Ang dati'y patunay lang na tao ka, mapakikinabangan na sa tunay na buhay
Higit anim na taon na ang nakalilipas nang itatag ang World sa paniniwalang babaguhin ng AGI ang mundo, at na kailangan na nating magkaroon ng imprastruktura para masigurong ang malaking pagbabagong dala ng AI ay makabubuti para sa sangkatauhan.
Sa bilis ng pag-angat ng AI, isa na ngayong malaking hamon kung ano o sino ba talaga ang mapagkakatiwalaan natin sa internet, at puwede itong magdulot ng kaguluhan sa lipunan natin. Kaya naman kailangan na nating magkaroon ng teknolohiya para malaman kung tao ba talaga ang kausap natin online. Binuo ang World para mas bigyang-kakayahan ang mga tao sa gitna ng advanced AI. Kabilang dito ang pribadong patunay ng pagkatao, pati na rin ang pampinasyang tool (World App), ang system para rito (World ID) at ang mismong app nito (World ID App). Sa ngayon, nakapagbigay na ang world ng higit 18 milyong human credential at nagamit na ang World ID nang higit 450 milyong beses sa buong mundo.
The Simple Plan
Mula nang itinatag ang World, ginagabayan na ito ng isang plano na kung tawagin ay "The Simple Plan." Kahit na malaki na ang ipinagbago ng internet dahil sa AI, hindi pa rin nagbabago ang limang phase nito:
- 1.
- 2.
- 3.
- 4.
- 5.
Phase 1: Magkaroon ng pribadong patunay na tao ka
Sa nakalipas na mga taon, binuo at inilunsad ng World ang World ID. Isa itong pribadong patunay na tao ka talaga na binuo para protektahan ang pribasiya mo at siguruhing hindi makukuha ang personal mong datos. Nasa fourth generation na ang protocol at magagamit na sa anumang enterprise system, consumer platform at gawaing ginagamitan ng AI.

Kasabay ng protocol upgrade na ito ay ang World ID App, kung saan puwedeng pamahalaan ng mga tao ang patunay ng pagkatao nila sa iba’t ibang app, serbisyo at bagay na nakatuon sa AI sa iisang lugar lang. Sa bagong app na ito, mapatutunayan mong tunay kang tao kahit saan sa internet, at ito rin ang nasa likod ng dumaraming feature na ginawa talaga para sa mga tao.

Phase 2: Simulan at ilunsad ang network sa pamamagitan ng pamamahagi ng token
Para mapasimulan at mapalago ang network ng tunay na mga tao, inilunsad ng World ang WLD para hikayatin ang lahat na makibahagi sa ecosystem sa loob ng mahabang panahon. Mula nang ilunsad ito, humigit-kumulang 16 milyong tao na nagpaberipika ng World ID nila ang nakakuha na ng WLD. Kapag pinagsama-sama, mahigit 900 milyong WLD (sa mga user grant at referral reward) na ang natanggap ng mga kwalipikadong miyembro sa pagsali nila sa World network.

Phase 3: Magkaroon ng sapat na bilang ng user at aktwal na pakibanang
Nasa Phase 3 na ng The Simple Plan ang World.
- 1.
Magkaroon ng pribadong patunay na tao ka
- 2.
Simulan at ilunsad ang network sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga token
- 3.
Magkaroon ng sapat na bilang ng user at aktwal na pakibanang
- 4.
Mas palawakin pa sa pamamagitan ng mga bagong feature at desentralisasyon
- 5.
Abutin ang buong mundo at tumulong na masigurong makikinabang ang lahat ng tao mula sa AGI
May dalawang dahilan kung bakit nasa Phase 3 na ang World. Una, ang mabilis na pag-usbong ng mga sopistikadong AI systems at agent. Ikalawa, ang paglulunsad ng World ID 4.0, isang imprastrakturang ginawa para sa mga korporasyon na kayang suportahan ang malawakang deployment at integration. Sa Phase 3, hindi na lang iaasa sa mga token na insentibo ang pagpapalago ng network, kundi sa aktwal na pakinabang nito. Dahil dito, magbabago na ang paraan ng pagbuo at pagpapalawak ng network, maging ang klase ng mga team na kinakailangan para maisakatuparan ito.
Pagbibigay ng aktwal na pakinabang para sa network ng tunay na mga tao
Dahil sa bilis ng pag-angat ng mga AI system, kailangang-kailangan na sa internet ngayon ang pagkakaroon ng pribadong patunay na tao tayo.
Nakatuon ngayon ang World sa pagpapakita ng pakinabang ng patunay ng pagkatao sa tatlong pangunahing larangan: sa mga kumpanya, sa mga tao, at sa mga AI agent. Sa bawat larangang ito, nakikipagtulungan na ang World sa mga nangunguna sa industriya.
Mga organisasyong itinampok sa Lift Off
Para mas mabilis na maparami ang mga user nito, naghahanap na ang World ng mga bagong tauhan para sa darating na mga oportunidad at pangangailangan. Kabilang dito ang pabuo ng isang partnerships and integrations team na nakatuon sa tatlong mahahalagang larangan kung saan mahalaga ang patunay ng pagkatao: mga kumpanya, tao at AI agent. Magkakaroon din ng isang commercial team para ilapit ang mga produktong gaya ng Deep Face sa mga organisasyong nangangailangan nito.
World ID para sa mga kumpanya
Malaki na ang ginagastos ng mga organisasyon sa cybersecurity at access infrastructure. Kaya namang beripikahin ng mga system ngayon ang mga credential, pahintulot at pattern ng pagkilos, pero madalas ay hindi nito masagot ang mas mahalagang tanong: ang tao ba sa kabilang linya ay siya ngang inaasahan mo? O baka naman nagpapanggap lang pala sila? Dito papasok ang World para masolusyunan iyan. Sa pamamagitan ng paglalagay ng teknolohiya ng patunay ng pagkatao gaya ng produkto ng World na Deep Face sa mga enterprise system, mas masisiguro nilang ligtas at mapagkakatiwalaan ang mga sensitibong transaksyon online.
Dahil sa pakikipagtulungan ng World sa Zoom, Docusign, at Outtake, mas magiging ligtas na ang mga live call at chat, pagpirma ng mga dokumento at iba pang transaksyon sa internet. Sa tulong ng teknolohiya ng patunay ng pagkatao nito, masisiguro mong tao talaga ang katransaksyon mo lalo na sa mga pagkakataong mahalaga ito.

