Beripikasyon gamit ang Selfie

Patunayang tunay na tao ang user habang nananatiling pribado at hindi nagpapakilala.

Mas magandang paraan para mapatunayang tao ka

Sa pamamagitan ng mabilis na pag-selfie gamit ang World App*, puwede nang patunayan ng mga user na sila'y tunay na tao at magbigay ng sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao nang hindi na kailangan pang ilantad ang pagkakakilanlan o biometrics nila.

*Ang Beripikasyon gamit ang Selfie ay kasalukuyang nasa Beta at para lang sa mga piling partner app.

Ano'ng ginagawa ng Beripikasyon gamit ang Selfie

Mabilis, pribadong patunay ng pagkatao, at sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao.

Kumpirmahing tunay ang user

Nade-detect na tunay na tao ang sumasailalim sa beripikasyon, hindi larawan, taong naka-maskara, larawan sa screen, o video.

Magbigay ng katibayan ng pagkabukod-tanging tao

Tumutulong sa mga partner app na matukoy kung nakita na ba ang parehong tao, gamit ang pangangalaga sa pribasiya na may sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao.

Panatilihing hindi ka kilala

Tanging anonymous na patunay at sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao lang ang natatanggap ng mga app, hindi ang pagkakakilanlan, mukha, o personal na impormasyon nila.

Mula pag-selfie hanggang sa patunay sa loob lang ng 20 segundo

  • Magsimula

    Hinihiling ng partner app sa user na tapusin ang Beripikasyon gamit ang Selfie

  • Pahintulutan

  • Pagkuha

  • Beripikahin

  • Pagbalik

Pinalalakas ng Beripikasyon gamit ang Selfie ang tiwala at kumpiyansa habang pinananatiling madali ang proseso.

Ma-access ang mga komunidad para sa tao

Sumali sa mga space na nakalaan para sa tunay na tao.

Pagbawas sa mga bot

Tumutulong na mapigilan ang mga automated account na makapasok sa mga platform.

Maiwasan ang mga dobleng account

Hikayatin na huwag paulit-ulit ang pag-sign-up at paggawa ng bagong account para makaiwas sa pagbabawal.

Magdagdag ng tiwala

Kumpletuhin ang mabilisang human check kung sakaling kailanganin ng karagdagang kasiguruhan.

Mga patotoo


Sinasamantala ng mga pekeng account ang referral program ng VoxPop para makaipon ng mga reward. Sa tulong ng Beripikasyon gamit ang Selfie, mabilis at madali naming nalaman kung totoong tao ang user, kaya naresolba namin ang problemang 'to nang hindi naaabala ang mga tunay na user. Nakatulong din 'to para matupad ang pangako naming “mga beripikadong tao lang” ang makasasali.

Tyler Mulvihill

Co-CEO, VoxPop

Para kay Olena, ang Beripikasyon gamit ang Selfie ay nagbibigay sa'min ng global na paraan para mabawasan ang mga bot at Sybil attacks habang pinananatiling simple ang karanasan sa pag-sign-up. Madaling gamitin at maunawaan ang selfie-based na daloy ng beripikasyon. Kumpara sa iba pang mga liveness check na nakita namin, mas madali 'tong kumpletuhin ng mga user habang naibibigay pa rin nito ang antas ng katibayang kailangan namin.

Suraj Kohli

CTO, Olena Protokol

Ang Beripikasyon gamit ang Selfie ay nagbibigay sa'min ng magaan na paraan para beripikahin ang isang bukod-tanging tao bago magbigay ng trial claim. Sa Agent Trials, bago makapag-claim ng Valiron Pro trial, kailangan munang tapusin ang beripikasyon ng World ID. Ibinibigay namin ang beripikasyong 'yon sa partikular na trial claim, na tumutulong naman para mabawasan ang paulit-ulit na pag-claim gamit ang mga pansamantalang account o sa pamamagitan ng mga automated na pang-aabuso.

Drew Mailen

Co-Founder, AgentTrials ng Valiron

Bagay na bagay ang pagsasama ng Beripikasyon gamit ang Selfie sa Lolo. Dahil ang layunin ng Lolo ay tulungang ikonekta ang mga tao sa totoong buhay, mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang bawat user ng Lolo na patunayang totoong tao sila. Malaking tulong 'to para maging mas ligtas at mas mapagkakatiwalaan ang platform.

