World para sa Kumpanya
Makipag-integrate sa World
Sa World, prayoridad ang mga tao sa internet.
Ligtas at palihim na mapatunayang tunay at bukod-tanging tao ang bawat user online.
Pribasiya at Paglilihim ng Pagkakakilanlan
Bigyang-daan ang mga user na mapatunayang tunay at bukod-tangi silang tao at pasok ang edad nila nang hindi nagbibigay ng personal na impormasyon.
Seguridad at Tiwala
Sugpuin ang mga bot at pekeng account nang malawakan, para mas maging mapagkakatiwalaan ang platform mo at mapadali ang pagbabantay rito.
Community Health
Siguruhing may tig-isang account lang ang bawat user para masigurong tunay na tao talaga ang sumasali at maiwasan ang pandaraya gamit ang iba't ibang account.
Pagpapalago at Pagbalik ng Pinuhunan
Bawasan ang mga pekeng pag-sign up, gawing mas sulit ang pagkuha ng mga user (CAC efficiency), tiyaking tao lang ang nakapapasok (walang bot) at gawing mas malaki ang pangmatagalang balik sa negosyo mula sa mga beripikadong tao.
Pagpigil sa Pandaraya
Pigilan ang pang-aabuso sa mga promo, paulit-ulit na mga paglabag at paggamit ng mga ninakaw na login credential sa pamamagitan ng pagbabawal ng paggawa ng panibagong account pagkatapos mapatawan ng parusa.
Brendan Ittelson /
Chief Ecosystem Officer / Zoom
Mga World ID Tool
Patunay ng Pagkatao
Isang account lang ang payagan kada tao para maiwasan ang doble-dobleng account at magkaroon ng bigat ang ipapataw na mga ban.
Face Auth
Pribadong pagtutugma ng mukha para matiyak na tanging ang taong nagpaberipika ng World ID nila gamit ang Orb ang makagagamit nito.
Pagpapatunay ng Pagkakakilanlan
Patunayan sa iba (mga third party) kung ano lang ang kailangan nilang malaman tungkol sa'yo nang hindi nagbibigay ng anumang personal na impormasyon.
Agent Kit (Beta)
Dinadagdagan ang kakayahan ng x402 para payagan ang mga AI agent sa mga website at machine-to-machine payment (awtomatikong pagbabayad), pero iwas-spam pa rin.
Beripikasyon ng Selfie
Isang mabilis at hindi mahigpit na paraan para mapatunayang tao ang user, para sa mga platform na kailangan lang salain ang mga bot nang hindi nanghihingi ng personal na impormasyon.
Mga Resource para sa mga Enterprise Developer
User Experience
I-download ang World App
Maghanap ng Orb
Simulan ang paggamit ng World
Sa World ID, walang makakikilala sa'yo
Kapag ginamit mo ang World ID mo para mapatunayang isa kang bukod-tanging tao sa isang app o partner, hindi nila makikita ang mismong World ID mo.
Sa tulong ng cryptographic technology na tinatawag na mga zero-knowledge proof (ZKPs), ipapakita lang ng mga user na mayroon silang valid World ID.
Alamin paAlamin pa ang tungkol sa World
Ipinakikilala ang World ID
Pribasiya sa World
Makipag-ugnayan sa amin
Mga Madalas Itanong
Sa World, mas makatitiyak ang mga platform at kumpanyang tunay na tao ang mga user nila nang hindi isinasantabi ang pribasiya.
Kapag naberipika na ito, magagamit mo ang World ID mo sa daan-daang application at serbisyo na naka-integrate sa World protocol. Halimbawa:
- Makipaglaro sa tunay na mga tao
- Mga dating app para sa tunay na mga tao
- Mamili para sa tunay na mga tao
- Pamimili ng AI na may pahintulot mula sa tunay na mga tao
- Sumali sa mga beripikadong polls ng tunay na tao
- At marami pang ibang mga aplikasyon
Pinapayagan ng World ID ang mga indibidwal na pribado nilang mapatunayan na sila'y isang bukod-tanging tao at hindi isang bot o AI system sa mga web at mobile application. Hindi na kailangan pang ilantad ng mga user ang anumang personal na impormasyon nila gaya ng pangalan, numero ng telepono, o email address. Malalaman lang ng application o serbisyong sila'y isang bukod-tanging tao. Maliban pa riyan, ang mga aktibidad mo ay hindi masusubaybayan sa pamamagitan ng World ID mo. Ngayon, ang pag-sign-in gamit ang World ID ay available sa pamamagitan ng mga integration sa mga third party tulad ng Razer, Match Group, Okta, Auth0, at iba pa.
Mga gamit sa hinaharap: Ang World SDK ay open source at magagamit ng sinuman sa pag-build ng mga app sa World. Patuloy itong magkakaroon ng mga pakinabang sa hinaharap habang dumarami ang mga developer na gumagamit World ID para sa beripikasyon ng patunay ng pagkatao.
