
Binubuo ng World ang pinakamalaking network ng mga tao para mas magkaroon ng pagtitiwala online at mapadali ang akses sa pandaigdigang ekonomiya sa panahon ng AI.
Natural lang sa mga ambisyosong misyon tulad nitong magkaroon ng mga katanungan, at sa pamamagitan ng artikulong ito, makatutulong itong masagot ang mga iyon sa pag-asang makahikayat ng mas may-alam at mas makabuluhang talakayan tungkol sa network.
Pindutin ang link para sa pangkalahatang pag-unawa sa kung ano ang World at paano ito gumagana.
1) Ikaw ang may hawak at nagmamay-ari ng datos mo, wala nang iba pa.
Ganun lang kasimple. Ang personal na datos mo ay nakatago nang ligtas sa telepono mo, at tanging sa telepono mo lang.
Nagpatupad ang World ng isang feature na tinatawag na Personal Custody para matiyak na ang lahat ng impormasyon at larawang ginagamit ng Orb para maberipika ang World ID mo ay naka-package, ipadadala sa device mo at tuluyan nang buburahin mula sa Orb.
Ikaw ang may kontrol sa datos mo, gaya ng nararapat.
2) Ang World ID ay ganap na pribado at hindi maiuugnay sa personal mong datos
Sa pamamagitan ng World ID, hindi ka makikilala. Hindi matutunton pabalik sa'yo ang datos ng World ID mo o masusubaybayan sa iba’t ibang app, kahit pa ng World.
Hindi matutukoy ang pagkakakilanlan mo dahil sa pagpapatupad ng mga makabagong pagpapabuti sa cryptography, kabilang na ang:
Magbasa pa sa Whitepaper ng Pribasiya.
3) Libre lang ang World ID. Hinding-hindi bibilhin o ibebenta ang datos mo
Ang beripikasyon ng World ID ay para sa lahat ng taong nasa hustong gulang.
- Hindi mo kailanman kailangang magbayad para magpaberipika.
- Hindi ka makatatanggap ng pera kapalit ng pagpapaberipika.
- Hindi kailanman ibebenta ang datos ng beripikasyon mo (hindi pwede, dahil pag-aari mo ito).
Kapag naipaberipika mo na ang World ID mo, pwede ka nanng makilahok sa World Network sa iba’t ibang paraan. Kasama rito ang lumalawak na ecosystem ng mga Mini App na gumagamit ng World ID. Isa sa mga Mini App na ito ay tinatawag na Worldcoin na nagbibigay sa mga may beripikadong World ID ng opsyon na makakuha ng libreng alokasyon ng Worldcoin (WLD)*.
Ang pinakapunto ay ito: hindi interesado ang World na malaman kung sino ka, gusto lang nitong maberipika kung tao ka at bukod-tangi.
4) Ang World ay open source at inaawdit
Ang World ay idinisenyo para maging bukas at tapat. Ang nonprofit na World Foundation ang nagmamay-ari ng lahat ng intellectual property (IP) ng network at nagsusumikap na mai-open source ang lahat ng mahahalagang bahagi nito.
Kabilang sa mahahalagang mga hakbang sa pag-oopen source ng World Network ang:
- Paglalabas ng lahat ng may kinalaman sa hardware na engineering file ng Orb
- Pag-oopen source ng iris recognition pipeline ng network
- Pag-oopen source ng mga pangunahing bahagi ng software ng Orb
- Mga update sa open source code ng Orb
- Ang bagong open source tech tree tracker
Ang World ay regular na sumasailalim sa masusing mga awdit sa seguridad mula sa pinagkakatiwalaang mga third party at makikita ng publiko ang mga resulta ng mga awdit na ito. Kabilang dito ang:
5) Binibigyang-prayoridad ng World ang edukasyon at pahintulot
Mahalaga ang edukasyon para maunawaan ang World at ang misyon nito. Kaya gumawa ang World ng maraming resource para makatulong na matuto ang lahat tungkol dito, kabilang:
Bago mo ipaberipika ang World ID mo sa isang Orb, kailangan ng lahat na:
- Alamin ang tungkol sa Orb at kung ano'ng ginagawa nito
- Basahin at sang-ayunan ang lahat ng tuntunin at kundisyon ng World ID
6) Ang World ay para sa bawat taong nasa hustong gulang
Ang World Network ay bukas at magagamit ng lahat ng taong higit sa 18 (o minsan ay 20) taong gulang.
