E-commerce at patunay ng pagkatao sa panahon ng AI

Agosto 13, 2025 4 Minutong Pagbabasa
Malapitan na larawan ng isang Orb na ginagamit para sa beripikasyon ng biometric, itinatampok ang sensor at makinis nitong disenyo.

Higit sa kalahati ng mga bumibisita sa mga online store ngayon ay hindi' tao. Sila'y mga bot — sopistikado, pinapagana ng AI, at sabik na makuha ang mga imbentaryo mo.

Maligayang pagdating sa bagong realidad ng e-commerce. Malaki ang naging pagbabago ng AI sa digital marketplace, lumilikha ito ng isang mundo kung saan mas marami nang bot kaysa totoong mga customer at kaya ng mga bot army na gayahin ang kilos ng tao, pati na rin ang galaw ng mismong mouse. Mas mabilis umunlad ang teknolohiya kaysa makasabay ang mga depensa.

Ang pabagu-bagong kalagayan ng digital commerce

Hindi na maaaring maging mas mataas pa ang pagtaya. Sumabog ang e-commerce patungo sa $6.8 trilyong global marketplace, na lubhang binago ang paraan ng pamimili sa buong mundo. Ngunit ang kuwentong tagumpay na ito ay may madilim na bahagi: mismo ang mga teknolohiyang nagpapalakas ng paglago ay ginamit din laban dito.

Hindi lang produkto ang inirerekomenda ng 'AI ngayon', o pinapainam ang mga checkout flow. Gumagawa ito ng mga pekeng account na hindi mo matutukoy kung tunay na customer o hindi. Lumilikha ito ng mga deepfake review na nakakaimpluwensiya sa mga desisyon sa pagbili ng mamimili. Pinapagana nito ang mga hukbo ng bot na nakakalusot sa CAPTCHA nang mas mabilis bago pa man ito ma-update. Ang parehong inobasyon na dapat sana'y nagpapatao ng commerce ay pabaligtad na naglalayo rito mula sa pagiging makatao.

Nakakagimbal ang ipinapakita ng mga numero. Ang masasamang bot ay nakatala sa 57% ng trapiko sa mga e-commerce site noong 2024 US holiday season—ibig sabihin mas marami ang pekeng bisita kaysa sa totoong mga tao. Ito ay mga sopistikadong AI system na kayang lumikha ng pekeng account, manipulahin ang imbentaryo, at magsagawa ng mga panlilinlang na mabilis magbago batay sa sitwasyon.

Higit pa sa nanakaw na paninda ang naging pinsala sa pinansyal. Tinatayang aabot sa $107 bilyon ang pandaigdigang pagkalugi dahil sa panloloko sa e-commerce pagsapit ng 2029, ngunit ito'y simula pa lang. Sa bawat dolyar na nalulugi dahil sa panloloko, mas lalo pang nalulugi ng karagdagang $4.61 ang negosyo para sa mga operational cost—sa pagsisiyasat ng kaduda-dudang transaksyon, pamamahala ng chargebacks, at pagpapatupad ng mas komplikadong seguridad. Para sa mga nagtitindang may maliit na tinutubo, ang mga nakatagong gastos na ito ay maaaring maging dahilan ng kanilang pag-unlad o pagsara ng negosyo.

Kapag kahit sino—o kahit anong bagay—ay puwedeng magkunwaring ibang tao, bumabagsak ang tiwala. Sa bawat pekeng review, bawat limitadong release ay puwedeng maagaw ng mga bot, at bawat transaksyon ay puwedeng mapanlinlang, dito nagsisimulang mawasak ang koneksyong pantao na siyang nagbibigay-kahulugan sa commerce. Nawawalan ng tiwala ang mga totoong customer. Hindi nakakakuha ng pagkakataon ang totoong mga tagahanga sa mga eksklusibong drop. Natatabunan ang tunay na koneksyon ng tao sa commerce dahil sa dambuhalang dami ng mga artipisyal na interaksyon.

Ang hamon sa mobile commerce

Lalong tumitindi ang krisis na ito sa mga mobile device, kung saan 76% katao ay mga nasa U.S. mas gusto pa ngayon ng mga matatanda ang mamili. Ang paglipat sa smartphone ay nagdulot ng mga bagong kahinaan sa mga scammer na lalong manloko. Bumubuo ang mga account na transaksyon sa mobile ng 33% ng mga gastos sa panloloko sa e-commerce sa U.S., dahil tina-target ng mga kriminal ang lahat mula sa pinasimple na proseso ng pag-checkout hanggang sa mga tiyak na kahinaang pangseguridad ng app.

