
Bago bumili, nakasanayan na nating tumingin muna sa mga review. Pinagkakatiwalaan natin ang opinyon ng mga hindi kakilala natin kakilala tungkol sa mga restaurant, produkto at mga serbisyo na para bang mga kaibigan lang natin ang nagrekomenda. Pero paano kung 'di naman pala tao ang mga 'yon?
Kitang-kita sa datos ang malawakang panloloko. Nitong nakaraang taon lang, tinanggal ng Tripadvisor ang 2.7 milyong pekeng review. Umabot na sa 250 milyong kahina-hinalang pekeng review ang hinarang ng Amazon. 4.5 milyon naman ang binura ng Trustpilot. Samantala, umabot na sa $787.7 bilyon taon-taon ang nawawala sa mga konsumer dahil sa mga pinagsisihan nilang pagbili. Tinatayang lalampas pa ito sa $1 trilyon pagsapit ng 2030.
Ang digital na ekonomiyang binuo natin base sa tiwala ay unti-unti nang nawawasak dahil sa paglaganap ng mga pekeng review.
Hindi lang pera ang nakataya
Hindi lang pera ang nagiging danyos dito. Nasa 98% ng mga konsumer ay nagbabasa muna ng mga review bago bumili, at 88% naman ang nagtitiwala sa mga ito na parang inirekomenda lang ng mga kaibigan nila. Kaya naman kapag may mga pekeng review, parang niloloko na rin tayo ng sistemang pinagkakatiwalaan natin para makapili nang tama.
Masakit ito para sa mga konsumer. Ang daming nabubudol ngayon dahil sa layo ng mga online review at aktwal na produktong nabili nila, tulad ng rubber shoes na nasisira kaagad pagkatapos lang ng dalawang gamitan, o 'yong "luxury" apartment na napakalayo naman sa mga larawang naka-upload. Nasa $125 kada taon ang nasasayang ng karaniwang konsumer sa mga produktong binili nila base sa mapanlinlang na mga review, pero hindi lang pera ang nawawala rito. May bakasyon ding nasisira dahil sa hotel na 'di naman pala katulad ng nasa ad, 'yong regalong nakakadismaya, at 'yong tiwalang unti-unting nasisira sa bawat panlilinlang.
Makikita sa mga restaurant kung paano tinatamaan ang lahat dito. 'Yong dagdag lang na isang star sa mga review ng restaurant, kaya nitong palakihin ang kita nang hanggang 9%. Ganoon din ang kabaligtaran: 22% ng mga kumakain ay 'di na tutuloy sa restaurant 'pag may nabasa silang kahit isang negatibong review lang, at pagkatapos ng tatlong negatibong review, aakyat ang bilang na iyon sa 59%. Sa isang industriyang napakaliit lang ng kikitain, pasakit pa lalo ang mga pekeng review ng mga kakumpitensya nito. Nag-popost ang mga ito ng mga magagandang review, habang sinisiraan naman ang mga kakumpitensya nila.
Malaking tulong ang mga app review para makapili ang mga negosyante kung aling app ang dapat nilang i-install sa Shopify store nila. Hindi maganda ang epekto ng mga pekeng review para sa mga negosyante at hindi rin patas sa mga developer na marangal na pinatatakbo ang mga negosyo nila. 'Yan ang dahilan kung bakit katatangal lang namin ng higit sa 15,000 pekeng review 👇
— Glen Coates (@glencoates) Ika-28 ng Hunyo, 2023
Kayang pabagsakin ng mga pekeng review ang kita ng mga lehitimong negosyo nang 25%, kung saan ang mga maliliit na negosyo ang pinakamatinding tinatamaan. Wala silang kakayahang labanan ang mga planadong pag-atake o tapatan ang mga binayarang paninira dahil kulang sila sa budget. Sa kabilang banda naman, mahigit 50% ng mga konsumer ang nagsabing hindi sila bibili ng isang produkto kung sa tingin nila ay peke lang ang mga review nito. Dahil dito, hindi lang mga manloloko ang pinagdududahan. Pati mga mararangal na negosyo, damay na rin dito. Ang nangyayari tuloy, parang naging isang merkado na ito kung saan mas lamang ang mas magaling mandaya, kaysa sa kalidad ng produkto o serbisyo.
