Ano ang World, at paano ito gumagana?

Enero 28, 2025 3 Minutong Pagbabasa

Ang World ay ang network ng tunay na mga taong nagbibigay ng pagkakakilanlan, pananalapi at komunidad sa bawat tao. Binubuo ito ng maraming tagapag-ambag at lumalagong komunidad ng higit sa 22 milyong tao, kabilang ang [signups-count] bukod-tanging taong naberipika na ng Orb, sa limang kontinente.

Itinatag ang World para bumuo ng mga tool at imprastrakturang kailangan para tulungang maiangat ang sangkatauhan sa Panahon ng AI.

Ang iba't ibang bahagi ng World

Ang World ay binubuo ng apat na bahaging nagbibigay-daan sa bawat taong mapatunayan ang pagkatao nila online at makibahagi sa pandaigdigang ekonomiya:

  • World ID - ang digital na patunay ng pagkatao ng World. Para itong blue checkmark na pribadong ibiniberipika kung isa kang bukod-tanging tao online sa pamamagitan ng isang makabagong camera at makabagong cryptographic anonymization technology.
  • World App - Ang unang World wallet. Ang World App ay binuo ng Tools for Humanity (TFH). Ito ang may hawak ng World ID mo, at nagbibigay-daan ito sa'yong matingnan at makagamit ng crypto at mga stablecoin, makapag-host ng mga native Mini App at iba pa.
  • Worldcoin (WLD) - Ang native digital token ng World. Ang WLD ay pwedeng makuha ng lahat ng beripikado at kwalipikadong* tao para sa pang-araw-araw na paggamit, maging sa hinaharap na pamamahala.
  • World Chain - Ang blockchain ng World na inuuna ang mga tao. Binuo bilang bahagi ng Optimism Superchain, idinisenyo ang World Chain para tulungan ang World Network na lumago para masuportahan ang buong sangkatauhan.

Paano gumagana ang World?

Magagamit mo ang World sa loob ng dalawang simpleng hakbang. 

  • Hakbang 1: I-download ang World App - Maa-access mo ang World Network sa pamamagitan nito. Sa World App, pwede kang magkaroon at magpaberipika ng World ID mo, ma-access ang sarili mong self-custodial digital wallet at matingnan ang lumalaking ecosystem ng mga Mini App.
  • Hakbang 2: Beripikahin ang World ID mo - Kapag ipinaberipika mo ang World ID mo sa isang Orb, mapatutunayan mo sa mga website at application na isa kang tunay na tao. Pwede mo ring gamitin ang World ID na beripikado ng Orb para kunin ang libre mong alokasyon ng WLD*. Makikita ang mga lokasyon para sa beripikasyon ng World ID sa World website o sa World App.

Pribasiya at desentralisasyon

Ang World ay hindi nangongolekta, nagtatago o nagbebenta ng anumang personal na datos, kabilang ang datos ng iris, at ang mga mayroong beripikadong World ID ay hindi makikilala

Kapag naberipika na ang World ID ng isang tao, ang mga larawang kinunan ng Orb habang nagbeberipika ito ay ipadadala sa telepono nila, tuluyan nang buburahin mula sa Orb at hindi itatago ng World. Ito ay tinatawag na Personal Custody, at ito ang paraan ng World para matiyak na may buong kontrol ang mga indibidwal sa sarili nilang impormasyon at pagkakakilanlan. 

Bukod pa rito, idinisenyo ang World para maging desentralisado. Ibig sabihin, ang superbisyon at pagdedesisyon ay nakasalalay sa komunidad ng mga user sa buong mundo. Pwede mong gamitin ang sumusunod na resource para matuto pa tungkol sa isinasagawang mga pagsisikap para isulong ang desentralisasyon at ma-access ang open source Github repo.

Mga organisasyong konektado sa World

Ang World ay kasalukuyang itinataguyod ng iba't ibang tagapag-ambag nito. Kabilang dito ang World Foundation at TFH.

Ang World Foundation ay isang non-profit na organisasyong itinatag para suportahan at palaguin ang World Network hanggang sa maging independyente na ito. Ginagawa nito ito sa pamamagitan ng mga hakbang tulad ng pangangasiwa ng mga programa para sa mga community grant, pag-o-open source ng mahahalagang mga teknolohiya ng proyekto, pagsali sa pamamahala ng Optimism at iba pa.

Ang TFH ay isang pandaigdigang kumpanya ng teknolohiyang itinatag para pabilisin ang transisyon tungo sa isang mas makatarungang sistemang pang-ekonomiya. Pinangunahan nito ang paunang pag-develop ng World at patuloy na bumubuo ng mga tool na sumusuporta sa network, bukod pa sa pagpapatakbo ng World App

Ang World Network ay patuloy na nag-dedevelop at nagpapalawak araw-araw, at tumatanggap ng mas marami pang tagapag-ambag at integration partner para suportahan ang paglago at kapakinabangan nito.

Alamin pa

Alamin pa ang tungkol sa World sa pamamagitan ng pagbisita sa official website ng network

Pwede ka ring sumali sa araw-araw na mga usapan sa Twitter/X, WhatsApp, Telegram, Discord, YouTube at LinkedIn, o mag-sign up para sa blog newsletter sa ibaba ng pahinang ito. Ang karagdagang mahahalagang impormasyon tungkol sa network ay matatagpuan sa World whitepaper.

Paunawa

*Ang kwalipikasyon para sa mga Worldcoin token (WLD) ay nililimitahan batay sa heograpiya, edad at iba pang salik. Hindi maipamamahagi ang WLD sa mga taong residente ng, o kumpanyang matatagpuan, o nakarehistro bilang korporasyon o may rehistradong ahente sa Estados Unidos o iba pang pinaghihigpitang teritoryo. Gayunpaman, ang World ID at ang World App ng TFH ay mananatiling available sa Estados Unidos. Para sa mga detalye, pumunta sa: www.worldcoin.org/tos. Ang paggamit ng mga produktong crypto ay maaari mong ikalugi. Ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa www.worldcoin.org/risks.

Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Bukod pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatanggi sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit at ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.