Mag-supply, Kumita at Humiram.

Available sa 37M user sa World, pinatatakbo ng

Bagong On-Chain Utility

  • Mag-supply

    Ideposito ang crypto mo sa isang Morpho vault para maipautang ito sa iba pang Morpho user.

  • Kumita

    Pwedeng makakuha ng mga reward ang crypto mo; at ang mga user na beripikadong tao ay kwalipikado para sa dagdag na mga priority reward!

  • Humiram

    Gamitin ang crypto mo bilang kolateral para makakuha ng iba pang asset, nang hindi kinakailangang magbenta.

Mga Reward

Hanggang sa

$5M sa reward para sa Morpho sa World Chain.*

Bagama't ang mga reward ay available para sa lahat ng Morpho user, tanging mga beripikadong tao lamang ang maaaring makatanggap ng karagdagang mga priority reward kapag nagdedeposito sa mga Morpho vault, isang bagay na posible lamang sa World.

larawan ng coin

Higit pa tungkol sa Morpho

Ang Morpho ay isang open-source lending protocol na nagbibigay-daan sa mga user na Mag-supply, Kumita at Makahiram ng crypto. Tumatakbo ang mga vault at market ng Morpho sa World Chain sa pamamagitan ng mga permissionless smart contract.

Paano Ito Gumagana

Kumita sa paraang gusto mo

Gamitin ang self-custodial wallet mo para magdeposito at kumita kaagad gamit ang mga Morpho vault, kung saan pwede mong maipautang ang crypto mo sa pamamagitan ng mga permissionless smart contract ng Morpho.**

Magbigay ng kolateral at humiram ng mga asset

Gamitin ang crypto mo bilang kolateral para makahiram ng mga asset base sa mga market rate at availability ng mga ito.

Paano Ito Maa-access

Ang World ay nagbibigay ng access sa protocol ng Morpho sa pamamagitan ng Morpho Web App o sa Morpho Mini App

Available ang Morpho sa Oku para sa Desktop

larawan ng Oku

Sumali sa Hinaharap ng Pinansya

Ang kinabukasan ng onchain na pinansya ay nanganganib, at hindi dapat manalo ang mga bot. Sa Morpho x World, mahalaga ang pagiging tao, at dito magsisimula ang isang imprastrakturang pang-ekonomiya na gumagana para sa lahat sa buong mundo.

Mga Madalas Itanong

Paano kumita sa pamamagitan ng mga Morpho Vault

Ang mga Morpho Vault ay isang onchain na paraan para maipautang ang mga asset mo sa iba. Kapag idineposito mo ang mga asset mo sa isang vault, maipapahiram ng ibang mga kalahok sa merkado na tinatawag na "mga curator" ang mga token na 'yon sa mga may gustong humiram ng mga ito.

Maa-access mo ang mga Morpho Vault sa Morpho Mini App sa World App, o sa Oku extensive browser frontend interface.

Kapag nagpautang ang mga curator ng mga asset na idineposito sa isang Morpho Vault, ang mga nanghiram ay magbabayad ng interes para sa loan. Isang bahagi ng interes na ito ay makikita sa earn rate. Maaari rin itong magkaroon ng dagdag na mga reward maliban pa sa interest-based rate depende sa availability ng mga ito.

Ang mga taong nagpaberipika gamit ang World ID ay maaaring makakuha ng dagdag na mga reward sa mga deposito nila sa mga Morpho Vault. Ang mga priority reward para sa mga tao ay posible lamang sa World. Kwalipikado ang lahat ng halaga ng deposito para sa mga baseline reward, nang walang anumang limitasyon. Gayunpaman, ang mga priority reward para sa mga beripikadong World ID user ay inilalapat lamang sa unang $1000 sa USDC vault, at sa unang 1000 WLD sa WLD vault.

Pagpapautang at Panghihiram

Sa pamamagitan ng isang crypto-backed loan, makakahiram ka ng mga asset tulad ng USDC o WETH gamit ang crypto mo (nang hindi kinakailangang ibenta ito) sa World bilang kolateral. Ang panghihiram ay binibigyang-daan ng Morpho onchain lending protocol sa World Chain.

Pwede kang humiram ng USDC at WETH gamit ang WLD, WETH, WBTC at ezETH bilang kolateral

Ang halagang mahihiram mo ay nakadepende sa kolateral mo at sa halaga ng mga loan asset na mayroon sa mga kaukulang Morpho lending market. Walang mahigpit na limitasyon sa kung magkano ang mahihiram mo.

