
Sa naganap na Lift Off sa San Francisco, inilatag ng World ang plano nito para sa susunod na yugto ng patunay ng pagkatao. Kabilang dito ang mga bagong partner nito, mga produkto at mga pagbabago sa protocol na layong i-angat ang bawat tao sa panahon ng AI.
Ipinakikilala ang bagong World ID: patunay na tao ka, mula simula hanggang dulo

Ibinida sa Lift Off ang pinakamahalagang pagbabago sa World ID hanggang ngayon. Dahil sa bagong account-based architecture ng World ID, mas protektado na at mas madaling gamitin kahit saan ang pribadong patunay ng pagkatao. Dahil naman sa mga dagdag na feature nito gaya ng key rotation, recovery, multi-key support at session management, handa na ang protocol para sa pang-araw-araw na gamit, mapa-korporasyon man o konsumer. Mas pinaigting din ang pribasiya nito dahil sa mga nullifer na isang beses lang gagamitin, at dahil sa bagong open-source SDK, kahit anong app, puwede nang magsilbing World ID authenticator.
Kasabay ng protocol, ipinakilala rin ng World ang World ID app, isang paraan para mapamahalaan at magamit mo ang patunay ng pagkatao mo sa buong internet. Ilalabas muna ang app na ito bilang isang public beta.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa technical architecture, basahin ang buong anunsyo.
World para sa tao: Tinder, Concert Kit at ang mga platform na ginagamit ng mga tao araw-araw
Mapatutunayan na ng mga konsumer na tao ang katransaksyon nila sa mga platform, kung saan mahalagang-mahalaga ang tiwala.

Magiging available na rin sa Tinder ang World ID integration nito sa Estados Unidos. Magkakaroon ang mga beripikadong tao ng isang bukod-tanging badge sa profile nila at limang libreng Boost para mas madali silang mapansin, isang hakbang para mas dumami ang gumamit ng patunay ng pagkatao sa Tinder. Bahagi ang pakikipagtulungang ito sa Match Group sa lumalaking listahan ng mga consumer platform na gumagamit na rin ng teknolohiyang ito. Kabilang dito ang Razer, na ginawa nang standard ang paggamit ng Razer ID verified by World ID para tao ang maging prayoridad sa online gaming, hindi bot. Kabilang din dito ang Mythical Games, na gagamit na rin ang patunay ng pagkatao para sa mga player-owned game economy, kung saan mga player ang tunay na nagmamay-ari ng mga item nila.

Ang Concert Kit, isang bagong tool mula sa World at hatid ng World ID, ay nagbibigay-daan sa mga artistang ilaan ang mga ticket nila para lang sa mga beripikadong tao. Magkakaroon ng eksklusibong access ang mga beripikadong tao sa mga VIP suite experience sa mga piling tour stop. At para ipagdiwang ito, magpe-perform si DJ Pee .Wee ngayong gabi sa The Midway sa San Francisco para sa mahigit 1,000 beripikadong fans nito.
Isa ang mga live event sa mga lugar kung saan kitang-kita ang perwisyong dala ng mga bot, ang dahilan kung bakit nalulugi ang tunay na fans. Dahil dito, inilunsad din ng World ang Concert Kit, isang bagong produktong nagbibigay-daan sa mga artistang ilaan ang mga ticket nila para lang sa mga beripikadong tao. May mga artista nang nangakong susubukan ang Concert Kit. Ilalaan ng Thirty Seconds to Mars ang bahagi ng mga ticket nila para lang sa mga beripikadong tao sa nalalapit nilang 2027 tour, at maglalabas pa sila ng karagdagang detalye tungkol dito.
Basahin ang buong anunsyo tungkol sa Concert Kit.
World para sa negosyo: Zoom at Docusign, kaisa na sa pagpapatunay na tao ang kausap mo online
Ipinakikilala ng bagong World ID ang isang konseptong mahalaga para sa mga kumpanya: ang pagpapatunay na tao ka, mula simula hanggang dulo. Sa halip na mga device o ID, mismong tao na ang beberipikahin ng World ID.

Ang Zoom ang kauna-unahang communications platform na maglalagay ng Deep Face sa mga online meeting nito. Sinisiguro nitong tunay na tao ang kausap mo kapag nagtugma ang tatlong bagay na ito: ang kinunang larawan nila noong nagpaberipika sila sa Orb, ang selfie nila sa mismong oras ng meeting at ang video na nakikita ng lahat sa screen. Kapag nagtugma ang lahat ng ito, kumpirmadong sila talaga nasa meeting at hindi AI. Ang video lang ang sinusuri nito, hindi ang boses.

