
Mula sa mga Zoom meeting hanggang sa mga kontrata sa Docusign, mas malinaw na ngayon sa mga kumpanya sa likod ng mga tool na ginagamit natin araw-araw ang kahalagahan ng patunay ng pagkatao sa mundo ng mga AI agent. Sa tulong ng bagong World ID, natutugunan na ng protocol ang mga kailangan para sa enterprise deployment: scale, multi-key support, key rotation, recovery at session management. Pinupunan din nito ang matagal nang kakulangan sa seguridad ng mga korporasyon: ang masigurong tunay na tao talaga ang gumagamit nito, mula simula hanggang dulo.

Bakit mahalagang mapatunayang tao ang katransaksyon mo
Malaki na ang ginagastos ng mga organisasyon para sa seguridad nila: proteksyon sa endpoint, mga zero trust architecture, email gateway at multi-factor authentication. Epektibo naman ang mga system na ito sa pagbeberipika ng mga credential at pagmomonitor ng mga aktibidad. Pero hindi kayang sagutin ng mga ito ang mas mahalagang tanong: ang kausap mo ba ay talagang tao, gaya ng sinasabi nila?
Ang basehan ng seguridad natin ngayon ay nakadepende lang sa kung ano'ng device natin, 'yong mga bagay na hawak mo gaya ng ID o mga password na alam mo. Sa madaling salita, ang tiwala ay nasa "device," hindi sa tao.
Ang pag-aakalang 'yan ang pinakamahina nating sandata, at lalo pa itong humihina dahil sa mabilis na pag-angat ng AI.
Ang phishing (o pagnanakaw ng personal mong impormasyon gamit ang pekeng link o mensahe), pagnanakaw ng password, social engineering (o pagmamanipula ng tao) at session hijacking (o pangha-hack ng account habang gamit mo ito) ang madalas na ginagamit na mga paraan ng pag-atake sa mga kumpanya ngayon. Iisa lang ang butas na tinitira nila: sinisiguro lang ng system kung tama ba ang device, hindi ang taong gumagamit talaga nito.
Sa tulong ng World ID, masosolusyonan natin ito. Hindi na lang basta device ang titingnan, kundi ang tao na mismo. Ang taong awtorisadong gumawa ng hakbang ang siya mismong magpapatunay kung sila nga talaga iyon. Hindi lang ang device o password nila, kundi kung sila mismo iyon.
Makasisiguro ka rito nang hindi kailangang ilantad ang personal mong datos. Ang malalaman lang ng kumpanyang katranskasyon mo ay kung ano lang ang kailangan nilang malaman: na may tunay at bukod-tanging taong nakikipag-ugnayan sa kanila.
World ID: ginawa para sa negosyo
Sa tulong ng bagong World ID, makasisiguro ang mga korporasyong tao talaga ang kausap nila sa lahat ng pagkakataon.
Dahil sa multi-key support at account-based architecture, hindi na nakatali ang World ID sa iisang device o application lang. Malaking tulong ang mga ito sa mga security at IT team dahil mas madali na nilang magagamit ang system, anuman ang brand o vendor na gamit nila. Kapag nakompromiso ang system ng isang kumpanya, mayroon itong key rotation para mabilis nila itong matugunan nang hindi nawawalan ng access. Mayroon ding mga recovery mechanism para masigurong tuloy-tuloy pa rin ang mga operasyon kapag nagkaroon ng matinding aberya. At dahil sa session management, siguradong iisang tao lang ang kausap mo sa buong transaksyon. Ito ang tunay na pundasyon para masigurong tao talaga ang nasa likod ng bawat hakbang.
"Walang datos, walang problema." Ito ang prinsipyo ng buong system na ito. Hindi naglalabas ng kahit anong personal na impormasyon ang World ID para lang mapatunayang tao ka. Wala ring database ng mga rekord ng user o personal na impormasyon na puwedeng nakawin ng mga hacker, kaya walang dapat ipag-alala ang mga kumpanya tungkol sa datos nila. Higit sa lahat, hindi kailangang i-monitor ang aktibidad ng mga user.
Madali lang itong i-integrate sa pamamagitan ng IDKit, dahil narito na ang lahat ng kailangan na tool ng mga developer. Sa tulong nito, mabilis na nilang mailalagay ang patunay ng pagkatao sa mga production system nila.
Zoom: proteksyon laban sa mga deepfake sa oras mismo ng meeting