Kaya naman kailangang-kailangan na nating magkaroon ng mga feature na ito dahil talamak na ang mga scam, panggagaya ng mukha o boses gamit ang AI at panloloko gamit ang pinaghalong tunay at pekeng personal na datos. Noong 2025, mahigit kalahati ng mga organisasyon ang nag-ulat na nalugi sila dahil sa mga pekeng mukha o boses na ginamitan ng AI. Sa katunayan, nasa $280,000 na ang ikinalugi nila sa bawat insidente, at halos isa sa lima ang nawalan ng $500,000 o higit pa. Ayon sa pagtataya ng Deloitte, aakyat pa sa $40 bilyon pagsapit ng 2027 ang mawawala sa mga kumpanya mula sa $12.3 bilyon noong 2023 dahil sa generative AI, at sa Estados Unidos pa lang iyan.
World ID para sa mga tao
Nawawalan na ng tiwala ang mga tao sa iba't ibang serbisyo sa internet na ginagamit natin araw-araw. Kaya naman nakatuon na ang World sa paglalagay ng patunay ng pagkatao nito sa mga platform at serbisyo kung saan mahalaga ang katapatan at patas na laban, gaya ng dating, gaming at event ticketing.
Sa pakikipagtulungan ng World sa Tinder, magkakaroon na ang mga user ng pribadong paraan para makumpirma kung tao talaga ang nasa likod ng isang profile. Magagamit na ang integration na ito, at isa ito sa kauna-unahang malawakang mga paggamit ng teknolohiya ng patunay ng pagkatao para sa mga karaniwang app.
Inilunsad din kamakailan lang ng World ang Concert Kit, isang bagong tool na gumagamit ng World ID, para matulungan ang mga artistang maireserba ang mga ticket nila para lang sa mga beripikadong tao. Tinutugunan ng Concert Kit ang isa sa pinaka-nakakainis na problema sa live entertainment: ang pag-ubos ng mga bot ng mga ticket bago pa man magkaroon ng patas na pagkakataon ang fans. May ilang artista na rin ang pumayag na subukan ang Concert Kit. Ang Thirty Seconds to Mars ay magrereserba ng bahagi ng mga ticket nila para lang sa mga beripikadong tao sa paparating nilang tour sa 2027.

