
Nasa internet na ang pera ngayon. Sa mga app na pumapasok ang sahod. Sa telepono na rin nakalagay ang mga card. Mas mabilis at madali na ring magpadala ng pera sa ibang bansa. At dahil halos lahat ng transaksyong ito ay digital na at isinasagawa sa pagitan ng magkakaibang bansa, mas lalong mahalagang sigurado ka kung sino ang katransaksyon mo. Kung dati ay hiwa-hiwalay pang app ang kailangan mo para magawa ito, ngayon ay nasa iisang lugar na lang ito at magagamit mo kaagad pagkahawak mo pa lang ng telepono mo.
Simula sa araw na ito, ilulunsad na ang World Money, isang super app sa pinansya para sa mga tao, sa mahigit 150 bansa. Nakadepende sa bansa ang mga feature at kwalipikasyon para rito.
Ang World Money ay ang sentro para sa lahat ng kailangan mo sa pera. Dito, puwede kang maglagay ng pondo, palaguin at gamitin ang mga digital asset mo at tingnan ang iba't ibang Mga Mini App tulad ng Kalshi, Credit, at Morpho. Sa pamamagitan ng app, puwede kang magtabi ng US dollar at iba pang tinatanggap na local currency stablecoin. Puwede ka ring magpadala o tumanggap ng mga digital asset sa iba’t ibang bansa nang libre na parang nagpapadala ka lang ng text.
Ginawa para sa kung ano talaga ang ginagawa ng tao sa pera
Hindi mo na kailangan pang magpalipat-lipat ng app para lang maasikaso ang pera mo. Sa World Money, iisang lugar na lang ang kailangan mo para sa mahahalagang transaksyon sa pang-araw-araw: pagtanggap ng sahod, pagtatabi ng pera, mga reward, pag-iinvest, paggastos at pagpapadala ng mga digital asset sa ibang bansa.
Pagbukas mo ng World Money, makikita mo na kaagad ang balanse ng stablecoin mo sa home screen. Puwede kang magtabi ng walong currency sa app na ito, kaya't mas madali nang tumanggap ng bayad, magtabi ng mga digital asset sa gusto mong currency at magamit ang mga ito. Puwede mo ring ipasok kaagad ang pondo mo sa sarili mong virtual account, hatid ng Bridge.
Sa World App, makikita mo nang detalyado ang lagay ng pera mo dahil naka-built in na rito ang portfolio tracking, detalyadong transaction history at mga alerto tungkol sa presyo.
Sa Earn tab, puwede kang magdeposito ng ilang piling asset, gaya ng Worldcoin (WLD) at mga stablecoin, sa mga programang hatid ng Morpho para mas lumaki ang rewards mo sa paglipas ng panahon. Sa Trade tab naman, puwede kang bumili at magbenta sa iba't ibang palitan, mapa-ginto man o mga kilalang token. Ang lahat 'yan, nasa iisang lugar na lang kung saan mo rin itinatabi ang iba mo pang digital asset.
Dahil iisang app na lang ang kailangan mo para sa pagbabayad, mga balanse, rewards, pag-iinvest, Mga Mini App, portfolio tracking, transaction history, mga alerto sa presyo at paglilipat ng asset sa ibang bansa, ang World Money ay isang napakagandang app para sa pinansya. Binuo ito para sa'ting mga tao para sa pagba-badyet at pagpapagalaw ng pera natin.
Stripe x World Money, ang mas mabilis na paraan para makapaglagay ng pondo sa account mo
Minsan, medyo kumplikado ang paglalagay ng pondo sa isang self-custodial wallet. Pero sa World Money at Stripe, mas magiging madali na ang proseso at ilulunsad na ito sa Estados Unidos.
Mas pinagaan na ang paglalagay ng pondo sa pamamagitan ng World Money. Sa Apple Pay, puwede mong gawing stablecoin ang perang ginagamit mo sa pang-araw-araw at madalas, papasok na ito sa account mo sa loob lang ng ilang minuto. Ang feature na ito ay hatid ng Stripe, at ito ang paraang awtomatikong gagamitin nito sa paglalagay ng pondo mo. Bahagi ito ng mas tumitibay naming pakikipagtulungan sa Stripe para mas mapadali ang pagpasok at paglabas ng mga asset sa World Money sa buong mundo.

