
Ang World ID ang nasa likod ng bagong 'human layer' ng internet at mga digital na karanasan, na abot-kaya na sa mga enterprise at consumer app, pati na sa iba't ibang platform at serbisyo.
Ngayong araw, ilalabas ng World ang pinakamahalagang pag-upgrade sa protokol ng World ID sa kasaysayan nito. Ang bagong World ID ay isang full-stack na patunay ng pagkatao na nagbubukas ng mga bagong oportunidad para sa mga consumer platform, enterprise application, at mga AI agent.
Kasabay ng pag-upgrade sa protokol, ngayong araw din ipinakikilala ang nalalapit na paglunsad ng World ID app. Isa 'tong espesyal na karanasang binuo para laging nasa 'yong mga kamay ang patunay na pagkatao saan ka man mag-online.
Bakit ngayon

Mabilis lumaki ang network ng tunay na mga tao. Matatagpuan sa 160 bansa ang mga sumali sa World Network. Halos 18 milyong tao na ang nagpaberipika ng kanilang pagkatao sa isang Orb para lang mapatunayan nilang sila'y tunay at natatanging tao online nang hindi inilalantad ang anumang impormasyon tungkol sa kanilang pagkakakilanlan.
Dahil sa laki ng sakop nito, mas lalong nagkaroon ng mga bagong inaasahan dito.
Kailangan ng mga enterprise ng isang patunay ng pagkatao na subok na sa aktwal na operasyon tulad ng pagiging matatag laban sa anumang pag-atake, madaling mabawi kapag nawalan ng access, at tugma sa mga kasalukuyang security system. Sa kabilang banda, umaasa ang mga consumer sa isang solusyong kasing-tibay nito, pero madali ring gamitin, madaling dalhin, at sa simula pa lang ay may pribasiya na.
Nilikha ang bagong World ID para tugunan ang mga pangangailangang ito.
Sa gitna ng pag-upgrade na 'to ay isang bagong arkitektura na nagtataas ng antas ng pribasiya, seguridad, at self-custody, habang pinananatili ang simple at magandang karanasan para sa mga World ID holder. Puwede nang mabawi ng mga taong may World ID ang kanilang access, pamahalaan ang mga credential, at makipag-ugnayan sa iba't ibang app, nang hindi nakokompromiso ang mga pangunahing garantiya ng protokol. Ito ang pagiging anonymous, desentralisado at pagiging inklusibo para sa lahat.
Naging posible ang lahat ng ito dahil sa mga disenyong tulad ng mga one-time-use nullifier na humahadlang para hindi mapag-ugnay o mapag-konekta ang mga aktibidad. Kasabay nito ang isang arkitekturang sumisigurong walang personal na datos ang malalantad o maiimbak sa system.
Para sa higit pang detalye tungkol sa teknikal na arkitektura nito, bisitahin ang engineering blog sa bagong World ID protokol.
World ID para sa mga AI agent
Para sa mga AI agent, ang bagong World ID ang nagsisilbing pundasyon sa antas ng protokol para sa human-backed AI. Habang dumarami ang mga AI agent na kumikilos para sa mga tunay na tao, mas nahihirapang patunayang may isang natatangi at beripikadong tao sa likod ng bawat agent. Ang World ID, katuwang ang AgentKit, ang nagbibigay ng imprastraktura para magawa ito sa mas malawak na antas.
World ID para sa negosyo
Para samga negosyo, pasado na ang tibay at kalidad para ilunsad sa aktwal na operasyon ang pinakabagong bersyon ng World ID, kahit sa pangmalawakang antas.
Dahil sa suporta para sa multi-key, key rotation, recovery at pormal na session management, mas tumugma ang protokol sa mga inaasahan ng mga organisasyong bumubuo ng trust and safety infrastructure. Higit sa lahat, ipinakikilala ng World ID ang isang bagay na mahalaga, at ito ang human continuity.
Kayang-kaya na ng mga security system sa ngayon na magberipika ng mga device at account, pero hindi ng mga tao. Kapag nakuha ng iba ang device mo, mga credential, o hardware key, puwede silang magpanggap bilang ikaw.
Sa pamamagitan ng World ID, naging posible ang unang authenticator na nakapagbibigay ng high-assurance human continuity na siyang makapagpapatunay na ang iisang tunay at natatanging tao ay talagang naroon sa bawat transaksyon, nang hindi isinasakripisyo ang kanilang pribasiya.
Nagbibigay-daan ito para sa isang bagong kategorya ng trust infrastructure, maging sa pagprotekta man ng mga video call laban sa mga deepfake, pagpapatibay ng kredibilidad ng mga komunikasyon, o pagsiguro na ang mga sistema ng pamamahala at pakikilahok ay limitado lang para sa mga tunay na tao. Gamit ang mga tool gaya ng IDKit, nagbibigay na ngayon ang World ID ng mga pangunahing parteng kailangan para maisama ang mga kakayahang 'to sa mga production system.
World ID para sa mga tao
Para sa mga consumer, bitbit mo na palagi ang patunay ng pagkatao saan ka man magpunta. Gamit ang World ID app at iba't ibang authenticator, mas mapapadali na ang pagberipikang tunay ka ngang tao na para bang nag-u-unlock ka lang ng telepono mo o naglo-log in ka sa social media. Kapag nag-sign in ka sa isang dating app, sumali sa isang gaming tournament, o bumili ng concert ticket, ang beripikado mong World ID ang magsisilbing trust layer para magawa mo ang lahat ng 'to.
Ipinakikilala ang World ID app

