

Iba ang tama ng live music. Isa ito sa mga bagay na talagang nagpaparamdam sa'ting tao tayo.
Ngayon, ilulunsad ng World ang Concert Kit, isang bagong tool na nagbibigay-daan sa mga artistang masigurong ang tunay na fans ang makakukuha ng mga ticket nila, gamit ang World ID. Ginawa ang Concert Kit para mas magkaroon ng kontrol ang mga artista sa kung sino lang ang makakanood ng mga pagtatanghal nila at mas mapalapit pa ang fans sa musika at sa mga karanasang malapit sa puso nila.
Nitong mga nakaraang taon, parang naging malayo na ang loob ng fans sa mga artistang hinahangaan nila dahil sa hirap ng pagbili ng ticket nila. Sa loob lang kasi ng ilang segundo, kayang ubusin ng mga Ticket Bot ang libo-libong ticket para lang ibenta ulit nang napalaki ang patong. Kaya naman pagdating ng tunay na fans sa website, ubos na agad ang mga ticket o kaya naman ay napakamahal na. Marami ang napipilitang magbayad nang doble, triple o higit pa para sa mga ticket na hindi man lang sila nagkaroon ng patas na pagkakataong makuha.
Ramdam na ramdam ito ng mga artista at ng fans nila. Hanggang ngayon kasi, wala pa ring maaasahang paraan para makumpirma kung ang mga bumibili ng ticket ay talagang tao, nang hindi isinasantabi ang pribisiya nila. Layunin ng Concert Kit na baguhin ito.
Paano sinisira ng mga ticket bot ang mga live event
Nakahahanap ng butas ang mga bot dahil hindi kayang matukoy ng system kung tao ba talaga o code lang ang bumibili ng ticket. Kayang-kaya nilang punan ang mga form, lutasin ang mga CAPTCHA, pati ang bawat galaw nating mga tao sa internet. Kahit ang mga dating panangga natin gaya ng mga waiting room o queue system, madali na ring nalulusutan dahil sa automation.
Napakalala na ng problema sa mga ticket bot. Sa UK pa lang, napapagastos ang fans ng dagdag na £145 milyon kada taon dahil sa malaking patong na kagagawan ng mga ticket bot. Tingnan na lang natin ang Eras Tour ni Taylor Swift: ayon sa Ticketmaster, pumalo sa 3.5 bilyon ang pumasok na system request sa loob lang ng isang araw noong pre-sale, dahilan para mabigla ang platform at hindi makapasok ang milyon-milyong fans. Halos agad-agad ding nagsilabasan ang mga ticket sa mga resale site sa presyong abot-langit, kung saan may fans na nagbabayad nang hanggang 70 beses na mas mahal kaysa sa orihinal nitong presyo. Ayon pa sa mga awtoridad, may isang broker na gumamit ng automated tool para makabili ng daan-daang libong ticket, kaya kumita ito ng sampu-sampung milyon mula sa malaking patong nito sa mga ticket.
Dito papasok ang Concert Kit at ang patunay ng pagkatao.
Paano gumagana ang Concert Kit
Sadyang ginawang simple ang Concert Kit.
Puwede nang magreserba ang mga artista, banda o ang team nila ng bahagi ng mga ticket para sa mga beripikadong tao. Kailangan lang nilang gumawa ng Concert Kit page, piliin kung ano'ng hihingin nila para sa beripikasyon at mag-upload ng mga ticket code mula sa kahit anong ticketing platform na ginagamit nila.
Kapag gumagana na ang page nila, kailangan lang patunayan ng fans na tao sila gamit ang World ID nila at magkakaroon na sila ng access sa mga nakareserbang ticket na iyon. Mga beripikadong tao lang ang bibigyan ng access. Ang mga ticket bot, hindi.
Gumagana ang Concert Kit sa kahit anong ticketing platform. Kahit Ticketmaster pa ang ginagamit ng tour sa isang lungsod at AXS naman sa iba, walang problema sa integration nito. Hindi na kailangan pang baguhin ng mga artista ang nakasanayan nilang setup, dahil simpleng dagdag lang ito sa mga platform na ginagamit na nila.
Para sa fans, simple lang ang proseso. Kailangan lang nilang pumunta sa ang Concert Kit page ng isang artista, patunayang tao sila gamit ang World ID at pagkatapos ay puwede na silang makakuha ng mga ticket na para lang sa fans. Pagkatapos nito, itutuloy na ang pagbili sa mismong platform gaya ng dati. Ang pinagkaiba lang: mga tao lang ang puwedeng bumili ng mga ticket na ito.
May mga artista na ring nagsabing susubukan nila ang Concert Kit. Sa darating na 2027 tour ng Thirty Seconds to Mars, maglalaan sila ng mga ticket na para lang sa mga beripikadong tao, at maglalabas pa sila ng karagdagang detalye tungkol dito.

Access sa concert na para lang sa mga beripikadong tao
Sa araw na ito ilulunsad ang Concert Kit. Bilang pagdiriwang nito, magtatanghal si DJ Pee .Wee (aka Anderson .Paak) ngayong gabi sa The Midway, San Francisco para sa mahigit 1,000 tunay na fans. Puwedeng gamitin ng bawat isa ang beripikado nilang World ID para makapasok sa event. Bisitahin ang https://music.world.org/events/liftoff para sa karagdagang detalye.

Paano i-avail ang Concert Kit
Sa mga artista, banda o management team na interesadong gamitin ang Concert Kit, puwede kayong mag-email sa [email protected].
Sa live music, ang mahalaga talaga ay 'yong koneksyon ng tumutugtog sa mga taong naroroon. Kaya ginawa ang Concert Kit para masigurong ang mga narooon ay tunay ngang mga tao.
Tingnan ang paparating na mga Concert Kit event sa https://music.world.org/.
Sumali sa network ng tunay na mga tao.
I-download ang World AppMga kaugnay na artikulo

Announcements ·
Product ·
World ID para sa mga AI agent: Browserbase, Exa, Okta at Vercel

Announcements ·
Product ·
World ID para sa negosyo: Zoom at Docusign, kaisa na sa pagpapatunay na tao ang kausap mo online
Announcements ·
World ID: dagdag-tiwala sa online dating, gaming at event ticketing

Announcements ·
Product ·