Bots vs. gamers: Paano tinutugunan ng World ang tumitinding pandaigdigang demand para sa patas na paglalaro

Abril 3, 2025 3 Minutong Pagbabasa
Isang tagapagsalita ang naglalahad sa isang event habang nagpapakita sa isang malaking screen ng tanong na, 'Ikaw ba ay 100 porsyento na Tao?', habang nakikinig nang mabuti ang mga manonood.

Hindi na bago ang mga bot sa mga video game. Habang umuunlad ang AI, gayunman, binabago nito kung paano naaapektuhan ng mga bot ang karanasan ng mga manlalaro sa paglalaro—at hindi palaging sa ikabubuti ang resulta.

Sa mga bagong pandaigdigang survey mula sa US, South Korea, at maraming pang bansa ay ipinapakita kung gaano kalaki ang pinsalang dulot ng mga hindi awtorisadong third-party bot sa patas na paglalaro sa panahon ng AI-gaming at kung gaano na kalawak ang demand para sa mga solusyon sa patunay ng pagkatao tulad ng World ID.

Ang problema ng mga bot sa gaming

Ayon sa mahigit 800 na kalahok sa survey sa US, halos laganap na ang mga bot sa mga multiplayer game. Sa katunayan, 70 porsyento ng mga seryosong gamer ang nagsasabing palagi nilang nararanasan ang mga hindi awtorisadong third-party bot habang naglalaro.

Hindi naman ito palaging masama.

Para sa 20 porsyentong mga kalahok, mas napabubuti pa ng mga bot ang karanasan sa multiplayer game. Ngunit sila'y iilan lamang. Karamihan sa mga US gamer ay may isa o higit pa sa mga pangunahing pangambang may kaugnay sa mga bot sa mga multiplayer game:

  • Pinapahirapan ng mga bot ang mga ordinaryong gamer na mag-enjoy sa paglalaro
  • Inilalagay ng mga bot sa alanganing posisyon ang mga totoong manlalaro
  • Maaaring gamitin ang mga bot para makapanlamang sa laro
  • Maaaring gamitin ang mga bot para artipisyal na taasan ang bilang ng mga manlalaro sa mga lobby
  • Kayang manipulahin ng mga bot ang ekonomiya sa loob ng laro
  • Kayang makakuha ng mga bot ng loot o mga rare drop nang hindi patas

Sa kabuuan, higit sa 7 sa bawat 10 US gamer ang sumasang-ayong sinisira ng mga bot ang kompetisyon sa multiplayer (71 porsyento) at nababawasan ang saya sa ilang mga laro (74 porsyento).

Pandaigdigang demand para sa isang solusyon

Hindi lang ito sa US. Pareho ang mga resulta sa mga katulad na survey* mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Sa Germany:

  • 59 porsyento ng mga gamer ay nagsasabing sinisira ng mga bot ang kompetisyon sa multiplayer.
  • 70 porsyento ay gusto ng mga mekanismo para matukoy ang pagkakaiba ng mga tao mula sa mga bot.

Sa Indonesia:

  • 74 porsyento ng mga gamer ay nagsasabing sinisira ng mga bot ang kompetisyon sa multiplayer.
  • 70 porsyento ay gusto ng mga mekanismo para matukoy ang pagkakaiba ng mga tao mula sa mga bot.
  • 25 porsyento ay tuluyang tumigil sa paglalaro ng ilang mga game dahil sa mga bot.

Sa Poland:

  • 69 porsyento ng mga gamer ay nagsasabing sinisira ng mga bot ang kompetisyon sa multiplayer.
  • 70 porsyento ay gusto ng mga mekanismo para matukoy ang pagkakaiba ng mga tao mula sa mga bot.

Sa South Korea:

  • 79 porsyento ng mga gamer ay nagsasabing sinisira ng mga bot ang kompetisyon sa multiplayer.
  • 83 porsyento ay nagsabing mahalaga ang beripikasyon ng tao sa gaming.
  • 91 porsyento ay gusto ng mga mekanismo para matukoy ang pagkakaiba ng mga tao mula sa mga bot.

Sa LATAM, kapareho rin ng kwento ang ipinapakita ng mga numero. Ayon sa higit 48,000 kalahok na sumagot sa survey ng World App mula Argentina, Brazil, Chile, Costa Rica at Mexico:

  • 84 porsyento ng mga kalahok ay nais malaman kung nakikipaglaro sila online laban sa bot.
  • 60 porsyento ang nagsasabing hindi masaya ang paglalaro ng mga online game kapag may mga bot.

World ID: Ang patunay ng pagkataong solusyon para sa mga gamer

Hindi lahat ay puro problema at kabiguan. Ang mga solusyon sa Patunay ng pagkatao tulad ng World ID ay nagbibigay ng ligtas at anonymous na paraan para matulungang malutas ang problema ng mga bot sa online gaming ngayon.

Sa katunayan, ang World at Razer, ang pandaigdigang lider sa mga produkto ng gaming lifestyle, ay kamakailan lamang nag-anunsyo ng kauna-unahang partnership na idinisenyo upang mapahusay ang karanasan ng human gaming sa panahon ng AI.

Isipin ang World ID bilang isang AI-proof CAPTCHA, o isang asul na checkmark na bineberipika ka bilang isang bukod-tanging tao online nang anonymous. Sa World ID na naka-integrate sa paborito mong multiplayer online game, mas madali hindi lang para sa mga manlalaro na malaman kung sino ang kalaro nila kundi pati na rin sa mga developer na gawing patas ang laban para sa tunay na mga gamer.

Sa kasalukuyan, mayroong [11 milyon] na mga Orb-verified World ID holder sa World Network, na nagbibigay sa mga game developer ng access sa pandaigdigang network ng tunay na mga tao, pati na rin mga detalyadong developer doc upang gawing simple ang pag-integrate ng iyong laro sa World ID.

Alamin pa

Para maging una sa balita tungkol sa mga bagong survey ng World, bisitahin ang website ng World .

Maaari ka ring sumali sa araw-araw na usapan sa lahat ng World social media channels, o kumuha ng karagdagang mahahalagang impormasyon tungkol sa proyekto sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.

Paunawa

*US survey: Echelon Insights, 818 katao na nasa hustong gulang sa buong bansa na naglalaro ng mga multiplayer video game gamit ang smartphone, tablet, computer, console, o VR headset. Pebrero 24-27, 2025

Korea survey: Macromill Embrain, 800 Korean gamer mula sa buong bansa na naglalaro ng mga multiplayer video gamegamit ang smartphone, tablet, computer, console, o VR headset. Pebrero, 2025

Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang hanggang sa petsang nakasaad. Higit pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalang-katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatangi sa Mga Tuntunin sa Paggamit namin at ang Mahahalagang Impormasyon para sa User ay matatagpuan sa pahina ng Mga Panganib namin.