May nakilala ka sa dating app at gusto mong malaman kung compatible kayo sa isa't isa, pero nagdududa ka dahil nakita mong kalahati sa mga account na mga nag-comment ay mga bot. Sinubukan mong bumili ng concert ticket pero biglang naubusan ka agad dahil sa mga scalper. Nagpapa-rank up ka sa laro para mapasama ka sa leaderboard pero nalaman mong isang bot pala ang kalaban mo.
Hindi 'to basta-basta simpleng kaso kundi ito talaga ang totoong nangyayari sa pang-araw-araw sa internet. Patuloy na gumagawa ng paraan ang mga tao para masigurong tunay na tao ang nakakausap, nakakalaban, at napapakisamahan nila.
Ipinakikilala ng World ang patunay ng pagkatao sa mga platform na madalas gamitin ng mga tao. Mula sa online dating hanggang sa mga live event hanggang gaming, mas nagtitiwala at gumaganda ang karanasan ng mga gumagamit dahil sa World ID.
Tinder: nagsisimula ang totoong koneksyon sa mga tunay na tao

Noong nakaraang taon, naglunsad ang World at Match Group ng World ID pilot sa Tinder sa Japan, na nagbibigay sa bawat isa ng paraang may pangangalaga sa pribasiya na magsisigurong totoong tao talaga ang nasa likod ng account. Ngayon, dala nito ang Patunay ng Pagkatao ng World ID sa Tinder, at ito na ang ginagamit sa buong mundo.

Simple lang gawin: beripikahin nang isang beses gamit ang Orb, kumuha ng badge at ipakita na may totoong, bukod-tanging tao sa kabilang panig ng screen sa Tinder. Kapag totoong tao ang humaharap sa screen, mas lalong tumataas ang posibilidad na makahanap ng totoong koneksyon sa ibang tao. Sa paglawak ng World ID sa Tinder sa piling mga market, kabilang na rito ang Japan at United States, ang mga taong beripikado ng Orb ay puwedeng:
- Mag-stand out gamit ang isang verified human badge at patunayang totoo ka para mas lumawak pa ang koneksyon mo, at
- Tanggapin ang limang libreng Mga Boost sa loob ng limitadong panahon. Isa 'tong paid in-app feature na tumutulong para mas maging visible ang profile mo sa'yong lugar.
Mas dumarami ang listahan ng mga gumagamit at nagsasaliksik ng teknolohiyang patunay ng pagkatao dahil sa pakikipagtulungan sa Match Group. Sa pakikipagtulungan naman ng World sa Razer, unti-unti nang nabubuo ang Razer ID, na beripikado ng World ID, bilang pamantayan sa gaming para sa patunay ng pagkatao. Napakahalagang malaman ang pagkakaiba ng tao sa bot, kaya naman sa tulong ng isa pang kolaborasyon kasama ang Mythical Games, mas pinalalawak nito ang mga player-owned game economy. At kamakailan lang, inaalam na rin ng Reddit kung paano gumagana ang privacy-first na opsyon ng patunay ng pagkatao, kabilang na rito ang World ID, para naman sa mga automated account.
Concert Kit: tiket para sa mga tao, hindi para sa mga bot

Isa ang mga live event sa mga lugar kung saan kitang-kita ang perwisyong dala ng mga bot, ang dahilan kung bakit nalulugi ang tunay na fans. Dahil dito, inilunsad din ng World ang Concert Kit, isang bagong produktong nagbibigay-daan sa mga artistang ilaan ang mga ticket nila para lang sa mga beripikadong tao. May mga artista nang nangakong susubukan ang Concert Kit. Ilalaan ng Thirty Seconds to Mars ang bahagi ng mga ticket nila para lang sa mga beripikadong tao sa nalalapit nilang 2027 tour, at maglalabas pa sila ng karagdagang detalye tungkol dito.

Isang patunay para sa pribasiya mo
Para magamit mo ang World ID, buksan mo lang ang World App sa telepono mo. Hindi ka na dadaan pa sa mga komplikadong proseso, o karagdagang beripikasyon ng Patunay ng Pagkatao. Ang nag-uugnay sa lahat ng integrasyong ito ay isang shared na modelo ng pribasiya. Kapag ginamit mo ang World ID para magpaberipika sa alinman sa mga platform na ito, makakatanggap ang platform ng cryptographic attestation na ikaw ay totoong bukod-tanging tao. Ganoon lang kadali. Ang pangalan, lokasyon, aktibidad, at personal na detalye mo ay mananatiling sa'yo lang. Walang platform ang tumatanggap ng personal na datos mula sa World ID. Walang sentral na database na puwedeng mapasok dito. Tinitiyak ng zero-knowledge proof na matibay ang beripikasyon at zero ang data footprint.
Sa World ID at sa nalalapit na paglulunsad ng World ID app, mas lalong nagiging isang mahalagang bagay ang pagdala ng patunay ng pagkatao saan ka man pumunta. Sa pamamagitan lang ng isang beses na beripikasyon sa mga platform, puwedeng-puwede ka nang makipagkonekta, makipagkompetensiya, makapaghanap, at makalikha. Umabot na sa 160 bansa ang gumagamit ng World Network. Halos nasa 18 milyong tao na ang nagpaberipika ng kanilang pagkatao sa isang Orb.
Sa pamamagitan ng mga pakikipagtulungan, mas lalong nakikita ang bisa at halaga ng patunay. Pinatutunayan din na mas mainam kung ang makikinabang ng mga magagandang bagay na 'to ay talagang mga totoong tao.
Pare-pareho lang ang pattern pagdating sa paghahanap ng ka-date, pagbili ng mga tiket, hanggang gaming. Mas madaling gamitin ang mga plataporma 'pag alam mong totoong tao ang kausap mo. Ginagawang posible ng World ID ang mga ito nang walang kinokolektang anumang personal na impormasyon mo. Walang sentral na database. Hindi nito malalaman ang personal mong datos, basta't siguruhing mapatutunayan mong totoo kang tao. Ganun lang kasimple ang kailangang gawin para mas maging katiwa-tiwala ang internet.
Kunin ang libreng World ID mo sa world.org/find-orb.
Sumali sa network ng tunay na mga tao.
I-download ang World AppMga kaugnay na artikulo

Announcements ·
World flagship opens in Munich, Germany

Announcements ·
The new World ID and the partners bringing proof of human to the internet

Announcements ·
Product ·
Ipinakikilala ang Concert Kit: ticket para sa fans, hindi sa mga bot

Announcements ·
Product ·