Ibu Karel

Founder ng Lolo

Beripikasyon gamit ang Selfie vs. Beripikasyon gamit ang Orb

Ang Beripikasyon gamit ang Selfie ay isang madaling panimulang hakbang bago gamitin ang iba pa naming mga produktong may matibay na katibayan, gaya ng Deep Face at Face Auth.

Piliin ang tamang antas ng katibayan para sa pangangailangan ng negosyo mo.

Orb
Beripikasyon gamit ang Orb

Oras

Sa personal (isang beses)

Katiyakan

Pinakamataas

Kinakailangan ng Pagkakakilanlan

Hindi

Pangangalaga sa Pribasiya

Oo

Katibayan ng Pagkabukod-tanging Tao

Matibay na Katibayan

Pinakamabuti Para sa

Mga pang-araw-araw na app at sitwasyong nangangailangan ng matibay na katibayan

beripikasyon gamit ang selfie
Beripikasyon gamit ang selfie

Oras

~20 segundo

Katiyakan

Katamtaman

Kinakailangan ng Pagkakakilanlan

Hindi

Pangangalaga sa Pribasiya

Oo

Katibayan ng Pagkabukod-tanging Tao

Sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao

Pinakamabuti Para sa

Mga pang-araw-araw na app

Magsimula na ngayon

Makipag-ugnayan para maiskedyul ang demo.

Tungkol sa kumpanya mo
Bilang ng mga empleyado *
Sumasang-ayon ako sa pagkolekta at paggamit ng Tools for Humanity ng personal kong datos para sa mga layuning nabanggit sa itaas.

*mga kailangang sagutan

Sa pagsusumite ng form na ito, pinahihintulutan ko ang Tools for Humanity Corp. (TFH) na kolektahin at iproseso ang personal kong datos sa loob ng 2 taon, para makipag-ugnayan sa akin tungkol sa kahilingang ito at makipag-ugnayang muli tungkol sa interes kong makipag-partner sa kanila. Nauunawaan kong may karapatan akong bawiin ang pahintulot ko at kinikilala ko ang Paunawa sa Pribasiya ng TFH.

Idinisenyo para maging Pribado

Ang Beripikasyon gamit ang Selfie ay idinisenyo para hindi kailanman lumabas ang personal na datos ng user sa kanilang device.

Ang matatanggap lang ng mga partner ay patunay

Nananatili lang ang larawan sa device at sa World App, at hindi ibinabahagi sa mga partner app o kahit kanino pa. Tanging anonymous na patunay at sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao lang ang natatanggap ng mga app.

Anonymous na pagkabukod-tangi

Ang liveness check ay isinasagawa mismo sa device ng user. Ginagamit ang Anonymized Multi-Party Computation (AMPC) para masigurong natatangi ang bawat user habang pinananatiling pribado at anonymous ang lahat ng impormasyon ng biometrics.

Open source na teknolohiya

Idinisenyo ang World para gumana bilang open-source na hardware at software at auditable infrastructure layer, na sumasailalim sa masusing panlabas na pagsusuri.

Mga Update sa World

Mga Madalas Itanong

Ang Beripikasyon gamit ang Selfie ay isang simple at madaling paraan ng pagberipika sa World ID para mapatunayang totoong tao ang user. Nagbibigay din 'to ng sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao, nang hindi ibinabahagi ang pagkakakilanlan o personal na impormasyon nila.

Hindi. Ang selfie na larawan ay nananatiling nasa device at sa World App. Hindi ito ina-upload sa World o ibinabahagi sa mga partner app.

Hindi. Hindi kinikilala ng Beripikasyon gamit ang Selfie kung sino ang user. Tanging anonymous na patunay ng pagkatao at sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao lang ang natatanggap ng mga app.

Hindi. Hindi kailanman natatanggap ng mga partner app ang selfie na larawan o anumang biometric na datos. Tanging cryptographic proof lang na natapos na ang beripikasyon ang natatangap nila.

Hindi. Ang beripikasyon gamit ang Orb ay nagbibigay ng matibay na katibayan ng pagkabukod-tanging tao. Ang Beripikasyon gamit ang Selfie naman ay mas magaan na opsyon na nagbibigay ng sapat na katibayan ng pagkabukod-tanging tao gamit ang device-based na selfie liveness check.

Ang Beripikasyon gamit ang Selfie ay idinisenyo para magamit sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan sinusuportahan ang World ID, depende sa lokal na regulasyon at availability ng produkto.