ekonomiya at pang-regulasyon. Sinisira nito ang tiwala sa mga digital platform, binabawasan ang partisipasyon sa negosyo at pinipilit ang mga gobyernong magpatupad ng mga mandato sa beripikasyon na siyang nagpapalaki sa mga gastusin nang hindi tinutugunan ang ugat ng problema. Mas pinadadali pa ng AI ang pandaraya, pero karamihan sa mga tugon ng gobyerno ay dagdag-abala lang para sa mga tao habang bigo itong mapigilan ang mga bad actor o mga masasamang-loob. Kailangan nating magkaroon ng mas epektibong pamamaraang inuuna ang pribasiya.

Ang solusyon: Mga beripikadong tao gamit ang World ID

Magandang ideya ang pagbeberipika kung tunay na tao ang nasa likod ng mga account sa isang platform, pero dahil advanced na ang AI, kailangan nating baguhin ang pag-iisip natin tungkol sa pagkakakilanlan. Ang World ay imprastruktura para sa internet sa panahon ng AI.

Ang World ID ay isang paraan para sa mga taong pribado at ligtas na mapatunayang tunay at bukod-tangi silang tao online.

Sa halip na magsagawa ng mga kinakailangan government ID check o KYC, pwedeng i-integrate ng mga online platform at marketplace ang World ID sa mga account signup nila. Nag-aalok ito ng alternatibong paraan sa tradisyonal na beripikasyon ng pagkakakilanlan kung saan nalalabanan nito ang AI sa pamamagitan ng natatangi nitong patunay ng pagkatao na hindi magagaya o mapepeke—nang hindi hinihingi sa mga indibidwal ang personal nilang datos. Dahil dito, makatitiyak ang mga taong ang mga nakakasalamuha nila sa platform ay mga tao rin. Kahit na dapat pa ring mag-ingat ang mga konsumer para maprotektahan ang sarili nila at kailangang mag-invest ng mga online na serbisyo sa pagtukoy ng mga bad actor o mga masasamang-loob, nababawasan nang malaki ng paraang ito ang panganib na malinlang ang mga indibidwal ng mga network ng mga pekeng account. 

Dahil hindi nito kailangang magpasagot sa mga tao ng kumplikadong mga form o magpasumite ng government ID, ang World ID ay hindi nakakaabala para sa mga konsumer at madali lang para sa mga platform na mapamahalaan ito. Nasa sa mga online na serbisyo na kung hihingi pa ang mga ito ng karagdagang beripikasyon, pero isa itong mahalagang pundasyon para muling magkaroon ng pagtitiwala sa paggamit ng mga ito at maprotektahan ang mga konsumer. 

Ang paggamit ng World ID sa mga online platform at marketplace ay tumutulong na matiyak ang mga sumusunod:

  • Pakikipag-ugnayang tao-sa-tao: Makatitiyak ang mga konsumer na tao ang kausap nila sa kabilang banda.
  • Nababawasan ang panloloko: Maaaring isara ang mga account na may kaugnayan sa panloloko nang hindi na muling lilitaw pa.
  • Mas malaking pagtitiwala sa mga platform: Magtatagumpay ang mga online platform sa pamamagitan ng pagprotekta sa mga tao laban sa mga pekeng account; binabawasan ng mga beripikadong tao ang panloloko at ibinabalik ang tiwala ng mga konsumer sa digital na kalakalan.
  • Binabawasan ang panganib sa personal na datos: Dahil hindi na kailangan pang mangolekta ng personal na datos ang mga platform, mababawsan ang panganib na manakaw ang datos. 
  • Paglaban sa AI: Ang World ID  ay isang paraang nakatuon sa mga tao para sa authentication na, hindi tulad ng beripikasyon gamit ang government ID, hindi mapepeke at nagbibigay-daan sa mga indibidwal na makipagtransaksyon online nang ligtas, kahit pa mas maging sopistikado ang mga teknik na ginagamit sa panloloko.

Iniaangat ng World ID ang mga online platform—pinoprotektahan ang mga tao, binabawasan ang pandaraya at tinitiyak ang patas na access sa mga digital na serbisyo.

Nagbabago ang online na panloloko. Pero sa pamamagitan ng World ID, gayundin ang seguridad at pribasiya.

Paunawa

Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Bukod pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatanggi sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit at ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.