
Mahigit sa dalawampu't limang milyong user sa World App ang maaari nang maglagay ng kanilang WLD, WETH, USDC.e, WBTC at iba pa para kumita, o makautang mula sa mga asset na iyon nang hindi kinakailangang ibenta ang mga ito. Walang bridging, walang mabagal na onboarding, walang paghahalo-halo ng mga seed phrase sa iba't ibang network—ang DeFi sa World Chain na malawakan. Ang rollout na ito ay isa sa pinakamalaking deployment ng self-custodial open finance na iniaalok sa mga retail user.
Kahit sino, kabilang ang mga indibidwal sa Estasdos Unidos, ay maaari nang makapagbukas ng World App, tuklasin ang bagong Morpho Mini App, at magkaroon ng access sa pandaigdigang merkado ng pagpapautang at paghiram sa loob ng ilang segundo o mag-deposito sa mga vault para makatanggap ng mga reward (may reward din para sa mga beripikadong tao!). Ang lahat ng mga user ng World Chain ay makaa-access din sa malawak na browser-based frontend interface sa pamamagitan ng Oku Trade na binuo ng GFX Labs.
Ang mga bagong merkado at vault na ito ay pinatatakbo ng Morpho, ang nangungunang desentralisdong platform ng pagpapautang na hindi nangangailangan ng pahintulot sa Ethereum at sa L2 ecosystem nitong may higit sa $4.5B na mga asset mula mga deposito at halos $2B sa mga aktibong pautang. Nagbibigay ang Morpho ng isang flexible infrastructure na nagbibigay-daan sa sa paglikha ng mga custom use case ng pagpapautang, katulad ng Morpho Mini App sa World.
DeFi na nakatuon sa mga tao at prayoridad na mga reward para sa mga tao
Para ipagdiwang ang paglulunsad, hanggang limang milyong dolyar sa karagdagang mga token reward ang ipamamahagi sa World sa susunod na labindalawang buwan, ang pinakamalaking halagang ipinakalat sa Morpho sa anumang chain. At, sa isa pang una para sa crypto, ang World ID ay nagbibigay-daan din para natatanging mai-hyper-target ang isang bahagi ng mga reward na ito at mabigyang-prayoridad ang tunay na mga tao sa DeFi, hindi ang mga bot. Para malaman pa ang tungkol sa mga World ID reward, i-install ang Morpho Mini App, o para makita ang buong listahan ng mga available reward, bisitahin ang Merkl.
Sa paglulunsad ng mga inobasyon tulad ng patakaran sa gas na inuuna ang tao ng World Chain para makatulong na maiwasang makain ng mga bayarin sa gas ang maliliit na balanse sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga may hawak ng World ID ng maraming allowance sa gas, ang micro-lending onchain ay magiging praktikal sa unang pagkakataon.
Ang kakayahan ng World Chain na matukoy ang mga tao mula sa mga bot ay nagbibigay-daan sa napakalaking audience na hirap maabot ng DeFi: mga tunay na taong may tunay na mga balanse na gumagamit ng crypto sa pang-araw-araw nilang buhay, at hindi pawang instrumento para sa espekulasyon.
Kahit may hawak kang limang dolyar sa Maynila o limang libo sa Buenos Aires, magkakaroon ka na ng access sa parehong tapat na pamilihan, protektado ng mga open-source smart contract kaysa sa mga hindi maliwanag na tagapamagitan. Para sa maraming mga baguhan sa buong mundo, ito ang una nilang pagkakataong kumita mula sa mga ari-arian nila nang hindi umaasa sa bangko.
Para maging kwalipikado para sa prayoridad na reward para sa mga tao sa mga deposito sa vault, dapat mong ipaberipika ang World ID mo. Mabilis ito at, alinsunod sa pagsisimula ng crypto, ganap na hindi matutukoy; Ang World ay idinisenyo para hindi malaman kung sino ka—basta't tao ka.
