
Ano ang World ID?
Ang World ID ay isang pribadong patunay ng pagkatao na nagbibigay-daan sa milyon-milyong indibidwal na ligtas na mapatunayan ang pagkatao nila online.
Ang World ID ay nakalagay sa telepono mo, at nagbibigay-daan ito sa'yong mapatunayan nang pribado na tunay at bukod-tangi kang tao, hindi isang bot, kapag gumagamit ka ng mga online na serbisyo at iba’t ibang Mini App. Isa itong simple at pwedeng gamitin ulit na paraan para mapatunayan mong tao ka online, nang hindi nagpapakilala, sa isang mundo kung saan mas mahirap nang matukoy ang mga tao mula sa AI dahil sa pag-unlad ng teknolohiya.
Paano ako makakapag-sign up para sa World ID?
Pwede kang lumikha ng World ID sa anumang World ID-compatible na digital wallet, tulad ng World App, ang unang wallet na binuo para sa World Network at idinevelop ng tagapag-ambag sa proyekto na Tools For Humanity (TFH). Para ganap na maberipika ang World ID mo at matanggap ang "patunay ng pagkatao" na kredensyal mo, kailangan mo munang pumunta sa isang Orb nang personal para maberipikang tunay at bukod-tangi kang tao.
Ganito ang sunud-sunod na mangyayari pagkatapos mong mag-sign up sa World App:
- Kukuha ang Orb ng mga larawan ng mga mata at mukha mo.
- Lilikha ang Orb ng isang bukod-tanging code mula sa mga larawang ito, ipadadala ang mga larawan at ang bukod-tanging code sa device mo (ang personal custody package mo), bago tuluyang burahin ang mga ito.
- Magpapadala ang device mo ng isinapribadong mga MPC fragment ng bukod-tangi mong code sa mga MPC node para makumpirma kung isa kang tunay at bukod-tanging taong nagpapaberipika sa unang pagkakataon.
- Beripikado na ang World ID mo.
- Makikita ang detalyadong impormasyon kung paano ibineberipika ng Orb ang isang World ID dito.
- Makikita ang detalyadong impormasyon tungkol sa anonymized multi-party computation (MPC) dito.
- Makikita ang detalyadong impormasyon tungkol sa data at sa Orb dito.
- Makikita ang detalyadong impormasyon tungkol sa Personal Custody dito.
- Makikita ang detalyadong impormasyon tungkol sa pribasiya sa World dito.
Sino'ng pwedeng gumamit ng World ID?
Ang World ID ay bahagi ng isang open source at permissionless protocol na magagamit ng sangkatauhan. Ang lahat ng developer dosc ay bukas sa publiko.
Konektado ba ang paggamit ng World ID sa personal na datos o datos ng biometrics?
Hindi. Ang World ID ay idinisenyo para magamit mo ito nang hindi isinasapubliko ang pagkakakilanlan mo. Kahit sino, pwedeng gumamit nito nang hindi nagbibigay ng personal na impormasyon tulad ng mga pangalan, email address, numero ng telepono, social media profile, atbp.
Ang World ID ng isang tao ay mabubuo sa World App sa device nila bago sila pumunta sa Orb, na siyang kumukuha ng mga larawan para maberipika ang World ID ng iasng tao at (kung kinakailangan) para ma-recover ito, at ang kaugnay na datos ay hindi ibabahagi sa anumang third-party kapag ginagamit ang World ID.
Anong mga tool ang ginagamit para maprotektahan ang pribasiya ng isang indibidwal kapag ginagamit nila ang World ID nila?
Kapag ginagamit ng isang tao ang World ID nila, pinipigilan ng isang zero-knowledge proof (ZKP) ang mga third party na masubaybayan sila sa iba’t ibang application. Tinitiyak din ng ZKPs na ang paggamit ng World ID ay hindi maiuugnay sa anumang datos ng biometrics o sa bukod-tanging code na ginagamit para maberipika kung ang indibidwal ay isang tunay at bukod-tanging tao.
Gumagamit ang World ID ng isang open source protocol na kilala bilang Semaphore na tinitiyak na hindi maiuugnay ang mga beripikasyon sa pagkakakilanlan ng isang tao, maging sa mga beripikasyon sa iba pang application.
Karagdagang impormasyon
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa World ID, bisitahin ang pahina ng World ID, developer docs, at World Whitepaper.
Makikita ang impormasyon tungkol sa sunud-sunod na hakbang sa pagpapaberipika ng World ID mo at pagsali sa World Network dito.
Pwede ka ring sumali sa pag-uusap tungkol sa World sa Twitter/X, Telegram, Discord, YouTube at LinkedIn.
Binago ang blog na ito noong ika-26 ng Nobyembre 26, 2025.
Paunawa
Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang hanggang sa petsang nakasaad. Higit pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalang-katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatangi sa Mga Tuntunin sa Paggamit namin at ang Mahalagang Impormasyon para sa User ay matatagpuan sa pahina ng Mga Panganib namin.
Mga kaugnay na artikulo



