
Ang pangangailangan para sa patunay ng pagkatao sa industriya
Malaki ang ipinagbago ng industriya natin dahil sa AI. Bukod sa napabilis nito ang trabaho natin at in-automate ang mga paulit-ulit na gawain, nakakukuha na rin tayo ng mahahalagang datos sa paraang hindi natin nagagawa noon. Habang mas lalong nagiging sopistikado ang AI, kaya na rin nitong magpanggap bilang tao nang hindi mo mahahalata.
Nagagamit na ang boses na pineke lang ng AI (deepfake voice) para mag-awtorisa ng mga wire transfer. Ang mga phishing email na gawa ng mga language model ay nagmumukha nang galing sa mga katrabaho mo. Noong 2023, sumipa nang 704% ang mga Face-swap attack sa mga identity verification system. Noong nakaraang taon, umabot na sa $2.9 bilyon ang nawala sa mga kumpanya dahil sa mga business email scam na ginamitan ng AI, at isang uri pa lang 'yan panloloko.
Sa bagong realidad na ito, kailangan nang magkaroon ng mga negosyo ng paraan para matiyak na isang tunay na tao ang kausap nila kung kailan nila ito kailangang-kailangan: sa pag-apruba ng kontrata, pag-access ng sensitibong datos at mga desisyong nakasalalay sa pagtitiwala. Sa panahong kaya nang gayahin ng AI ang kahit sino, ang pagbeberipika kung tao ang kausap mo ay hindi na lang basta opsyon. Kailangan na ito para mabuhay ang negosyo.
Tiwala sa gitna ng AI para sa mga negosyo ngayon
Napakasopistikado na ngayon ng seguridad sa mga korporasyon kumpara dati. Nagpapatupad ang mga kumpanya ng mga advanced na authentication system, behavioral analytics, at komprehensibong security framework. Marami ang gumagamit ng zero trust architecture, isang modelo na ipinapalagay na walang device, user, o application ang mapagkakatiwalaan mo nang kusa. Kailangan itong gawin sa gitna ng lumalalang banta sa internet.
Gayunpaman, may kaakibat din itong malaking problema: kapag masyado nating hinigpitan ang seguridad sa mga system, magiging sagabal naman ito sa trabaho natin. Nawawalan ang mga sales rep ng access sa mga CRM system kapag bumabyahe sila. Linggo ang hinihintay ng mga bagong partner para lang makakuha ang access. Madalas nating nararanasan 'yong simpleng pag-share lang ng dokumento o pakikipag-video call, kailangan pa nating dumaan sa napakaraming security check. Dahil dito, mas bumabagal ang trabaho natin.
Malinaw ang kontradiskyon: sa gitna ng pag-angat ng AI, kahit ang zero trust na itinuturing na pinakaepektibong paraan sa makabagong cybersecurity ay hirap ding sagutin ang pinakamahalagang tanong: tunay na tao ba talaga ang gumagawa ng desisyong ito? Ang mga tradisyonal na hakbang panseguridad na ginawa sa panahong wala pang AI, ay kayang magberipika ng mga device at mga kredensyal, pero hindi ang mismong pagiging tao ng gumagamit nito.
Ang pagtatatag ng kumpanyang siguradong tao ang nagpapatakbo
Ang solusyon ay ang cryptographic technology na patunay ng pagkatao, kung saan ibiniberipika nito kung tunay at bukod-tangi ang isang tao, nang hindi nakokompromiso ang seguridad ng kumpanya at naaabala ang mga operasyon nito. Mahalagang tandaan, hindi ibiniberipika ng patunay ng pagkatao ang pagkakakilanlan ng isang tao. Pinaiigting lang nito ang kasalukuyang imprastraktura ng seguridad sa pamamagitan ng paglalagay ng kakayahan nitong matukoy ang mga tao mula sa mga AI.
Sa tulong ng patunay ng pagkatao, magkakaroon tayo ng paraan para maberipika kung tunay na tao ang nasa likod ng isang kritikal na hakbang kung saan mahalaga ang kontrol ng tao. Kabilang dito ang pag-apruba ng malalaking transaksyon, pag-access sa sensitibong datos at pagbuo ng mga bagong partnership. Sa mga pagkakataong ito, kailangan nating makasigurong tunay na tao ang nagdedesisyon.