Maaari mong i-download ang World App at lumikha ng sarili mong self-custodial wallet para makapagsimula. Kapag nagawa mo na ito, maaari mong i-bridge ang mga ari-arian sa World Chain gamit ang Superbridge, Across, o iba pang third-party bridge. (Kung hindi ka user ng World App, maaari mo pa ring gamitin ang Morpho at kumita nang mga reward para sa walang World ID sa pamamagitan ng Oku Trade.)
Mga bagong posibilidad para sa mga developer
Para sa mga developer, ang mga merkado ng Morpho ay hindi nangangailangan ng pahintulot. Ang mga wallet, yield aggregator, at iba pang produktong pinansyal ay maaaring isama ang mga smart contract nang direkta sa World Chain. Ang pagbeberipika ng account ng isang user gamit ang World ID nila bilang natatangi ay nagbibigay-daan sa mga protocol na tuklasin ang mga under-collateralised credit, mga nagpapautang batay sa reputasyon, o mga loyalty program na hindi kayang dayain ng mga bot.
Ang paglulunsad na ito ay isa pang hakbang sa transisyon ng World App mula sa isang simpleng wallet para makapagtago ng mga dolyar mo tungo sa isang full-stack na pinansyal na toolkit para sa mga tao sa buong mundo. Kayang gawin ng World ID at World Chain ang mga bagay tulad ng asset-backed savings, pay-as-you-go insurance, cross-border payroll—at higit pa—na maging posible sa unang pagkakataon sa DeFi.
Ngayon ang unang araw para sa DeFi na nakatuon sa mga tao sa World at sa misyon naming dalhin ang bukas na pananalapi sa lahat sa buong mundo. Matuto pa.
Alamin pa
Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba.
Maaari ka ring sumali sa pang-araw-araw na usapan sa lahat ng mga social media channel ng World, o makakuha ng karagdagang mahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.
Paunawa
Ang mga produkto at feature ng Morpho borrow at vault na inilalarawan dito ay hindi inaalok o kinokontrol ng World o ng mga kaakibat nito. Ang mga produktong may reward ay hindi isang pamumuhunan o isang alok na bilhin o ibenta ang mga ari-arian mo. Ang reward rate ay maaaring magbago anumang oras dahil sa availability at pagbabago sa mga kondisyon ng merkado.
Ang mga prodokto at feature ng Morpho na ito ay maaaring hindi magamit sa lahat ng rehiyon, at ang availability ng mga ito ay maaaring magbago o maging limitado nang walang babala. Maaaring maningil ng mga bayarin ang mga third party o network, kung saan ikaw lamang ang mananagot. Ang paggamit mo ng mga produktong ito at mga feature ay maaari ring mapailalim sa mga buwis depende sa kung saan ka nakatira at/o kung saan mo ginagamit ang mga ito. Ikaw lamang ang responsable para sa pagsunod sa lahat ng naaangkop na batas at regulasyon na maaaring mailapat sa paggamit mo ng mga produkto at feature.
Ang impormasyong ito ay para lamang sa pangkalahatang kaalaman at hindi dapat ituring bilang isang alok para mamuhunan sa, bumili, o magbenta ng anumang mga ari-arian o lumahok sa anumang estratehiya sa pamumuhunan, o ituring bilang payong pinansyal, legal, sa accounting, o buwis. Bago gumawa ng anumang pinansyal na desisyon, mahalagang kumonsulta sa sarili mong mga propesyonal na tagapayo. Walang garantiya ang maibibigay patungkol sa katumpakan ng impormasyong ito o sa magiging takbo sa hinaharap ng anumang digital asset, pinansyal na instrumento, o tagapagpahiwatig ng merkado.
Maaaring may kaugnayan ang World sa mga entidad na nabanggit dito. Hindi responsable hindi nito ineendorso ang World para sa anumang mga external link o third-party website na kasama sa materyal na ito, o iba pang materyal na hindi nailathala sa isang opisyal na kaakibat na website o platform ng world.org.