Kadalasan, nahuhuli lang ang mga deepfake dahil sinusuring maigi ang bawat video frame para malaman kung peke ba ang ipinapalabas sa video. Dahil mabilis na tumatalino ang mga model na ito, kailangan lang nating maunahan ang mga ito. Gumagaling nga ang pag-detect sa mga ito, pero gumagaling din ang pamemeke. At kapag nakalusot ito kahit isang beses lang, malaki na agad ang perwisyong dala nito.
Ibang-iba ang pamamaraan ng World ID. Sa halip na basta lang subukang tukuyin kung peke ba ang video feed, sa World ID Deep Face, makukumpirma mo kung tunay ngang tao ang kausap mo at hindi deepfake. Sa loob lang ng ilang simpleng hakbang gamit ang face authentication, mapatutunayan na ng kausap mong hindi sila deepfake. Dahil dito, hindi na lang basta pag-detect ang ginagawa kundi pagpapatunay na naroroon talaga sila sa oras ding 'yon.
Ang Zoom ang kauna-unahang communications platform na maglalagay ng Deep Face sa mga online meeting nito. Sinisiguro nitong tunay na tao ang kausap mo kapag nagtugma ang tatlong bagay na ito: ang kinunang larawan nila noong nagpaberipika sila sa Orb, ang selfie nila sa mismong oras ng meeting at ang video na nakikita ng lahat sa screen. Kapag nagtugma ang lahat ng ito, kumpirmadong sila talaga nasa meeting at hindi AI. Ang video lang ang sinusuri nito, hindi ang boses.
Mayroong iba't ibang mode ang integration. Puwedeng gumamit ang mga host ng Deep Face Waiting Room, kung saan kailangan munang kumpirmahin ng mga kasali sa meeting kung tao talaga sila bago sila makapasok. Puwede rin silang humingi ng on-demand Deep Face check mula sa isa pang kasali habang nasa gitna ng meeting. Kapag nakumpirma nang tao sila, may lalabas na Verified Human badge sa tile ng kasali sa meeting na nakatapos ng Deep Face check, kaya mas magiging protektado ang meeting. Isa ang VanEck Funds, isang global investment manager, sa nagbe-beta testing ng Deep Face integration sa Zoom.
Ang setup na ito para sa pribasiya ay ginawa para sa mga korporasyon, kung saan makasisiguro ang Zoom na naroroon talaga ang taong inaasahan nila sa meeting.
Docusign: patunay na tao talaga ang nasa likod ng bawat mahalagang pirmahan

Sa pamamagitan ng Docusign, mas madali na ang pagpirma at pamamahala ng mga kontrata para sa mga pumipirma at mga negosyo. Sinisiguro ng Docusign na pananagutan ng mga pumipirma ang kasunduan nila sa iba’t ibang paraan: mga SMS code, liveness check, biometrics check at iba pa. Dahil mas marami nang trabaho ang nagiging automated at ginagamitan ng AI, kailangan na ng mga kumpanya ng paraan para maberipika kung tao talaga ang nasa likod ng mahahalagang hakbang.
Kaya naman nagsanib-puwersa ang Docusign at World para mapatunayang tao talaga ang nasa likod ng bawat pirmahan. Sa pamamagitan ng World ID, makukumpirma ng mga pumipirma ang ilang bagay tungkol sa sarili nila, bilang patunay na tao talaga sila at hindi bot. Nagsisilbi itong pundasyon para matiyak na tao lang ang nasa likod ng bawat hakbang sa mga kasunduan. Kahit ikaw mismo ang gumawa o ipinaubaya mo lang ito sa AI, siguradong may tao pa rin sa likod nito.
Outtake: patunay na tao ang nasa likod ng bawat email sa trabaho
Sa tulong ng Outtake Verify for Email, hatid ng World ID, masisiguro mong tao ang nasa likod ng bawat email sa trabaho. Sa pamamagitan ng browser extension ng Outtake, nagkakaroon ng cryptographic signature ang mga ipinapadalang mensahe bilang patunay na isang beripikadong tao ang nagpadala nito, mula sa isang partikular na device at isang partikular na account. Makikita ng mga makatatanggap ng email ang isang Verified badge, bilang patunay na tunay na tao ang nagpadala nito, at hindi nabago ang mensaheng ipinadala nito. Sinimulan nang gamitin ng mga empleyado ng Tools For Humanity sa buong mundo ang Outtake Verify. Ginagamit na ito ng mga team nila sa finance, recruiting at executive communications para sa mahahalagang mensahe nila.
Bagong pundasyon para sa mas pinaigting na seguridad sa mga korporasyon
Sa tulong ng bawat World ID integration na ito, mapatutunayan mong tunay na tao ang kausap mo, mula simula hanggang dulo: mapa-video call man ito, mahalagang kasunduan o email. Kung tititngnan ang kabuuan, malinaw na may malaking pagbabagong nangyayari. Ang patunay ng pagkatao ay nagsisilbing pundasyon para sa seguridad ng mga korporasyon. Kasabay nito ang zero trust, endpoint detection at threat intelligence bilang bahagi ng isang mas makabagong sistemang panseguridad.
Ang pinagkaiba ng World ID ay ang sistema nito sa pribasiya. Sa tulong ng mga zero-knowledge proof, makasisiguro ang mga kumpanyang tunay kang tao nang hindi na kailangan pang manghingi, ingatan o panagutan pa ang anumang personal mong datos. Garantisado ang kumpirmasyong ito at walang malalantad na kahit anong datos.
Sa tulong ng World ID at sa dumaraming nakikiisang kumpanya, puwede nang gamitin ang patunay ng pagkatao para sa aktwal na operasyon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-integrate ng World ID, bisitahin ang world.org/world-id.
Sumali sa network ng tunay na mga tao.
I-download ang World AppMga kaugnay na artikulo

Announcements ·
Product ·
Ipinakikilala ang Concert Kit: ticket para sa fans, hindi sa mga bot

Announcements ·
Product ·
World ID para sa mga AI agent: Browserbase, Exa, Okta at Vercel
Announcements ·
World ID: dagdag-tiwala sa online dating, gaming at event ticketing

Announcements ·
Product ·