Patunay ng pagkatao:
Ano ito at bakit natin 'to kailangan

Pebrero 21, 2024 5 Minutong Pagbabasa
Abstraktong disenyo na may asul at pulang pahalang at patayong mga linya.
  • Sa pag-angat ng AI, mas mahalaga na ngayong matukoy ang pagkakaiba ng content na gawa ng tao mula sa gawa ng AI sa internet
  • Tinutugunan ng patunay ng pagkatao ang ilan sa mga hamon sa panahon ng AI: (1) proteksyon laban sa mga sybil attack at (2) pagpigil sa pagkalat ng maling impormasyong gawa ng AI
  • Ang World ID ay isang digital na "pasaporteng" magagamit mo para pribado mong mapatunayang isa kang bukod-tanging tao online
  • Naglabas ang Worldcoin ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa patunay ng pagkatao at World ID

Mabilis na nagbabago at umaangat ang artificial intelligence. Kasabay nito, mas mahalaga na ngayong magkaroon ng kakayahan ang mga taong matukoy ang pagkakaiba ng content na gawa ng tao mula sa gawa ng AI sa internet.

Dito papasok ang konsepto ng patunay ng pagkatao.

Ano ang patunay ng pagkatao?

Sa madaling salita, ang patunay ng pagkatao (PoP) ay isang mekanismong digital na nagbeberipika kung tunay at bukod-tanging tao ang isang indibidwal. Maituturing itong pinaka-pundasyon sa pagbuo ng digital na pagkakakilanlan.

Isang diagram na naglalarawan ng mga konseptong may kaugnayan sa pagkakakilanlan at teknolohiya sa konteksto ng pagiging tao at AI.

Binuo ng Worldcoin ang World ID, isang open identity protocol na magagamit natin para mapatunayan kung tunay at bukod-tanging tao ang isang indibidwal online habang pinoprotektahan ang pribasiya nila.

Bakit natin kailangan ang patunay ng pagkatao?

Dahil sa advanced AI, mas magiging posible na ang mga bagay na hirap tayong gawin noon. Tulad ng lahat ng bagong teknolohiya, gayunman, nagdadala ito ng mga bagong at masalimuot na konsiderasyon, kabilang ang:

  1. Pagprotekta laban sa mga sybil attack, o mga online na pag-atake gamit ang iba't ibang pekeng account na nilikha ng iisang attacker
  2. Pagpigil sa pagpapakalat ng makatotohanang content na gawa ng AI para manloko o magpakalat ng maling impormasyon nang malawakan

Tinutugunan ng patunay ng pagkatao ang dalawang hamong ito.

Una, dahil kailangan mo munang patunayan sa PoP na isa kang tunay at bukod-tanging tao bago ka makagawa ng account, hindi na makagagawa pa ang mga attacker ng bulto-bultong pekeng account para manloko. Pangalawa, nakatutulong ito para masala ang content: halimbawa, tinatanggap lang nito ang content kung mula ito sa mga account na napatunayang pag-aari ng isang bukod-tanging tao. Nakatutulong ito para matugunan ang mabilis na pagkalat ng maling impormasyong gawa ng AI.

Hindi dapat ituring ang PoP bilang solusyon sa lahat, kundi isang mahalagang unang hakbang sa pagtatatag ng isang network ng tunay at bukod-tanging mga tao sa buong mundo. Kapag marami na ang gumagamit nito, malaki ang maitutulong nito sa ating lahat.

Paano makatutulong ang Worldcoin para magkaroon ng patunay ng pagkatao?

Ang World ID ay isang open at permissionless identity protocol na binuo para magkaroon ng PoP sa buong mundo.

Bumuo ang mga tagapag-ambag sa proyekto ng Worldcoin ng isang advanced hardware device na tinatawag na Orb na nagbeberipika kung tunay at bukod-tangi ang isang user sa pamamagitan ng isang iris code.

Kapag naipaberipika na ng isang indibidwal na tunay silang tao, makakukuha na sila ng isang ganap na beripikadong World ID sa isang compatible na digital wallet. Ang una sa mga ito ay ang World App na binuo ng Tools For Humanity. Gayunpaman, mas marami pa ang ilalabas sa paglago ang proyekto.

Ang World ID ay nagsisilbing digital na "pasaporte" na nakalagay sa mismong telepono ng may-ari nito at magagamit nila para pribadong mapatunayan na sila ay isang tunay at bukod-tanging tao. Sa tulong ng zero-knowledge proofs (ZKP), protektado ang pribasiya mo. Pinipigilan nito ang mga third party na malaman ang World ID public key ng isang tao o masubaybayan sila sa iba't ibang application. Pinoprotektahan din ng ZKPs ang paggamit ng World ID para hindi ito maiugnay sa iris code ng tao o anumang datos na ginamit sa paglikha nito.

Higit pang impormasyon para maunawaan ang patunay ng pagkatao

Narito ang mga artikulong may higit pang detalye tungkol sa PoP, pati na rin ang iba pang bagay na dapat mong malaman tungkol dito:

Para lagi kang may-alam sa mga pinakabagong kaganapan, sumali na sa araw-araw na mga usapan sa Twitter/X, Telegram, Discord, YouTube at LinkedIn o mag-sign up para sa blog newsletter sa ibaba ng pahinang ito.

Ang karagdagang mahahalagang impormasyon tungkol sa proyekto ay makikita sa Worldcoin protocol whitepaper.

Paunawa

Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang hanggang sa petsang nakasaad. Higit pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalang-katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatangi sa Mga Tuntunin sa Paggamit namin at ang Mahahalagang Impormasyon para sa User ay matatagpuan sa pahina ng Mga Panganib namin.

Ang impormasyon sa artikulong ito ay higit na sa 12 buwan at maaaring hindi na napapanahon. Mangyaring bisitahin ang world.org/blog para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa network.