Samantala, nagpahayag na rin ng interes ang mga sikat na platform tulad ng Reddit na subukan ang World ID at iba pang paraan para mapatunayang tao talaga ang nasa likod ng isang account nang hindi isinasantabi ang pribasiya, lalo na sa mga account na pinaghihinalaang gawa ng bot.
World ID para sa mga AI agent
Mabilis nang nagbabago ang takbo ng internet ngayon. Kung dati ay tao ang gumagawa ng mga bagay sa internet, ngayon ay napapalitan na tayo ng mga AI agent. Ayon sa isang pagsusuri ng mahigit isang kwadrilyong interkasyon sa internet, lumobo na sa 7,851% ang internet traffic mula sa mga AI agent at agentic browser noong 2025 kumpara noong 2024. Dahil dito, mahirap nang malaman kung alin ang gawa ng tunay na tao sa gawa ng mapanirang bot. Kaya na kasi ng mga bot na gumalaw para sa'tin sa parehong mga app at website na ginagamit natin. Kaya na ng mga itong mag-browse ng mga website, mag-asikaso ng mga gawain sa internet, mamili at makipag-ugnayan sa iba't ibang online system para sa'tin.
Hindi handa ang lumang sistema ng internet para sa ganitong pagbabago. Kaya naman inilunsad ng World ang AgentKit para magkaroon ng patunay ng pagkatao sa mundo ng AI sa pamamagitan ng tatlong pangunahing feature nito: ang pagbibigay-permiso sa AI (agent delegation), beripikasyon na may tao sa proseso (human-in-the-loop verification) at agentic commerce. Sa tulong ng mga ito, makagagawa na ang mga developer ng mga system kung saan puwedeng kumilos ang mga AI agent sa ngalan ng mga beripikadong tao, humingi muna ng permiso mula sa tao para sa mga sensitibong hakbang at maging batayan para sa mas ligtas at mapagkakatiwalaang internet.
Nakikipagtulungan na ang World at ang team ng Tools for Humanity sa mga organisasyon kabilang na ang Okta, Vercel, Shopify, Coinbase, Exa at Browserbase para pag-aralan kung paano makatutulong ang patunay ng pagkatao sa susunod na henerasyon ng mga system na pinatatakbo ng AI.
Nakatutok na sa paglagong ramdam ang pakinabang
Dahil sa dumarami na ang nakatutuklas ng pakinabang ng network, binabago na ng World ang paraan nito ng pagpapalago para bigyang-prayoridad ang pagbibigay ng pakinabang sa pang-araw-araw na buhay at pakikibahagi sa ecosystem. Noong nagsisimula pa lang ang network, malaki ang naitulong ng pamamahagi ng token para makahikayat ito ng mga user. Mula ngayon, nakasalalay na ang pagpapalago ng World sa pagbibigay ng pakinabang mula sa mga produkto, serbisyo at bagay na ginagamitan ng World ID.
Halimbawa, makatatanggap na ng mga reward ang mga kwalipikadong user na may beripikadong World ID gaya ng mga Tinder Boost o access sa mga eksklusibong bagay hatid ng mga partner namin at mga integration sa buong ecosystem.

Pagpapaganda sa takbo ng operasyon para mas dumami ang makinabang at gumamit nito
Ngayong nasa Phase 3 na ng The Simple Plan ang World, magbabago na rin ang pokus ng network tungo sa mga lugar kung saan mas ramdam ang pakinabang nito. Ibig sabihin, mas pagtutuunan na nito ng pansin ang piling bansa kung saan mas tinatangkilik ang patunay ng pagkatao. Sa susunod na mga deployment, uunahin na namin ang mga lugar kung saan mas marami ang mga user at integration sa malalaking kumpanya kaysa sa lawak ng sakop nitong lugar.
Sa Estados Unidos, halimbawa, nakatutok na kami ngayon sa San Francisco at New York. Sa San Francisco nanggaling ang mga naunang tumangkilik ng teknolohiya na siyang huhubog sa kinabukasan ng internet. Naroroon naman sa New York ang mga institusyong pinansyal at mga kilalang brand kung saan mapakikinabangan kaagad ang mga produkto nito tulad ng Deep Face at Concert Kit. Sa labas naman ng Estados Unidos, nakapokus ito sa United Kingdom, Germany, Japan at South Korea. Ang plano ay magkaroon muna ng mga user sa iilang lungsod, patunayan ang pakinabang nito at unti-unting magpalawak.
Kasabay ng pagpokus sa target na mga lugar, magbabago rin ang hardware at paraan ng pagde-deploy nito. Ang susunod na henerasyon ng mga Orb ay magiging self-serve na at magkakaroon ng iba't ibang bagong anyo, kung saan ang ilan ay ilalagay mismo sa loob ng ka-partner naming mga negosyo. Layunin ng World na maging self-serve na ang 95% ng lahat ng Orb pagdating ng 2026. Mas pinabibilis at pinadadali ng self-serve mode na ito ang pagpapalawak ng proyekto. Patuloy ding gagawa ang World ng bagong anyo ng Orb na mas madaling bitbitin, mas mura at mas madaling paramihin.

