Ang Paglaganap ng Digital na Panloloko

Oktubre 8, 2025 4 Minutong Pagbabasa

Narinig ng isang lolang mula Newfoundland ang takot na boses ng apo niya, at nanghihingi ito ng pera para makapagpiyansa matapos itong masangkot sa isang aksidente sa daan. Nagpadala siya ng $50,000 bago niya nalamang ligtas at nasa trabaho lang pala ang tunay niyang apo. Ang boses? Isang AI clone na nilikha mula sa mga video niya sa social media. 

Sa parehong linggo, may iba pa sa komunidad niya ang nawalan ng $200,000 sa katulad na mga scam. Noong 2023, mahigit 100,000 Amerikanong edad 60+ ang nag-ulat ng mga pagkalugi dahil sa panloloko na umabot sa $3.4 bilyon—14% ang itinaas kumpara sa nakaraang taon. Ipinakikita ng pag-akyat na ito ang isang pangunahing pagbabago sa mga banta sa cybersecurity: mula sa pagnanakaw ng mga kredensyal hanggang sa pagnanakaw ng mismong pagkatao.

image

Kung saan pumapalya ang mga proteksyon laban sa pandaraya ngayon

Pananamantala ng mga bot sa mga pampublikong mapagkukunan

Natuklasan ng California ang 50,000+ pekeng bot application para sa tulong pinansyal para sa mga estudyante noong 2023. Ang portal ng pag-aareglo ng demanda ng Thomson Reuters ay binaha ng mga automated claim, at hinarangan nito ang mga lehitimong biktima. Mula sa pagtulong sa mga nasalanta hanggang sa benepisyo mula sa gobyerno, sistematikong inuubos ng mga hukbo ng bot ang mga pondong nakalaan dapat para sa tunay na mga tao.

Sintetikong pagpapanggap

Ang voice cloning ay banta sa sinumang nag-post ng video online. Isang abogadong taga-Philadelphia ang muntik nang magpadala ng libo-libong dolyar para sa piyansa matapos gumamit ang mga scammer ng AI para gayahin ang tatlong tao: ang "anak" nila, isang "abogado ng pamahalaan para sa mahihirap" at isang "opisyal ng korte." Sa Hong Kong, nawalan ng $25 milyon ang isang kumpanya nang sumali ang mga empleyado nito sa isang video call kasama ang deepfake na bersyon ng CFO at mga katrabaho nila. Sa pagtaas ng mga pagtatangkang manloko gamit ang deepfake nang 3,000% noong 2023, may pag-aalinlangan na sa bawat tawag at video: sila ba talaga 'yon?

Katiwalian sa trust network sa pamamagitan ng mga pekeng profile

Ayon sa report ng mga dating app, nasa 10-15% ang pekeng mga profile sa mga platform nila. Nakikipaglaban ang mga professional network sa mga resume na nilikha gamit ang AI. Ang mga review platform ay nahihirapan sa mga bot campaign na kayang sumira ng mga negosyo nang magdamag. Kahit ang opinyon ng publiko, hindi na rin mapagkakatiwalaan. Nang binago ng Cracker Barrel ang logo nito noong Agosto 2025, 44.5% ng galit noong una sa social media ay kagagawan ng mga bot. Sinakyan ng mga automated account ang totoong kritisismo at lumikha ng kontrobersiyang nagpabagsak sa mga presyo ng stock. Kung pwedeng maging sintetiko ang opinyon ng publiko, paano makagagawa ng tunay na mga desisyon ang mga negosyo o komunidad?

Pagmamanipula sa demokratikong proseso

Binabaha ng mga hukbo ng bot ang mga sistema ng paghingi ng komento mula sa publiko, minamanipula ang mga botohan at gumagawa ng mga kilusang mukhang mula sa masa. Nilulunod ng mga ito ang mga sistema para sa paghingi ng tugon ng mga regulasyon at petisyon gamit ang artipisyal na konsensus. Kapag kayang gayahin ng isang taong may bot farm ang libo-libong tinig, mawawasak ang mga institusyong demokratikong nakadepende sa "isang-tao-isang-boto."

Pamemeke at pang-aagaw ng pagkakakilanlan

Gumagawa ang mga kriminal ng sintetikong pagkakakilanlan, pinaghahalo-halo ang tunay at pekeng datos para makabuo ng mga credit history na tumatakbo nang ilang taon nang hindi napapansin. Nagiging mga attack vector ang mga account recovery system dahil sa social engineering at sintetikong media, habang ang sintetikong media naman ay ginagawang "ninanakaw ang buhay" ang "nakalimutan ang password."

Bakit kinakapos ang mga kasalukuyang pagdepensa mula rito

Sa tradisyunal na seguridad, tatanungin ka kung “Tama ba ang password mo?” o “Matatanggap mo ba ang SMS na ito?” Pero ang alam ng mga system na ito ay tao ka. Kinokontrol ng mga ito ang hindi awtorisadong pag-access dito pero hindi tinitingnan ng mga ito kung tao o isang sopistikadong program ang gumagamit nito. Dapat ituon ang solusyon para rito sa isang mahalagang bagay: ang pagkakaroon ng patunay ng pagkatao bilang pundasyon nito, hindi lang bilang pahabol. Ibig sabihin:

  • Beripikasyong Inuuna ang Pribasiya – Patunayang isa kang bukod-tanging tao nang hindi ibinubunyag ang personal mong datos. Ang mga cryptographic proof ang magpapatunay ng pagkatao nang walang pagmamanman.
  • Pangkalahatang Interoperability – Isang beripikasyon para sa lahat ng serbisyo, para hindi na paulit-ulit ang pagsusuri habang pinipigilan nito ang cross-service tracking.
  • Hindi Tinatablan ng Pandaraya – Hindi tulad ng mga password na pwedeng manakaw, sa patunay ng pagkatao, hindi madadaya ang beripikasyon kung saan hindi ito maililipat o mapepeke.
  • Aksesibilidad sa Buong Mundo – Dapat itong gumana para sa lahat, saanman sila, anuman ang device o antas ng teknikal nilang kaalaman.
image

Pagbuo ng network ng tunay na mga tao para mas magkaroon ng pagtitiwala online

Isinasabuhay ng World ID ang mga prinsipyong ito sa pamamagitan ng teknolohiya ng Patunay ng Pagkatao. Sa pamamagitan ng pagbeberipika ng kung bukod-tangi ang isang indibidwal nang isang beses, maaari na silang makipag-ugnayan sa iba’t ibang serbisyo nang may kumpiyansang ang bawat isa ay tunay na tao.

Sa mabilis na pag-angat ng mga kakayahan ng AI, umiigsi na ang panahon para magkaroon ng epektibong beripikasyon ng pagkatao. Ang mga organisasyong nagpatupad ng patunay ng pagkatao ngayon ay nakapaglilingkod na sa tunay na mga customer, napoprotektahan ang tunay na mga user at napananatili ang tiwala ng tunay na mga tao. Sa panahong kayang gayahin nang husto ng mga machine ang mga tao, ang pagpapatunay ng ating pagkatao ang magiging pundasyon ng bawat makabuluhang interaksyon online.

Ang Oktubre ay ang Cybersecurity Awareness Month. Matuto pa tungkol sa pagbuo ng mas makataong internet sa world.org.