Ang LTV ay ang ratio ng kabuuang hindi pa nababayarang halaga ng utang mo (kasama ang principal at lahat ng naipon at hindi pa nababayarang interes) sa kasalukuyang halaga sa merkado ng kolateral mo.

Ang mga crypto asset na kailangan mong gawing kolateral bilang panggarantiya ay kukunin mula sa wallet mo sa World Chain, at ililipat onchain sa isang Morpho smart contract. Ang kolateral mo ay ang gagamitin sa oras na hindi ka makabayad. Kung lumampas ang LTV ratio sa kinakailangang limitasyon, ang ilan o ang lahat ng kolateral mo ay maaaring "ma-liquidate" (ibig sabihin, ibenta) nang awtomatiko para mabayaran ang diperensya.

Ang interest rate ay pabago-bago at awtomatikong kinakalkula alinsunod sa Morpho protocol at sa mga configuration ng curator base sa kondisyon ng market – kaya't nagbabago ito bawat ilang segundo sa bawat paglikha ng block sa World Chain. Para alamin pa ang tungkol sa kung papaano itinatakda ang mga interest rate, bisitahin ang website ng Morpho sa https://morpho.org/.

Walang kailangang bayaran sa World. Babayaran mo lang ang pabago-bagong interest rate na itinakda ng mga open lending market sa Morpho.

Ang mga loan na kinuha sa pamamagitan ng Morpho Mini App ay mababayaran sa Morpho Mini App. Ang mga loan na kinuha sa pamamagitan ng Oku extensive frontend interface ay mababayaran doon.

Manatiling may alam

Sa pamamagitan ng isang third-party protocol, magagamit mo ang mga borrow at vault na produkto at feature na inilarawan dito, at hindi inaalok o kinokontrol ng World, ng World Foundation o ng mga kaanib nito. Ginagamit ng mga user ang mga produkto at tampok nang may kaalaman tungkol sa mga peligro ng mga ito at may responsibilidad na maunawaan at tanggapin ang anumang panganib na may kaugnayan sa paggamit nito, kabilang na ang posibilidad ng pagkawala ng lahat ng crypto nila. Ang World ay nagbigay lamang ng interface para ma-access ang protocol ng Morpho. Hindi nagsisilbing tagapamagitan sa serbisyo pinansyal ang World, World Foundation o alinman sa mga kaanib nito kaugnay ng mga ito. Ang mga produktong nagbibigay ng mga reward ay hindi isang pamumuhunan o alok na bumili o ibenta ang mga asset mo. Ang reward rate ay maaaring magbago anumang oras depende sa availability at pagbabago ng mga kondisyon sa merkado.

Maaaring hindi maging available ang mga produkto at feature na ito sa lahat ng rehiyon, at maaaring magbago o malimitahan ang availability nito nang walang babala. Maaaring maningil ng bayad ang mga third party, protocol, o network at ikaw lamang ang may responsibilidad para rito. Ang paggamit mo ng mga produkto at feature na ito ay maaari ring patawan ng buwis depende sa kung saan ka nakatira at/o saan mo ina-access ang mga ito. Ikaw lamang ang may responsibilidad para sa pagsunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon sa paggamit ng mga produkto at feature.

Ang impormasyong ito ay para lamang sa pangkalahatang kaalaman at hindi dapat ituring bilang isang alok na mamuhunan, bumili, magbenta o makilahok sa anumang estratehiya sa pamumuhunan, alok ng utang, instrumentong pampinansyal o iba pang asset, at hindi rin dapat ituring bilang payong pampinansyal, legal, sa accounting o sa buwis. Bago gumawa ng anumang desisyong pampinansyal, mahalagang kumonsulta muna sa isang propesyonal na tagapayo. Walang garantiya, representasyon at warranty ang ibinibigay hinggil sa katumpakan ng impormasyong ito o sa hinaharap na performance ng anumang digital asset, instrumentong pampinansyal o market indicator.

Maaaring may relasyon sa mga entidad na binanggit dito ang World. Hindi responsable ang World at hindi nito iniendorso ang anumang external link o third-party website na kasama sa materyal na ito, o anumang iba pang materyal na hindi nakalathala sa website o platform ng opisyal na kaanib ng world.org.

*Ang halaga ng mga reward ay hindi garantisado, maaaring magbago kalaunan at nakadepende sa iba't ibang salik, kabilang na ang pinagbabatayang protocol.

**Ang tinatayang APY ng vault ay nakadepende sa nakaraang 7-30 araw ng on-chain data at hindi garantisado.