Ang landas tungo sa pagbabago: patunayang tao ang nasa likod ng mga pahayag
Habang dumarami ang mga review na ginamitan ng AI buwan-buwan, dapat nang ituon ang solusyon sa pagpigil sa mga ito sa simula pa lang. Dito na magbabago ang laro dahil sa teknolohiya ng patunay ng pagkatao, sa kung papaano natin ibinibigay ang tiwala natin sa iba sa internet.
Sa pamamagitan ng cryptography, mabeberipika natin kung galing sa tunay at bukod-tanging mga tao ang mga review nang hindi kailangang malaman o ilantad ang pagkakakilanlan nila. Sa paraang ito, malalabanan ng patunay ng pagkatao ang krisis sa mga pekeng review:
- Beripikahin ang awtentisidad: Makatitiyak kang galing sa tunay na mga tao ang mga review, hindi sa mga AI persona o bot farm.
- Protektahan ang pribasiya ng reviewer: Kumpirmahin kung tunay silang tao nang hindi kailangang hingin ang mga pangalan, email o personal nilang datos na pwedeng kolektahin o i-hack.
- Harangin ang pagpapaulan ng mga review : Pigilan ang mga planadong pag-atake gamit ang daan-daang pekeng account kung saan bigla na lang pupunuin ng mga ito ng mga bad review ang isang negosyo.
- Ibalik ang integridad ng platform: Gawing panatag ang mga konsumer na galing sa mga tao ang mga opinyong nababasa nila online, hindi sa mga algorithm lang.
- Bigyang-daan ang patas na kumpetisyon: Gawing patas ang laban para magtagumpay ang mga negosyo dahil sa kalidad ng serbisyo o produkto nila, hindi kung sino ang may pambayad para sa mga sopistikadong pekeng review.
Hindi ito tulad ng nakasanayan nating mga paraan ng pagbeberipika na nakakaabala o inilalantad ang personal mong datos, dahil tahimik lang na gumagana ang patunay ng pagkatao. Pinatutunayan lang nitong isa kang taong may iisang boses nang hindi makokompromiso ang pribasiya mo.
Ibalik ang boses sa tunay na mga tao
Kung hindi na natin mapagkakatiwalaan ang opinyon ng kapwa natin dahil hindi na natin alam ang pagkakaiba ng mga tao sa mga program lang, mawawalan na ng saysay ang content na gawa ng tao. Nagbibigay ang teknolohiya ng patunay ng pagkatao ng malinaw na soluyson: isang hinaharap kung saan ang mga review ay sumasalamin sa tunay na karanasan ng tao, kung saan ang maliliit na negosyo ay hindi natatabunan ng mga pekeng papuri para sa mga kakumpitensiya nila, at kung saan mas mapagkakatiwalaan ng mga konsumer ang nababasa nila online.
Mayroon na tayong ganitong solusyong, ang patunay ng pagkatao, ang teknolohiyang nasa likod ng World ID. Ang kailangan na lang ngayon ay ang pagkakaisa para gamitin ang mga solusyong magbabalik sa tunay na halaga ng internet: ang koneksyon ng mga tao at ang pagbabahagi ng tunay na mga karanasan.
Alamin Pa
Para manatiling may alam tungkol sa pinakabagong mga kaganapan sa World, pati na rin sa iba pang kaabang-abang na balita at anunsyo, bisitahin ang World website o mag-subscribe sa blog sa ibaba.
Puwede ka ring sumali sa araw-araw na talakayan sa lahat ng social media channel ng World, o makakuha ng mas marami pang mahahalagang impormasyon tungkol sa network mula sa World protocol whitepaper.
Mga kaugnay na artikulo

Understanding World ·
What is World? FAQs About Proof of Human, Privacy and the Real Human Network

Understanding World ·
Policy ·
The economic benefits of proof of human

Understanding World ·
Mga Madalas Itanong tungkol sa World ID

Understanding World ·