Nagsisimula ang pag-upgrade ng protokol sa pamamagitan ng pag-open source ng World ID SDK, kaya kahit anong app ay puwede nang maging World ID authenticator. Para ipakita ang kung paano 'to nangyayari, ipinakikilala ng World ang World ID app bilang isang espesyal na karanasang binuo para sa pamamahala at paggamit ng patunay ng pagkatao sa buong internet at mga digital service, na unang ilalabas bilang pampublikong beta.
Nilikha ang World ID app para maging lugar kung saan nananatili ang patunay ng pagkatao sa device mo. Mula sa app, puwede kang magpaberipika sa iba't ibang platform at serbisyo, mamahala ng mga authenticator mo, mag-imbak ng mga credential, at kontrolin kung paano mo gagamitin ang World ID mo. Sa paglipas ng panahon at habang lalong nagiging desentralisado ang protokol, ang ibang mga developer at organisasyon ay bubuo na rin ng sarili nilang mga authenticator. Bukas ang protokol para sa lahat, at ang desisyon ay nasa mga kamay mo.
Mag-ambag sa World ID
Umabot na sa 18 milyong ang beripikadong tunay na mga tao sa mundo. Gamit ang bagong World ID, handa na ang protokol para sa susunod na lebel ng paglago, kasabay ng mga partner, platform, at mga use case na kaakibat nito. Kasalukuyan nang open source at may lisensya nang magpahintulot ang mga bahagi ng protokol. Lubos naming hinihikayat ang mga developer, mananaliksik, at builder na suriin ang mga iminungkahing spec, subukan ang protokol, at magbahagi ng kanilang feedback.
Naging pundasyon ng internet ang patunay ng pagkatao, at ang bagong World ID ang magsisilbing tulay para makamit 'to. Kung isa kang negosyo o aplikasyong interesadong gumamit ng World ID, bisitahin lang ang dokumentasyon sa docs.world.org para makapagsimula.
Mga Madalas Itanong tungkol sa World ID
Paano ako makakapag-sign up para sa World ID?
Puwedeng gumawa ng World ID sa anumang digital wallet na compatible sa World ID, gaya ng World App. Ito ang kauna-unahang wallet na binuo para sa World Network at nilikha ng project contributor na Tools for Humanity (TFH). Para ganap na maberipika ang World ID mo at matanggap ang credential ng patunay na pagkatao mo, kailangan mong pumunta nang personal sa isang Orb para mapatunayang ikaw ay isang tunay at natatanging tao.
Ganito ang sunud-sunod na mangyayari pagkatapos mong mag-sign up sa World App:
- Kukuha ang Orb ng mga larawan ng mga mata at mukha mo.
- Lilikha ang Orb ng isang bukod-tanging code base sa mga larawang 'to, ipadadala ang mga larawan at ang bukod-tanging code sa device mo (ang Personal Custody Package mo), bago burahin ang mga 'to.
- Magpapadala ang device mo ng isinapribadong mga fragment ng bukod-tangi mong code sa mga AMPC node para makumpirma kung isa kang tunay at bukod-tanging taong nagpapaberipika sa unang pagkakataon.
- Beripikado na ang World ID mo.
Makikita ang detalyadong impormasyon kung paano ibineberipika ng Orb ang isang World ID dito.
Makikita ang detalyadong impormasyon tungkol sa anonymized multi-party computation (AMPC) dito.
Makikita ang detalyadong impormasyon tungkol sa data at sa Orb dito.
Makikita ang detalyadong impormasyon tungkol sa Personal Custody dito.
Makikita ang detalyadong impormasyon tungkol sa pribasiya sa World dito.
Sino'ng pwedeng gumamit ng World ID?
Bahagi ng isang open source at permissionless na protokol ang World ID na binuo para sa sangkatauhan. Lahat ng developer docs ay malayang mababasa at makukuha ng publiko.
Konektado ba ang paggamit ng World ID sa personal na datos o biometrics?
Nilikha ang World ID para magamit nang anonymous. Kahit sino, pwedeng gumamit nito nang hindi ibinibigay ang personal nilang impormasyon tulad ng mga pangalan, email address, numero ng telepono, social media profile, atbp.
Ang World ID ng isang tao ay nabubuo sa World App sa device nila bago sila pumunta sa Orb na siyang kumukuha ng mga larawan para maberipika ang World ID ng isang tao at (kung kinakailangan) para ma-recover ito, at ang kaugnay na datos ay hindi ibabahagi sa anumang third-party kapag ginagamit nila ang World ID nila.
Karagdagang impormasyon
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa World ID, bisitahin ang pahina ng World ID, developer docs at World Whitepaper.
Makikita ang impormasyon tungkol sa sunud-sunod na hakbang sa pagpapaberipika ng World ID mo at pagsali sa World Network dito.
Sumali sa network ng tunay na mga tao.
I-download ang World AppMga kaugnay na artikulo

Announcements ·
Product ·
Ipinakikilala ang Concert Kit: ticket para sa fans, hindi sa mga bot

Announcements ·
Product ·
World ID para sa mga AI agent: Browserbase, Exa, Okta at Vercel

Announcements ·
Product ·
World ID para sa negosyo: Zoom at Docusign, kaisa na sa pagpapatunay na tao ang kausap mo online
Announcements ·