'Yan talaga ang mismong disenyo nito, at hindi siya maituturing na limitasyon. Itinalaga talaga ang mga ito para sa mga partner. Sa pamamagitan ng World ID, binibigyan ng cryptographic na kasiguraduhan ang isang user na siya'y isang bukod-tanging tao (o pasok sa kinakailangang pamantayan tulad ng "edad 18 pataas"), nang hindi mo na kailangan pang mag-imbak, mag-secure, o ingatan ang personal mong datos. Walang ring mga listahan ng user o personal na impormasyon na puwedeng nakawin at walang pananagutan ang partner na kumpanya sa anumang datos. Sinisigurong anonymous ang mismong patunay gamit ang zero-knowledge proof, kaya naman buo ang tiwala mong hindi ka malalagay sa anumang legal na responsibilidad gaya ng GDPR/CCPA o isyu tungkol sa data privacy.
Kapag ginamit ng isang tao ang World ID niya, may ilang mga mahahalagang kailangang sundin para masigurong mapanatili ang pribasiya ng pagiging anonymous niya.
Una, sa pamamagitan ng zero-knowledge proofs (ZKP), pinatutunayan nitong bukod-tangi ang isang tao nang hindi ibinabahagi ang personal nilang impormasyon sa third party na humihingi ng nasabing patunay. Pinoprotektahan din ng ZKPs ang paggamit ng World ID para hindi masubaybayan ang paggamit sa iba't ibang aplikasyon o maiugnay sa anumang biometrics ng isang tao.
Gumagamit ang World ID ng open source protocol na kilala bilang Semaphore para matiyak na hindi maiuugnay ang datos mismo ng World ID sa pagkakakilanlan ng isang tao at pati na rin kapag ibinahagi nila ang “patunay ng pagkatao” sa iba pang application.
Sa pamamagitan ng World ID, magkakaroon ang mga user ng walang kapantay na kontrol sa impormasyon nila, kabilang na ang Personal Custody.
Ang ibig sabihin ng "Personal Custody" ay ang lahat ng impormasyong nalikha sa Orb noong nagpaberipika ang user ng World ID nila (mga larawan, metadata at nabuong datos, kabilang na ang bukod-tanging code) ay itatago lang sa device nila. At wala sa World Foundation, Tools For Humanity o anumang third-party na kumpanya ang makakapag-decrypt ng mga encrypted file habang inililipat ito papunta sa telepono nila gamit ang mga server nila. Idinisenyo ang system para maprotektahan ang datos ng user kahit pa makompromiso ang telepono nila.
Kailangang beripikahin ng mga user nang isang beses lang ang kanilang pagkakakilanlan sa isang pampublikong Orb sa isa sa aming mga World space. Pagkatapos ng beripikasyon, mananatiling naka-encrypt ang World ID sa telepono ng user sa World App at puwedeng na muling gamitin sa kahit anong integrated na app kahit kailan. Hindi na kinakailangan ng Orb sa bahay dahil puwedeng-puwede nang bumisita ang user sa isang pampublikong Orb na available sa kanilang lokasyon. Para makita ang listahan ng lahat ng available na Orb location na puwede mong bisitahin para mas maunawaan ang global na coverage ng Orb, mangyaring tingnan ang world.org/find-orb.
May ilang pagkakataong kailangang bumalik ng user sa isang Orb. Halimbawa, kung nawala nila ang kanilang telepono at hindi nila maibalik ang World ID mula sa backup nila, o kaya naman ay kailangan nilang i-upgrade ang lumang World ID na na-issue bago ang Personal Custody Packages, o 'di kaya'y kung may application silang ginagamit na nangangailangan ng mas mataas at matibay ng beripikasyon.
Iisang uri lang ng datos ang kailangan ng Orb para maberipika nito kung tao talaga ang gumagamit: ang mga larawan ng mga mata at mukha ng gumagamit. Hindi nito kailangan ang pangalan ng user, email, kasarian o kahit ano pa.
Ginagamit ang mga larawan ng iris ng user para maberipika kung bukod-tangi tao sila, habang ang mga larawan ng mukha naman ay ginagamit para sa Face Auth, isang security feature na tinitiyak na tanging ang taong nagpaberipika ng World ID nila sa Orb lamang ang makagagamit nito.
Pagkatapos mag-sign up ng user sa World App, puwede silang maghanap ng Flagship location ng World para makabisita sa isang Orb. Nangyayari lang ang beripikasyon ng World ID sa isang Orb.
Kapag ang isang user ay nasa isang Orb station at nakapag-sign up na sa World App, ganito magiging pagkakasunod-sunod ng proseso na mangyayari:
- Kukuha ang Orb ng mga high-resolution na larawan ng mga iris at mukha ng user.
- Gagamitin ng Orb ang mga larawang ito para makumpirma kung tao ang user at iko-convert nito ang larawan ng iris nila sa isang bukod-tanging code, at pagkatapos ay hahatiin ito sa mga randomized multi-party compute (MPC) fragment.
- Ipapadala ng Orb ang mga larawan at mga MPC fragment sa device ng user (ang Personal Custody Package nila), bago tuluyang burahin ang mga ito.
- Ipapadala ng device ng user ang mga fragment sa AMPC service para makumpirmang hindi pa nakakapagpaberipika ang user noon.
- Naberipika na ang World ID ng user.
Karamihan sa proseso at code na may kaugnayan sa pagbeberipika ng bukod-tanging pagkatao, kabilang ang AMPC at ang mga nangyayari sa Orb, ay open source na makikita at masusuri ng lahat dito.
Puwede mong ipakita ang interes mo sa pamamagitan ng pagsusumite sa Contact Us form sa website na ito at makikipag-ugnayan kami sa iyo.

