Mula sa pagdududa tungo sa pagtitiwala: paano nakatutulong ang patunay ng pagkatao para malabanan ang mga deepfake

Setyembre 2, 2025 4 Minutong Pagbabasa
May isang taong nakikipag-usap tungkol sa kung gaano kahalaga ang tiwala para malabanan ang mga deepfake.

Kada limang minuto, mayroong gumagamit ng deepfake para manloko.

Kahit saan, may nabibiktima. Sa Hong Kong, isang taga-finance ang nagpadala ng $25 milyon pagkatapos makipag-video call sa akala niyang CFO ng kumpanya nila, pero mga impostor lang pala ang lahat ng nasa call. Sa France, akala ng isang babae, si Brad Pitt ang ka-date niya.

Halos 80% ng nasa hustong gulang, hindi na matukoy kung tunay ba ang isang video o peke lang pala. Ito na ang bagong mukha ng panloloko gamit ang teknolohiya. Ang dating katuwaan lang ay siya na ngayong sumisira sa tiwala natin sa isa't isa. Kapag pwede nang nakawin ang mukha ng kahit sino, kapag pwede nang magaya ang boses mula lang sa ilang segundo ng audio, at kapag maging ang live video call ay hindi na mapagkakatiwalaan, may isang tanong na napakahirap nang sagutin: may mapagkakatiwalaan pa ba tayo?

Dito nakasalalay ang kinabukasan ng pakikipagkapwa-tao natin sa mundong puno na ng teknolohiya.

Ang paglaganap ng mga deepfake

Sa datos pa lang, kitang-kita na ang tunay na sitwasyon. Iniulat ng The Wall Street Journal na sa Estados Unidos, nagkaroon ng higit 105,000 kaso ng panlolokong ginamitan ng deepfake noong nakaraang taon. Ang teknolohiya sa likod ng mga pag-atakeng ito napakadaling nang ma-access ngayon. Noon, kailangan mo pa ng pang-Hollywood na budget at isang team eksperto pero ngayon, basta't may gadget ka at internet, kayang kaya mo na itong gawin.

Walang pinipili ang mga pag-atake. Gumagamit ang mga scammer ng deepfake na pag-eendorso ng mga sikat na tao para manloko ng milyon-milyon sa pamamagitan ng mga investment scheme sa social media. Sa tuwing may kalamidad, ginagamit ng mga scammer ang AI para magkunwaring mga aid worker at humingi ng pera sa mga tao. Mabilis pa sa alas-kwatro kung kumalat ang mga deepfake ng mga pulitiko, kung saan pinapalabas ng mga itong nagsasabi ang mga kandito ng mga bagay na hindi naman talaga nila sinabi.

Mas malaki ng kinakaharap na krisis ng mga institusyong pinansyal: Lumobo sa 3,000% ang mga panlolokong ginamitan ng deepfake noong 2023, at umabot na sa $500,000 ang karaniwang nawawala sa mga kumpanya sa bawat pag-atake. Hindi rin nakaligtas ang industriya ng digital finance, kung saan ang mga AI deepfake ang naging dahilan ng 40% ng lahat ng malalaking crypto scam noong 2024, kaya umabot na sa $4.6 bilyong ang nawalang pera sa buong mundo.

Paano nilalabanan ng patunay ng pagkatao ang mga deepfake

Paano kung kaya nating kontrahin ang mga deepkfake? Dito papasok ang teknolohiya ng patunay ng pagkatao. Sa simula pa lang, tinitiyak na kaagad ng teknolohiyang ito kung isang tunay at bukod-tanging tao ang kausap mo sa pamamagitan ng isang cryptographic proof. Hindi na nito tinitingnang maigi kung peke ba ang content; ang tinitiyak nito ay kung galing ba ito sa isang tunay na tao.

Napakalaki ng maitutulong ng patunay ng pagkatao sa iba't ibang paraan:

  • Ligtas na komunikasyon: Mabeberipika mo kung ang kausap mo sa video call ay tunay ngang tao.
  • Seguridad sa transaksyon: Matitiyak mo kung tunay na tao ang kausap mo sa mga mahahalagang transaksyon at hindi isang AI deepfake.
  • Tunay na content: Binibigyang-daan ang mga creator na malagyan ng "digital signature" ang gawa nila para kaagad na malaman kung tunay ito o peke lang.

Hindi gaya ng ibang system na pwedeng pekein o mga database na pwedeng ma-hack, idinadaan sa cryptography ang beripikasyon kung tao ka. Dito, protektado ang pribasiya mo. Wala itong central database o online tracking, tanging matematikal na patunay lang na isang tunay at bukod-tanging tao ang nasa likod nito.

Bawiin ang kontrol natin sa makabagong kinabukasan

Sa tulong ng World, mas matitiyak natin kung tao o AI lang ang kausap natin. Sa tulong ng Deep Face technology ng network na hatid ng World ID, matitiyak mo kung ang taong kausap mo sa screen ay tunay ngang tao.

Isang malaking hamon ang mga deepfake sa lipunan natin ngayon. Pwedeng humantong tayo sa isang mundong puro na lang pagdududa, kung saan hindi na sapat ang makita natin ang isang bagay para maniwala. May naghihintay sa'ting kinabukasan kung saan panatag tayong nakikisalamuha, dahil ang bawat ugnayan natin online ay kasing-tunay ng pakikipag-usap natin nang personal.

Mukhang malinaw naman ang dapat nating piliin, pero hindi naman ito kusa lang mangyayari. Kailangan nating tanggapin na ang mga lumang sistema, tulad ng pag-detect, pagbabantay at pagpapataw ng parusa pagkatapos ng insidente ay hindi na sapat sa panahon ngayon. Panahon na para sa isang malakawang pag-upgrade sa mga digital system natin. Maaaring makatulong ang patunay ng pagkatao para mapigilan natin ang mga deepfake bago pa man magdulot ng mas malaking problema ang mga ito.

Alamin Pa

Para manatiling may alam tungkol sa pinakabagong mga kaganapan sa World, pati na rin sa iba pang kaabang-abang na balita at anunsyo, bisitahin ang World website o mag-subscribe sa blog sa ibaba.

Pwede ka ring sumali sa araw-araw na usapan sa lahat ng social media channel ng World, o makakuha ng mas marami pang mahahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.