Bakit mas magandang magkaroon ng World ID
Ang lahat ng ito ay posible dahil sa pundasyon nito, ang network ng tunay na mga tao. Iba ang pakiramdam kapag sa tunay na tao nakapangalan ang account. Kahit magpadala ka ng pondo sa kanto o sa kabilang kontinente, magkakaroon ka ng tiwala sa iba dahil sa World ID. Kahit pa gawing mas mura at mas kapani-paniwala ng AI ang mga pekeng account, ang network ng tunay na mga tao ang isang bagay na hindi kailanman magagaya ng kahit anong sistema para sa paglilipat ng pera.
Kapag ipinaberipika mong bukod-tangi kang tao sa Orb, magkakaroon ka ng eksklusibong access sa mga benepisyo, tulad ng mas mataas na reward sa Earn. At kapag beripikado ka na, hindi lang 'yan ang makukuha mo. Kapag may mga bagong feature na, tayong mga tao ang mauuna. Ang patunay na tao ka ay isang bagay na talagang mapakikinabangan mo sa pang-araw-araw.
Mga Madalas Itanong Tungkol sa World Money
Ano ang World Money?
Ang World Money ay isang super app sa pinansya para sa mga tao, kung saan puwede kang gumamit ng mga stablecoin at virtual account, mag-invest, kumita at magpadala ng pera nang instant saan man sa mundo sa pamamagitan ng isang self-custody wallet.
Kailangan ko bang magkaroon ng bagong account para magamit ang World Money?
Kung isa ka nang user ng World App o World ID App, awtomatikong malilipat ang beripikasyon at mga credential mo sa World Money. Kung bago ka pa lang sa World, kailangan mo munang mag-sign up.
Saan ko nga ba puwedeng gamitin ang World Money?
Puwede mong gamitin ang World Money para magpadala at tumanggap ng bayad sa mga kaibigan at pamilya mo, gumamit ng mga serbisyo para makipag-trade, bumili, at magbenta ng mga digital asset. Puwede mo ring matanggap ang suweldo mo gamit ang virtual account, kung available ito sa lugar mo.
Paano gumagana ang World ID sa World Money?
Puwede mong gamitin ang World ID mo sa World Money para makakuha pa ng dagdag na promotional rewards sa ilang piling Earn program.
Puwede ba akong magpadala ng pera sa ibang bansa gamit ang World Money?
Oo. Puwede kang magpadala ng bayad gamit ang anumang digital asset na available sa World Money (gaya ng Worldcoin, mga stablecoin, at iba pang token) sa ibang tao saan mang panig ng mundo gamit lang ang World username nila, kung available ito sa bansa mo.
Para sa iba pang Madalas Itanong, tingnan ang World Money Help Center.
Pagtatanggi
Ang World Money ay hatid ng Tools For Humanity. Mayroon itong mga feature na galing sa, o sa pakikipagtulungan sa mga third party partner. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang mga tuntunin at kinakailangan para sa kwalipikasyon. Hindi rin pare-pareho ang mga feature at asset na puwedeng magamit sa bawat lugar.
Hindi bangko ang World Money. Ang mga digital asset, kabilang na ang mga stablecoin, ay hindi mga deposito at walang proteksyon sa deposito, insurance sa FDIC at/o anumang ahensya ng gobyerno. Ang pag-iinvest at mga Earn program ay may kaakibat na panganib, kabilang na ang posibilidad ng pagkawala ng principal. Ang mga rate, reward, at bumalik na puhunan ay hindi permanente, hindi garantisado, at maaaring magbago anumang oras. Alamin pa ang tungkol sa World Money dito.
Sumali sa network ng tunay na mga tao.
I-download ang World ID appMga kaugnay na artikulo

Announcements ·
Muse, dots, Instinct, and the question every agent will be asked

Announcements ·
Product ·
peaqOS brings World ID to physical AI and the machine economy

Announcements ·
Putting human fans first in the ticket queue: a global look at the ticketing bot challenge

Announcements ·