Nagsanib-puwersa ang Docusign at World para mapatunayan kung tao talaga ang pumipirma sa mga dokumento. Sa pamamagitan ng World ID, makukumpirma na ng mga pipirma ang ilang detalye tungkol sa sarili nila para mapatunayang tao sila, hindi bot. Dahil dito, magkakaroon ka ng kasiguruhan na ang taong katransaksyon mo ay siya pa rin mula simula hanggang dulo.
Basahin ang buong anunsyo rito.
Patunayang tao ang nasa likod ng AI agent
Dahil dumarami na ang mga AI agent na gumagalaw para sa tunay na mga tao, kailangang-kailangan na nating magkaroon ng system para mapatunayang may tunay na tao sa likod ng bawat AI agent. Inanunsyo ng World ang mga bagong feature nito para mapatunayang may tunay na tao sa likod ng mga hakbang na ginagawa ng mga AI agent, hatid ng AgentKit.
Nakikipagtulungan ang World sa Vercel para mapatunayan kung tao ang nasa likod ng isang hakbang para sa mga developer na nagbi-build sa bagong open source Workflow SDK ng Vercel. Puwede nang maglagay ng dagdag-hakbang ang mga developer para sa anumang workflow o AI agent para humingi ng beripikasyon kung may tao sa likod nito, at makikita ang bawat beripikasyon sa history ng workflow para sa mas malinaw na monitoring. Dahil dito, magkakaroon ng matibay na ebidensyang may tao sa pinakamahalagang bahagi ng prosesong ito. Magagamit na ang feature na ito, at puwede na itong i-install mula sa npm.

Plano ng Okta na bumuo ng bagong produkto: ang Human Principal. Sa tulong nito, masisiguro ng mga API builder kung may tao ba sa likod ng isang AI agent at sa mga ginagawa nito, para makapagpatupad ito ng kaukulang hakbang. May iba't ibang paraan para makapagpaberipika ang mga tao at makakukuha sila ng cryptographic proof na nakalagay lang sa device nila at magagamit nila ito sa iba't ibang platform para hindi na nila kailangan pang magpaberipika nang paulit-ulit. Isa ang World ID sa mga unang magiging partner para sa Human Principal integration, kung saan magbibigay ito ng paraan para mapatunayan kung tao ang isang user sa paraang madali, available kahit saan at siguradong protektado ang pribasiya.*
Basahin ang buong anunsyo.
Ang network ng tunay na mga tao ang tunay na makikinabang
Nasa halos 18 milyong beripikadong tao na sa 160 iba't ibang bansa ang bahagi na ng network ng tunay na mga tao. Dahil sa bagong World ID, at sa dumaraming platform at kumpanyang gumagamit nito, at sa protocol na binuo para sa mas malawakang paggamit, kailangan na nating mapatunayang tao tayo sa internet.
Ang lahat ng anunsyo ngayon ay iisa lang ang gustong iparating: mas magiging maayos ang mga serbisyong ginagamit natin kapag sigurado tayong may tao sa likod nito. Sa World, magiging posible na ito nang hindi isinasantabi ang pribasiya at sa paraang magagamit ng mas maraming tao.
Kunin ang libre mong World ID sa world.org/find-orb. Para sa mga developer, makikita ang dokumentasyon sa docs.world.org. Para sa mga kumpanyang interesadong gumamit ng World ID para sa system nila, bisitahin ang world.org/world-id.
Panoorin ang Lift Off keynote video
*Ang anumang pagbanggit ng mga produkto, feature, functionality o sertipikasyong ilalabas pa lang sa blog na ito ay para lang sa impormasyon mo. Hindi garantiya na ilalabas ang mga ito, kaya't hindi dapat ito gawing basehan para sa pagdedesisyong bumili.
Sumali sa network ng tunay na mga tao.
I-download ang World AppMga kaugnay na artikulo

Announcements ·
Product ·
Ipinakikilala ang Concert Kit: ticket para sa fans, hindi sa mga bot

Announcements ·
Product ·
World ID para sa mga AI agent: Browserbase, Exa, Okta at Vercel

Announcements ·
Product ·
World ID para sa negosyo: Zoom at Docusign, kaisa na sa pagpapatunay na tao ang kausap mo online
Announcements ·