Ang kaginhawaang hinahanap ng mga mamimili—isang tap lang sa pagbili, naka-save na paraan ng pagbabayad, tuluy-tuloy na pag-authenticate—ay lumilikha ng pangunahing tensyon. Sa bawat pagpapadali para tanggalin ang sagabal sa mga lehitimong customer ay siya namang nagbubukas ng panibagong daan para makasalisi ang mga scammer. Ang paghahanap ng balanse sa pagitan ng seguridad at karanasan ng user ay naging isang natatanging hamon ng e-commerce sa panahon ngayon.

Daan patungo sa kaunlaran: patunay ng pagkatao sa e-commerce

Habang unti-unting nawawala ang hangganan sa pagitan ng tao at ng AI, umaangat naman ang makabagong paraan ng teknolohiya: patunay ng pagkatao. Sa pamamagitan ng cryptographic na pagberipika sa tunay na tao nang hindi nalalaman ang kanilang pagkakakilanlan, hinahanap ng patunay ng pagkatao na teknolohiya mula sa World Network ang ugat ng krisis sa panloloko habang pinananatili ang pribasiya ng mamimili.

Ang epekto sa e-commerce ay agarang nararamdaman at may potensyal na baguhin ang laro:

  • Bawasan ang pagkalugi sa panloloko: Harangin ang mga bot, mga bot army, at koordinadong pag-atake bago ito magdulot sa'yo ng milyon-milyong pagkalugi.
  • Protektahan ang mga eksklusibong release: Siguraduhin na ang mga limitadong drop ay makararating sa tunay na customer, hindi sa mga resale bot na sumisira sa brand equity at loyalty ng customer.
  • Ibalik ang integridad ng review: Beripikahin na ang mga rating ay nanggagaling talaga sa mga tunay na customer, para muling mabuo ang tiwala at mapataas ang benta.
  • Ligtas na mga promo: Ireserba ang mga flash sale at espesyal na alok para sa mga beripikadong tao, tinatanggal nito ang pagsasamantala ng mga bot sa mga maling presyo.

Ang nagpapabago sa paraang ito ay nasa mga bagay na hindi nito ginagawa. 'Di tulad ng mga tradisyonal na sistema ng beripikasyon na bumubuo ng mga database ng personal na impormasyon—na puntirya ng mga hacker—tinitiyak ng patunay ng pagkatao ang pagka-unique habang pinananatili ang pribasiya nila. Isang tao, isang beripikasyon. Walang pangalan, walang numero ng point card, walang malalaking datos na maaaring malusutan.

Pagtatatag ng tiwala para sa panahon ng AI

Ang pagsasama ng patunay ng pagkatao sa mga e-commerce platform ay nagmamarka ng mahalagang pagbabago kung paano natin iniisip ang pagtitiwala sa digital. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng ligtas na pundasyon para sa beripikasyon ng pagkatao, makakaya ng mga merchant na tanggapin ang mga benepisyo ng AI nang may kumpiyansa habang pinoprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga panganib nito.

Pinapagana ng teknolohiyang ito ang bagong kontrata para sa digital commerce. Nagkakaroon ng kumpiyansa ang mga negosyong paglingkuran ang kanilang mga tunay na customer na pinahahalagahan ang kanilang mga produkto. Mas higit na tinatangkilik ng mga consumer ang pribasiya at patas na access sa mga produkto at mga serbisyo na kanilang hinahanap. Ito'y modelo na parehong kinikilala ang napakalaking potensyal ng AI' at ang likas na mga panganib nito, na lumilikha ng framework kung saan kayang umunlad ang inobasyon nang hindi isinasaalang-alang ang elemento ng pagkatao na siyang nagbibigay kabuluhan sa commerce.

Uunlad ang mga merchant sa bagong kalagayang ito kung nauunawaan nila ang isang simpleng katotohanan: sa panahon ng artificial intelligence, ang patunay ng pagkatao ang pundasyon sa pagpapanatili ng digital commerce. Habang lalong nagiging sopistikado ang mga bot at nililito ng AI ang pagkakaiba sa pagitan ng tunay at peke, nag-aalok ang teknolohiyang patunay ng pagkatao ng isang mahalagang bagay: isang paraan para mapanatiling makatao ang commerce.

Alamin pa

Para manatiling may alam tungkol sa pinakabagong mga kaganapan sa World, pati na rin sa iba pang kaabang-abang na balita at anunsyo, bisitahin ang World website o mag-subscribe sa blog sa ibaba.

Puwede ka ring sumali sa araw-araw na talakayan sa lahat ng World social media channel, o makakuha ng mas marami pang mahahalagang impormasyon tungkol sa proyekto sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.