World IDlaban sa Mga Impostor

Protektahan ang negosyo mo laban sa mga deepfake at impostor. Itinatakda ng World ID ang walang kapantay na pamantayan ng pagtitiwala sa tao sa panahon ng AI.

Mag-book ng demo

Patunayang tao ang katransaksyon mo. Pagkatapos, ipatupad ang mga patakarang mahalaga para sa negosyo mo.

Bawasan ang panganib ng pagpapanggap sa mahahalagang usapan, mula sa hiring calls hanggang sa mga sensitibong transaksyong pinansyal.

Nagbibigay ang World ID ng dagdag na pangangalaga sa pribasiya para matiyak na tunay na tao ang user sa nakasanayan mo nang sistema. Tinutulungan nito ang negosyo mo para makumpirma na ang bumabalik na user ay siya ring taong naberipika na dati.

Tumulong protektahan ang mga taong umaasa sa negosyo mo laban sa mga pinansyal at reputasyonal na panganib ng pagpapanggap at deepfake.

Magbigay ng ebidensya sa mga team mo na ang parehong beripikadong tao ang bumabalik, mula sa panayam, pag-o-onboard, pag-sign in sa account, at sa mga sensitibong aksyon.

Bigyan ng mas mataas na katiyakan ang mga team bago mag-advance ng aplikante o magbigay ng access, nang hindi isinasakripisyo ang pribasiya ng user. Ang negosyo mo at ang World ID app ay makatatanggap lang ng anonymous, desentralisadong cryptographic na mga patunay at signal. Walang personal na impormasyong ibinabahagi o itinatago.

Isang taong nagbeberipika ng World ID niya sa isang Orb

1 sa 5 pagtatangkang pandaraya gamit ang biometrics sa global na dataset ng Entrust ay may kinalaman sa deepfake. [1]

Hindi na sapat ang pamilyar na mukha. Kailangan na ng mga negosyo ng mas matibay na paraan para masigurong tunay na tao ang kausap nila laban sa mga bagong panganib na dulot ng AI.

Madaling gamitin ang deepfake, ibang taong sumasagot sa interview, at mga account na pinaghahatian para itago kung sino talaga ang nasa likod ng isang pag-uusap o transaksyon. Puwedeng iba na ang bumalik kaysa sa unang pinagkatiwalaan ng team mo.

Isang taong gumagamit ng laptop habang nagbeberipika ng World ID niya sa telepono

Protektahan ang mahahalagang bahagi ng negosyo mo

Sa mga sitwasyong puwedeng malagay sa panganib ang pera, access, o ugnayan dahil sa impostor.

Mga serbisyong pinansyal

Bigyan ang team mo ng sapat na patunay bago malagay sa panganib ang pera, access sa account, o impormasyon ng mga kliyente.

Pagha-hire

Tiyaking ang taong nagpa-interview ay siya ring taong tatanggapin sa trabaho. Palakasin ang pagpapasa ng impormasyon sa pagitan ng mga team na namamahala sa recruitment, HR, at seguridad.

Social media

Palakasin ang tiwala sa komunidad at bawasan ang deepfake, catfishing at impostor.

Legal at mga propesyonal na serbisyo

Magbigay ng ebidensya sa mga team na may kasunduan na may beripikadong tao sa proseso, kasama ng identity at authority checks ng lumagda.

world x zoom

Protektahan ang kumpanya mo laban sa mga deepfake

Beripikahin na totoong tao ang kausap mo at hindi isang deepfake.

World ID Zoom call

Makipagtulungan sa'min para bumuo ng solusyong angkop sa pangangailangan ng negosyo mo

Hakbang 1

Tingnan ang mahahalagang gawaing gusto mong unahin

Titingnan natin kung saang bahagi ng negosyo mo puwedeng magkaroon ng panganib dahil sa mga impostor, at kung paano makatutulong ang Mga Patunay ng World ID.

Hakbang 2

Demo ng Produkto

Tingnan kung paano maisasama ang produkto sa proseso ng negosyo mo o kung paano gagana ang isang halimbawang custom na daloy. Kasama rito ang magiging karanasan ng user at ang impormasyong matatanggap ng negosyo mo.

Hakbang 3

Planuhin ang mga hakbang para sa pilot project

Suriin ang mga opsyon sa integration, mga kinakailangan para sa authentication, availability at fallback policies para sa napiling mahahalagang hakbang.

Piliin ang Plugin na kailangan ng negosyo mo

World ID Video Check

Mga transaksyong malaki ang nakataya sa online meetingPatunay ng Pagkatao

Sa World ID Video Check, makukumpirma mo kung ang taong nasa likod ng screen ay siya ring nakikita sa screen, at na tunay nga silang tao.

Ginamit na device:
Ang Orb
Tagal ng pag-setup:
~3-4 minuto
Tagal para magamit muli:
~20 segundo
Beripikahin

World ID Verify

Mga transaksyong malaki ang nakatayaPatunay ng Pagkatao

Sa World ID Verify, kailangan mong personal na magpaberipika para makumpirma kung isa kang bukod-tanging tao at ikaw pa rin ang gumagamit ng account na iyon.

Ginamit na device:
Ang Orb
Tagal ng pag-setup:
~3-4 minuto
Tagal para magamit muli:
~20 segundo
Live Check

World ID Live Check

Araw-araw na mga transaksyonPatunay ng Presensya

Gumagamit ang World ID Live Check ng selfie para makumpirma kung may tunay ngang taong nasa harap ng camera at na siya pa rin ang user na iyon.

Ginamit na device:
Mobile device
Tagal ng pag-setup:
~1 minuto
Tagal para magamit muli:
~20 segundo

Mag-book ng demo

*mga kailangang sagutan

Kapag isinumite ko ang form na ito, pinahihintulutan ko ang Tools for Humanity Corp. (TFH) na kolektahin at iproseso ang personal kong datos sa loob ng 2 taon, para makipag-ugnayan sa akin tungkol sa kahilingang ito at makipag-ugnayang muli tungkol sa interes kong makipag-partner sa kanila. Nauunawaan kong may karapatan akong bawiin ang pahintulot ko at kinikilala ko ang Paunawa sa Pribasiya ng TFH.

Mga Madalas Itanong

Nagbibigay ang World ID ng dagdag na pangangalaga sa pribasiya para matiyak na tunay na tao ang user sa nakasanayan mo nang sistema. Tinutulungan nito ang negosyo mo para makumpirma na ang bumabalik na user ay siya ring taong naberipika na dati.

Hindi. Hindi nalalaman ng World ID kung sino ang user. Makatatanggap lang ng anonymous, desentralisadong cryptographic na mga patunay at signal ang World ID app at ang negosyo mo. Walang personal na impormasyong ibinabahagi o itinatabi.

Nakasalalay sa Plugin na pipiliin mong gamitin. Sa demo, pag-uusapan muli natin ang proseso ng pagpaparehistro, muling pagbeberipika ng pagkakakilanlan, at kung paano ito magagamit sa proseso ng negosyo mo.

Ang World ID app at ang negosyo mo ay makatatanggap lang ng anonymous, desentralisadong cryptographic na mga patunay at signal. Walang personal na impormasyong ibinabahagi o itinatabi.

Ikinokonekta ng negosyo mo ang resulta ng authentication sa mga account at nananatili ang kontrol sa access at pagsusuri.

Nagbibigay ang World ID ng karagdagang katiyakan na tunay na tao ang user, kasabay ng dati mong sistema ng pagberipika at pag-iwas sa pandaraya. Ikaw pa rin ang may kontrol sa pagbibigay ng access at pagsusuri sa mga account.