Para matiyak ito, nagpatupad kami ng isang komprehensibo, nakatuon sa teknolohiya at multilayered na proseso ng beripikasyon ng edad para hadlangan at pigilan ang paggamit ng mga menor de edad:
- Pagkumpirma ng edad sa pamamagitan ng app. Kapag lumilikha ng account sa World App, kailangan kumpirmahin ng mga indibidwal na higit na sila sa pinahihintulang edad sa pamamagitan ng paglalagay ng petsa ng kapanganakan nila. Kung ang kaarawang inilagay nila ay nagpapahiwatig na ang edad ay mas mababa sa pinahihintulang edad, hindi sila makakapag-sign up.
- Kumpirmasyon sa pamamagitan ng Orb. Gumagamit ang Orb ng advanced machine learning technology para matukoy ang edad ng isang indibidwal habang isinasagawa ang beripikasyon ng pagkatao nila. Kapag natukoy ng system na menor de edad ang indibidwal na iyon, ititigil nito ang beripikasyon.
Ang multilayered approach na ito ay nagbibigay ng maigting na proteksyon laban sa paggamit ng mga menor de edad, para mapanatili ang integridad at seguridad ng World network. Bukod pa rito, regular ding kaming nagkakaroon ng mga “mystery shopper” sa mga World space para matiyak ang pagsunod sa mga patakaran.
7) Ang World ID ay naging posible dahil sa iris entropy
Ang pinakamataas at pinakaprotektadong level ng beripikasyon ng World ID ay nakadepende sa natatangi mong iris pattern (wala itong kinalaman sa retina mo).
Para ganap na maberipika ang isang World ID, bubuo muna ang Orb ng isang Iris Code para matiyak kung isa kang bukod-tanging tao, at pagkatapos ay i-eencrypt at hahatiin ito bago nito ipadala ang mga larawan sa telepono mo at tuluyan nang burahin ang mga ito mula mismo sa Orb.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa beripikasyon ng World ID, pindutin ito.
Alamin pa
May marami pang impormasyon tungkol sa World Network ang makikita at palaging ina-update sa World website. Pwede ka ring sumali sa araw-araw na mga usapan sa Twitter/X, WhatsApp, Telegram, Discord, YouTube at LinkedIn, o mag-sign up para sa blog newsletter sa ibaba ng pahinang ito.
Ang karagdagang mahahalagang impormasyon tungkol sa network ay makikita sa World protocol whitepaper.
Paunawa
*Ang kwalipikasyon para sa mga token ng Worldcoin (WLD) ay nililimitahan batay sa heograpiya, edad at iba pang salik. Ang WLD ay hindi magagamit o inilaan para sa mga taong residente ng, o kumpanya o organisasyong matatagpuan o nakarehistro sa Estados Unidos o ilan pang pinaghihigpitang teritoryo (o may beneficial ownership sa Estados Unidos o sa naturang iba pang pinaghihigpitang teritoryo). Gayunpaman, nananatiling magagamit ang World ID at World App ng TFH sa Estados Unidos. Para sa mga detalye, tingnan ang Mga Tuntunin at Kundisyon Mga Tuntunin at Kundisyon para sa User ng World Foundation. Ang mga produktong crypto ay maaari mong ikalugi. Ang Mahahalagang Impormasyon para sa User ay makikita rin sa www.world.org/risks. Ang impormasyong ito at anumang kaugnay na pagbubunyag ay maaaring amyendahan o baguhin anumang oras nang walang karagdagang abiso.
Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Bukod pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatanggi sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit at ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.