
Kung pinag-iisipan mong ipaberipika ang World ID mo sa isang Orb – o nagawa mo na ito, at mapabilang sa 12M beripikadong tao sa buong mundo na lumalahok sa World Network – maaaring nagtataka ka kung ano ang mangyayari sa kaugnay na datos nito pagkatapos mong magpaberipika.
Isa itong mahalagang tanong. Sa mundo ngayon, ang pribasiya ng datos ang pinakamahalaga. Iyan ang dahilan kung bakit ang World ay idinisenyo para maging pribado, gamit ang mga makabagong teknolohiya tulad ng anonymized multi-party computation (AMPC), mga zero-knowledge proof at Personal Custody, isang teknolohiyang privacy-enhancing technology (PET) na tinitiyak na ang mga konsumer ay mananatiling may kontrol sa datos nila.
Anong datos ang kailangan ng Orb at ano ang mangyayari rito?
Sa patunay ng beripikasyon ng taong pinagagana ng Orb, iisang uri lamang ng datos ang kinakailangan: mga larawan ng mata at mukha mo - hindi nito kailangan ang pangalan, email, kasarian mo o kahit ano pa.
Ang mga larawan ng iris ay ginagamit para maberipika ang natatanging pagkatao mo, habang ang mga larawan ng mukha mo naman ay ginagamit para sa Face Auth, isang feature na pinaiigting ang seguridad na tinitiyak na tanging ang taong nagpaberipika lamang ng World ID nila sa isang Orb ang makagagamit nito.
Narito ang mangyayari, hakbang-hakbang, pagkatapos mong mag-sign up para sa World App:
- Kukuha ang Orb ng mga high-resolution na larawan ng mga iris at mukha mo.
- Gagamitin ng Orb ang mga larawang ito para makumpirma ang pagkatao mo at lumikha ng natatanging iris code, at hahatiin ito sa maraming piraso.
- Ipadadala ng Orb ang mga larawan at mga bahagi ng iris code sa telepono mo (ang personal custody package mo), bago nito permanenteng burahin ang mga ito.
- Ipadadala ng device mo ang mga bahagi ng iris code sa AMPC service.
- Naberipika na ang World ID mo.
Karamihan sa proseso at code na nauugnay sa pagbeberipika ng natatanging pagkatao, kabilang ang AMPC at kung ano'ng nangyayari sa Orb, ay naka-open source para sa sinumang nais makita at suriin ito rito.
Kapag natapos na ang mga hakbang na ito, magkakaroon ka na ng beripikadong World ID, ang patunay ng pagkatao mo para sa panahon ng AI. Sa pamamagitan ng isang beripikadong World ID, pwede mong kunin ang share mo ng mga WLD token* sa World App wallet mo, i-link ang World ID sa Razer account mo para sa online gaming, gamitin ang lumalawak na library ng Mga Mini App mayroon ng lahat ng bagay, mula sa nilalamang pang-edukasyon hanggang sa mga community organization tool, at marami pang iba.

Mga Iris Code at AMPC
Ang isang iris code ay isang compact na numerikong representasyon ng natatanging tekstura ng iris ng isang indibidwal. Hindi tulad ng mga larawan ng iris na raw at biswal na mga representasyong puno ng datos, ang mga iris code ay mga pinaliit na numerikong template na nagsisilbing digital na katumbas ng iris. Ang mahalaga, ang iris code ay hindi maiuugnay sa anumang personal na impormasyon o mga hakbang na ginawa gamit ang World ID.
Maaaring nagtataka ka kung ano talaga ang nangyayari sa iris code pagkatapos itong mabuo.
Sa halip na itago ito sa iisang lugar, sa pamamagitan ng AMPC protocol, ang iris code mo ay hahatiin sa mga pirasong hindi maiuugnay sa personal mong impormasyon, naka-encrypt, at ipamamahagi at ligtas na itatago sa iba't ibang mga independiyenteng partido, kabilang ang Nethermind, ang University of Erlangen-Nuremberg (FAU), Korea Advanced Institute of Science and Technology (KAIST), at UC Berkeley Center for Responsible Decentralized Intelligence (RDI).
Pwede ko bang burahin ang World ID, mga larawan ng iris at mga AMPC iris code share ko?
Kung magbago ang isip mo pagkatapos beripikahin ang World ID mo, pwede mong burahin ang World ID at personal custody package mo (kabilang ang mga larawang kinunan ng Orb na hawak mo) anumang oras, sa mismong World App. Ang mga iris code share ay hindi maiuugnay sa personal mong impormasyon bago ipadala sa mga AMPC partner at hindi mabubura.
Para mas matuto pa tungkol sa pribasiya ng datos at World, basahin ang Idinisenyo para Maging Pribado na whitepaper, bisitahin ang https://world.org/privacy, o ang World Help Center.
Alamin pa
Sa mahigit 27 milyong user sa 160+ bansa, patuloy na bumubuo ang World ng imprastruktura para sa beripikasyon ng tao sa isang panahong pinangungunahan na ng artificial intelligence. Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba. Maaari ka ring sumali sa pang-araw-araw na usapan sa lahat ng World social media channel, o makakuha ng karagdagang mahahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.