Bilang bahagi ng pagbabagong ito, at para masigurong magagamit nang tama ang resources nito, babawasan na ng World at ng katuwang nitong mga organisasyon ang pisikal nitong mga operasyon sa mga bansang hindi nito target. Maaapektuhan ng mga pagbabagong ito ang mga miyembrong nagpapatakbo ng operasyon nito sa iba't ibang bansa, maging ang mga team na sumusuporta sa kanila. Malaki ang naitulong nila sa pagtatatag ng World network at sila ang naging tulay para maabot ng patunay ng pagkatao ang milyon-milyong katao sa buong mundo. Lubos kaming nagpapasalamat sa naitulong nila.
World ID fees at kita ng protocol
Sa World ID 4.0, mapagkakakitaan na ng mga nag-iisyu ng credential ang paggamit ng teknolohiya ng patunay ng pagkatao sa pamamagitan ng World ID fees. Sa madaling salita, ang mga app na gumagamit ng World ID ang sisingilin ng bayad, kaya't libre pa rin itong magagamit ng mga ordinaryong user.
Ang pinakamabilis na paraan para kumita mula rito ay ang paggamit nito para sa security system ng mga kumpanya. Binigyang-diin sa mga anunsyo sa Lift Off kasama ang Zoom, Okta at Docusign na malaki ang demand para masigurong tao ka talaga para sa mga kumpanya. Ngayong laganap na ang deepfake technology at nagiging sanhi ng malaking pagkalugi ng mga apektadong kumpanya, kailangan na ng mga kumpanyang magkaroon ng mga teknolohiya gaya ng World ID at Deep Face para mas mapaigting pa ang seguridad nila. Nangunguna rito ang Zoom dahil nakipagtulungan na ito sa World project para maglagay ng Deep Face technology ng World ID sa mismong meetings products nito. Sa susunod na 6 na buwan, inaasahang magagamit na ng Zoom ang Deep Face sa ISV platform nito. Malaking oportunidad na agad ito para magsimulang kumita mula sa World ID fees.
Bukod sa paggamit nito sa seguridad ng mga kumpanya, puwede ring gamitin ang World ID sa iba pang industriya na nangangailangan ng solusyon sa mga bot, pekeng account at malawakang panloloko. Kabilang dito ang social media, dating, ticketing, gaming, mga advertising at creator economy, mga AI agent at generative AI, e-commerce, banking at pagbabayad, blockchain, mga serbisyo ng gobyerno, freelancing at turismo. Trilyong dolyar ang kinikita ng mga industriyang ito, kaya naman napakalaki ng potensyal na kita mula sa World ID fees sa katagalan.
Phase 4: Mas palawakin pa ang network sa pamamagitan ng mga bagong feature at desentralisasyon
Habang patuloy na dumarami ang pakinabang at tumatangkilik nito, unti-unti na ring ipapasa ang pamamahala, imprastruktura at takbo ng ecosystem sa buong komunidad para sila na mismo ang mamuno at magmay-ari nito.
Prayoridad pa rin network ang desentralisasyon dahil mapagkakatiwalaan lang ng mga tao, kumpanya at pamahalaan ang patunay ng pagkatao kung hindi ito kontrolado ng iisang entidad lang. Kaya naman unti-unti nang ginagawang open source ng World ang protocol para mas malaya itong magamit ng mga developer at nag-iisyu ng mga credential.
Phase 5: Abutin ang buong mundo at tumulong na masigurong makikinabang ang sangkatauhan mula sa AGI
Ganoon pa rin ang huling bahagi ng The Simple Plan: ang masigurong makikinabang ang bawat tao sa kakayahan ng mga makapangyarihang AI system. Dahil malaki na ang ipinagbago ng buong ekonomiya natin mula sa AI, mas lalong magiging mahalaga ang patunay ng pagkatao bilang imprastruktura para mapanatili ang tiwala, bigyang-daan ang lahat na makasali at matukoy kung sino talaga ang mga tao sa gitna ng paglaganap ng AI.
Inihahanda ng bawat phase ng The Simple Plan ang kasunod nito.

Ang network ng tunay na mga tao
Mas may saysay ang mga bagay online kapag sigurado kang tunay na tao ang kausap mo. Ang network ng tunay na mga tao ay binubuo na ng mahigit 18 milyong beripikadong tao at ang World ID naman ay nagamit na nang 450 milyong beses. Sa pagdami ng mga gumagamit ng World ID, ng mga integration nito sa mga kumpanya at pang-araw-araw na app, lumalawak na suporta para mga agentic system, isa na ngayong mahalagang imprastruktura ang patunay ng pagkatao para sa susunod na henerasyon ng internet.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa World ID, bisitahin ang pahina ng World ID, developer docs at World whitepaper.
Sumali sa network ng tunay na mga tao.
I-download ang World AppMga kaugnay na artikulo

Announcements ·
Product ·
Foundational topics ·
The Revenue Potential from World ID

Foundational topics ·
Tokenomics Milestone: WLD unlock rate to decrease by 43% in July

Foundational topics ·
The Circulating Supply of Worldcoin (WLD): An Explainer

Foundational topics ·