Para sa mga kumpanyang gumagamit ng zero-trust architecture, ang patunay ng pagkatao ang nagsisilbing pundasyon ng tiwala para maging buo at epektibo ang security model nila. Minsanang beripikasyon lang kung tao ka ang kailangan. Pagkatapos nito, makakasiguro na ang mga organisasyong tao ang lahat ng gumagalaw sa system nila. Malaki na ang ipinagbago ng zero trust. Mula sa paulit-ulit na pag-login, ngayon ay mas high-tech na ang beripikasyon. Dahil dito, bumibilis na ang takbo ng mga operasyon nang hindi nakokompromiso ang seguridad.
Mararamdaman ang mga benepisyo nito sa buong kumpanya:
- Mas maayos na daloy ng trabaho: Isang beses lang kailangang ipaberipika ng mga empleyado at partner ang pagiging tao nila. Pagkatapos noon, tuloy-tuloy na ang trabaho at hindi na kailangan pang mag-login nang paulit ulit. Wala nang masalimuot na authentication o matagal na pagkakaloob ng access.
- Mas masinop na gastos sa marketing: Mga tunay na tao na ang naaabot ng advertising, hindi mga bot farm. Maiiwasan ang pananamantala sa mga voucher sa bawat promo. Siguradong sa tunay na mga tao mapupunta ang budget na inilaan para sa marketing.
- Panatag na paggamit ng automation: Sulitin ang paggamit ng mga AI tool, dahil sigurado kang may taong nagbabantay sa mga mahahalagang bahagi ng proseso. Ipaubaya sa mga makina ang paulit-ulit na mga gawain para manatiling may kontrol ang mga tao sa mga mahahalagang bagay.
Patunay ng pagkatao sa mga korporasyon at ang pakinabang nito sa hinaharap
Mula sa potensyal, naging aktwal na solusyon na ito para sa mga negosyo.
Patunay ang Outtake Verify for Email, isang security tool na gumagamit ng World ID bilang authentication method, kung paano nagiging mabisang proteksyon ang patunay ng pagkatao laban sa pagpapanggap at mga email scam. Ang Outtake Verify ay isang Google Chrome extension na maliit lang ang kinakailangang memory na pumipirma ng mga email gamit ang cryptography sa pamamagitan ng World ID, nang sa gayon ay magkaroon ng kumpiyansa ang mga tatanggap nitong isa kang beripikadong taong awtorisadong gumamit ng account na iyon. Sa halip na umasa lang sa mga email gateway na nagfi-filter ng spam at phishing email, pwede nang hingan ng authentication ng mga kumpanya ang mga empleyado at partner nila kapag kailangang magpadala ng sensitibong email o gumawa ng mga mahahalagang hakbang.
Ipinapakita nitong darating ang panahon kung kailan magiging standard na ang patunay ng pagkatao gaya ng SSL certificate, isang "invisible" trust layer na nagbibigay ng seguridad sa lahat ng ginagamit natin sa trabaho.
Ang susunod na hakbang
Handa ka na bang protektahan ang negosyo mo gamit ang patunay ng pagkatao? Alamin pa ang tungkol dito mula sa World IDKit documentation.
Alamin pa
Para manatiling may alam sa pinakabagong kaganapan sa World, pati na rin sa iba pang kaabang-abang na balita at anunsyo, bisitahin ang World website o mag-subscribe sa blog sa ibaba.
Pwede ka ring sumali sa araw-araw na talakayan sa lahat ng World social media channel, o makakuha ng mas marami pang mahahalagang impormasyon tungkol sa proyekto sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.
Mga kaugnay na artikulo

Understanding World ·
What is World? FAQs About Proof of Human, Privacy and the Real Human Network

Understanding World ·
Policy ·
The economic benefits of proof of human

Understanding World ·
Mga Madalas Itanong tungkol sa World ID

Understanding World ·